Chapter 16: LARAWAN

Magsimula sa umpisa
                                        

"Tignan mo dyan" utos ng isang pulis na mukhang tinutukoy ay dito sa baba ng higaan

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nag iisip na ako ng pwedeng idahilan kung bakit kami nandito ngayon. Di ako makaisip natataranta na ako. Bahala na kung anong mangyari, wala naman kaming ginagawang masama. Biglang tumahimik. Akala ko umalis na pero hindi pa, dahil kita ko pa ang mga paa ng dalawang pulis na to.Tahimik lang, nang bigla tumambad ang mukha ng isang pulis na sumilip sa ilalim ng higaan. Bago pa man ako mapasigaw sa gulat eh buti napigilan ko ang sarili ko. Blanko lang ang ekspresyon sa mukha ng pulis. Biglang nagtama ang paningin namin at ngayo'y nag a-eye to eye na kami. Bigla na lang akong pumikit habang hinihintay ang susunod na mangyayari. Si Lamar, ito, sobrang higpit ng kapit sa balikat ko.

"Wala, baka minumulto ka ni ma'am" pabirong sabi ng pulis

Iminulat ko na ang mga mata ko. Palabas na ang mga pulis sa kwarto. Huh ? Anong nangyari ? Hindi kami nakita ? Siguro dahil sa sobra din naman ang dilim dito. Hoh ! Akala ko katapusan na namin. Nanatili pa rin kami ni Lamar dito sa ilalim sa ganon pa ring posisyon dahil di pa lumalabas ng bahay ang dalawang pulis, rinig na rinig ko pang nag uusap sila.

"Sabi ko naman sayo kahit wag na tayong magbantay dito banda. Mukhang wala namang menor de edad ang nasa labas na ngayon" pahayag ng pulis

"Oo nga eh, kahit nga hindi apektado ng curfew wala ding nasa labas" dagdag pa ng isang pulis

"Eh nagchika babe na lang sana tayo don hahaha" tatawa tawang sabi ng isang pulis na mukhang tinutukoy ang bar na pinuntahan nila kanina lang.

"Magtino ka naman ngayon lang hahaha" sabi ng isa pang pulis. Bat ba di pa sila umaalis, dito pa magkwentuhan sa loob. Hirap na hirap na ko sa posisyon ko dito.

"Don na lang tayo sa sentro, don lang naman may mga tao. Baka don pa sumugod yung lintik na pumapatay na yon" yaya ng isang pulis

"Tara tara" pagsang ayon naman ng isa

Buti naman at naisipan niyo ng umalis. Hinintay muna namin na marinig ang tunog ng sasakyan para makasiguro kaming tuluyan na ngang nakaalis ang mga loko. Pinakiramdaman muna namin, mukhang wala na nga sila. Saka kami biglang lumabas agad ni Lamar at parang uhaw na uhaw kami sa hangin.

"Muntik na tayo don pare" buntong hiningang sabi ni Lamar

"Sinabi mo pa !" sabi ko habang pilit lumalanghap ng oxygen

"Ginagawa din naman pala yong trabaho" pahayag ni Lamar habang nagpupunas ng pawis

"Bakit kailangang isingit ang chika babe session sa gitna ng duty, t*ng*na lang?" medyo inis pa ring sabi ko

"Baka tinamaan lang ng *censored" natatawang sabi ni Lamar

"Siraulo" natawa na din ako

Biglang napunta naman ang paningin ko at lumapit sa mga librong nakapatong sa mesa sa tabi ng higaan. Bigla kong naalala yung librong "No Mercy". Inisa isa kong tignan ang mga libro at umaasa akong makita ang librong kulay puti, baka naiuwi ni Ma'am dito.

"Anong hinahanap mo ?" pagtataka ni Lamar

"Yung libro baka nandito" maikling tugon ko at siyang hanap din ni Lamar

"Meron dyan ?" tanong ko sa kanya nang wala akong nakita dito sa mesa pero di niya ako kinibo. Nakatayo lang sa harap ng lumang cabinet, hawak hawak ang isang parihabang card. Lumapit ako dahil sa pagtataka kung ano yung tinitignan niya.

"Akala ko walang asawa si ma'am ?" pagtataka ni Lamar.

Nakatingin kaming pareho ngayon sa isang kupas na larawan ng isang binata habang nakaakbay sa isang dalaga na sa tingin koy si Ma'am

INSTANT DETECTIVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon