CHAPTER 6 New Mission

31 3 0
                                    

ZURIE FAITH POV

Okay medyo stuck up pa utak ko sa nangyari biruin mo ako ang napiling maging Bodyguard ni Prince Bryce ang saya ko.

"Hoy Zurie di ka ba mag papasalamat sakib?"nagulat ako sa biglang pag sulpot ni Autumn

"T-teka ikaw ba nag recommend sakin?"

"Yap sino pa ba sa palagay mo? Eh ako lang naman ang kaibigan mo na High Ranker"

"Oo na thanks Autumn ahhh gusto ko talaga maging bodyguard eh"

"I know that"sabay turo sa ulo nya Oo nga naman telephatic sya

"By the way sabi ni dad samahan mo daw si Bryce mag libot bukas sa buong Campus"

"Autumn tara na ano ba ginagawa mo jan?" biglang sumulpot yung Jillian ang bilis talaga nila kumilos

Umalis na sila ni Autumn. Haay bukas kelangan prepare ako I'm sure maraming babae ang hahabol samin bukas

"Congrats sis balita ko ikaw ang napili ahh" Bulong ni Kuya Devlin

"Thanks kuya ayan parehas na tayo ng Mission kaso mas astig pa rin yung sayo si King ang binabantayan mo eh" nag pout ako eh naiingit ako eh

"Okay lang yan yung sayo naman ang next King di ba" He tap my head sweet talaga ni Kuya

"Devlin at Zurie pinapatawag kayo ng daddy nyo" Sigaw nung isang Night Walker tumakbo na kami ni kuya di na namin tinanong kung bakit

ABRIEL BRYCE POV

Wow ang laki ng kwarto triple ata nito yung kwarto sa bahay namin

Sabi nung maid antayin ko daw si Dad dito. Makapag tour nga may apat na pinto ano to boarding room kaya pala ang lawak ng sala.Ilan kaya roommate ko

Di ko natanong sa maid kung saan ako di bale aantayin ko na lang si dad makahiga muna sa sofa.

After 2 hours may kumatok na

"Bukas yan!" sigaw ko

"Bakit jan ka nagpapahinga bakit hindi sa kwarto mo?" nagtatakang tanong ni dad

"Eh nakalimutan ko pong itanong sa maid kung saan ako jan" napapakamot ako ng ulo nahihiya kasi ako

"Ha? isa lang naman ang bedroom jan" napataas yung kilay ni dad

"Eh? apat po kasi yung pinto akala ko po may roommate ako" kung hindi bedroom lahat eh anong meron?

"Hahaha halika iho ipapakita ko sayo" tawanan ba daw ako

"Ito ang bedroom mo yung unang pinto sa kaliwa" pag pasok namin okay wow as in wow double king size ata yung bed tapos super laki ng tv may apat na malaking speaker at dvd player

"You like it?"

"Dad ang laki naman ng kwarto ko grabe ang cool" ang saya naman

"Dito naman ang restroom mo"binukasan ni dad yung pinto sa gilid ng room ko

Cr ba to may shower na may bathtub pa at ang the best may jakusi sa gitna

"Tara dun tayo sa kabilang room" aya ni dad

Pag bukas ni dad napanga nga ako sobrang dami ng damit. Naka ayos ito ng by type from uniform,tshirt,polo,polo shirt,long sleeve,coat,tie.

"Ahmm dad kanino lahat yung damit" mamaya assuming ako na akin yan di pala

"Sayo syempre alam ko lahat ng sukat mo pinasusundan kita pag namimili kayo" stalker pala tong si Dad

Tinuloy na namin pag ikot sa mga kwarto bale yung isa Entertainment room merong billiard,arcades at mini golf.

Dun naman sa isa study room pero pag nakita mo mukhang library sa dami ng libro

"So son do you like your room"

"Like dad i love it pinaka astig na kwarto yun"

"That's good atleast you like it"

"Dad?"nakayukong tawag ko sa kanya

"Yes son?" humarap sakin si Dad

"Thank you po sa lahat" he just smile and tap my shoulder.

"Sige na pahinga ka na papahatiran na lang kita ng dinner" lumabas na si Dad ang bait nya pala kaya siguro sya minahal ng tunay kong mommy.

ZURIE FAITH POV

"Dad hanap nyo daw po kami?" andito kami ni kuya sa office ni dad

"Yes Sitdown Zurie as the new bodyguard here are your weapons" at last weapons kinuha ko na yung gun at yung silver stick

"Make sure to always protect the Prince according to my source he is the target now." woah mukhang masaya to

"Yes dad I will do anything to insure his safety"

"Good from now on sabay na kayo ng training you need to see if he improve his fighting skill"

"Okay po sino po ba trainor namin?" please wag si Mr.Dullane malupit yun eh

"Ako ang trainer nyo" okay pwede bang si Mr.Dullane na langmas malupit tatay ko

"Okay po by the way Dad I will tour him tomorrow" pag rereport ko kay dad

"Okay after that hatid mo sya kay Ms.Valerie she will brief him about the academy understood?"

"Yes Dad" see I told you he is super super super strict

"Good go back to the training room and by the way always report to me the activities of the prince thats part of your mission" lalabas na kami ni kuya

"devlin maiwan ka mag uusap pa tayo" dumiretso na ako ng labas I'm sure confidential yun.

Kelan kaya ako makakasama sa confidential meeting nilang dalawa

Siguro pag nagawa ko ng maayos tong mission ko malapit na Zurie wait mo lang makakasali ka na rin sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IMMORTAL ACADEMYWhere stories live. Discover now