CHAPTER 4- The Decision

39 1 0
                                    

ABRIEL BRYCE POV

Bakit ang sakit ng buong katawan ko. Ano ba nangyari kahapon naalala ko na sinabi na nga pala ni mommy yung totoo at na meet ko na rin yung tatay ko.

Eh bakit ako andito sa kama? inaaway ko yung tatay ko tapos...

tapos..

tapos ahh di ko maalala

" tapos dahil sa galit mo sinugod mo ako" paglingon ko naka upo sila mommy sa mini sala ng kwarto ko

" anak you need to apologize to your father you punch him at sinira mo pa ang pader" sermon ni mommy nilingon ko yung tinuturo nya

ehhhhh? ako may gawa nyan di nga ano ako si superman ay mali vampire daw ako sabi nila

"son kelangan mo pag aralan kontrolin ang lakas mo hindi na effective ang necklace stopper sa edad mo ngayon" ano daw kontrolin anong stopper

Labo talaga nitong tatay ko

"Caius ako na kakausap sa kanya" singit ni mommy umupo si mom sa tabi ko

"Anak diba sinabi na namin na vampire ka at dahil 18 ka na fully develop na ang kapangyarihan mo hindi na kaya ng necklace na yan na kontrolin ang lakas mo"

" ibig sabihin mommy noon kaya niyo binigay sakin to para di ko magamit ang lakas ko?" ano to kryptonite

"oo anak kaso ngayon hindi lang lakas ang problema natin you need to drink blood"

"d-dugo as in human blood thats disgusting" feeling ko gusto kong sumuka

" oo pag nanatili ka kasama ng mga tao hindi mo mapipigilan ang sarili mo"

"seriously mom naman since birth tao na ang kasama ko ngayon paba ako--" biglang kinuha ni mommy yung knife at hiniwaan yung isang kamay nya.

T-teka bakit ang bango ano yun nakakatakam nakakagutom parang gusto kong kainin yun

Hinahanap ko yunh naamoy ko hanggan sa nasa harapan na pala ako ni mommy hawak ko yung kamay nya na may hiwa

Don't tell me ito yung naamoy ko

" anong pakiramdam mo ng maamoy mo ang dugo ko"

"pakiramdam ko po nagutom ako parang gusto kong sipsipin lahat ng dugo nyo" my god ano yung sinabi ko pero yun talaga ang nararamdaman ko

T-teka parang may lumalabas sa ngipin ko. Kumuha ako ng salamin at

"Waaaahhhh! " may pangil ako as in pangil

"kita mo na ayan lumabas agad ang pangil mo Abriel anak kelangan mo pag aralan kontrolin lahat ng magbabago sayo at hindi kita matutulungan"

"Ano pong ibig nyong sabihin?" naguguluhan ako pero parang may idea na ako sa susunod na sasabihin ni mommy

"Kelangan mo ng sumama sa ama mo" sabi na nga ba yun ang sasabihin nya

"Makikita ko pa ba kayo mommy" kalalaki kong tao naiiyak ako

"oo naman pag kaya mo ng kontrolin ang lahat pwede mo na akong dalawin"umiiyak na niyakap ako ni mommy

"Promise mom bibilisan ko pag aralan ang lahat para madalaw agad kita" niyakap ko na rin si mommy

Lumabas na ng kwarto sila mommy para maayos ko na yung gamit ko.

Tama ba ang naging desisyon ko pero ayokong makasakit ng tao

Sayang akala ko pa naman makakapasok na ako sa Apollo Academy kasama sila renzo

Maiiba pala ang mundong gagalawan ko

Okay kaya ko to bagong buhay lang naman ee makalabas na nga baka mainip sila

"Caius wag mong pababayaan ang anak ko ha?" narinig kong bilin ni mom

"Oo naman anak namin sya ng pinakamamahal ko" napangiti ako sa sinabi nya atleast bunga ako ng pagmamahalan nila ng tunay kong ina

"Ready na po ako" baka mag iyakan pa sila eh

"Mag-iingat ka anak wag mong pababayaan ang sarili mo.Makikinig ka sa tatay mo ha" daming bilin

"Opo tatawagan ko na lang po kayo bye mommy" niyakap ko si mommy ng mahigpit di ko alam kung kelan ulit kami magkikita

Pag labas namin ng bahay my Limousine na nag aantay cool mayayaman pala ang vampire

"Hindi lahat anak yung mga nasa mataas na posisyon lang" nagulat ako bigla kasing nagsalita tatay ko oo nga pala nababasa nya iniisip ko.

"Hello Sir Bryce" bati sakin nung Devlin ata pangalan nito

Sumakay na kami sa kotse

Alam ko naguguluhan pa ako sa nagyayari pero kelangan ko tong gawin para hindi ko masakatan ang mga tao sa paligid ko

Alam kong tama ang naging Desisyon ko na sumama sa tunay kong ama.

IMMORTAL ACADEMYWhere stories live. Discover now