Chapter 16: LARAWAN

777 27 4
                                        


Sa mga oras na to'y nakaupo pa rin kami ni Lamar sa likod ng nakasarang pinto. Inilibot ko ang paningin sa buong bahay. Maliit nga lang tong bahay. Mapapansin mong kaunti lang ang mga kagamitan dito na parang isang tao nga lang ang nakatira. May isang mahabang upuan lang dito na nakaharap sa basag na tv at malamang nasa parteng sala kami ngayon. Nagawi ang tingin ko sa likod ng tv, kusina na agad, may lutuan at maliit na mesa. Napatingin naman ako sa kanan may dalawang pinto, siguro ang isa'y cr at ang isa naman kwarto, hula ko. Bigla namang tumayo si Lamar.

"Huy san ka pupunta ? Baka nasa labas pa yung mga pulis !" pasigaw na bulong ko pero hindi na yata ako narinig. Nakita kong pumunta si Lamar sa maliit na mesa sa tabi ng tv at pinagmasdan ang dinampot niya. Tumayo na din ako at tumungo sa kinatatayuan niya.

"Bahay nga to ni Ma'am De Castro" kalmadong sabi ko habang pareho kaming tumitingin sa larawan na nakaframe ng isang magandang babae

"Oo. Ang ganda ni ma'am" sabi ni Lamar

"Kaya nga. Sa ganda niya, wala man lang siyang asawa, wala man lang nagkagusto sa kanya ?" pagtataka ko

"Baka naman choosy" seryosong sabi ni Lamar

Tama si Lamar, maganda nga si ma'am kahit sa tantiya ko'y nasa 40's na ang edad. Katamtaman ang haba ng buhok, maputi at matangos ang ilong. Siguro kung nabuhay na ako nong kabataan ni ma'am liligawan ko to. Teka nga, ano ba tong pinag iisip ko, jusko, sumalangit nawa.

Nabigla naman ako nang biglang nadaanan kami ng ilaw ng flashlight na lumusot mula sa bintana. Sabay kaming napaupo ni Lamar para hindi makita ng kung sino mang nagpailaw non.

"Parang may naaninag akong tao sa loob !" narinig kong sabi ng isang pulis sa labas. Patay nandyan pa pala sila

"Baka guni guni mo lang" pagwawalang bahala ng isa pang pulis. Oo paniwalaan mo siya, guni guni mo lang yun ! Please .. please.

Nataranta naman ako nang biglang tumunog yung gate na mukhang papasok yung dalawang pulis. Bigla akong tinapik ni Lamar at tumungo sa isang pinto para doon magtago sa loob, sumunod naman ako. Buti na lang bukas. Pagbukas ko, tama ako, kwarto nga to. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa sala, lintik, pumasok na yung mga pulis.

"Ilock mo" bulong ko kay Lamar pero sumenyas siya sa aking sira yung lock. Tinapik ko si Lamar para sumunod sa akin papunta sa ilalim ng higaan para doon magtago.

"Don ka sa kusina, tignan mo sa cr" narinig kong utos ng isang pulis.

Tagaktak na ang pawis ko dahil sa pinaghalong kaba at init dito sa ilalim ng higaan. Pakiramdam ko may war on drugs na nangyayari at para kaming mga nagdodrogang niriraid.

"Ang init" bulong ni Lamar at pinanlakihan ko siya ng mata at sumenyas na tumahimik

Narinig ko ang yapak ng isang pulis na mukhang papunta dito sa loob ng kwarto. Nagulat ako nang biglang sinipa niya ang pinto para buksan. Mukhang hawak niya ang baril at itinututok na handa ng bumaril anumang oras. Tinakpan na lang namin ni Lamar ang bibig at kung maaari'y pinipigilan kong huminga dahil sa sobrang katahimikan ngayon mukhang kahit hininga'y maririnig nila. Nagpaikot ikot ang pulis sa loob ng kwartong to. At mukhang hindi hihinto hangga't walang nakikitang tao dito.

Gusto ko ng maiyak ngayon dahil sa kamalas malasan nga naman eh nababahing ako dahil sa alikabok dito sa ilamim. Di ko na kayang pigilan. Pumikit na lang ako, bahala na. Babahing na sana ako pero biglang nawala. Thank you Lord ! Wooh.

"Wala don" rinig kong sabi ng isang pulis na galing sa kusina at cr

"Wala din dito" sabi din isa pang pulis

INSTANT DETECTIVESWhere stories live. Discover now