[39] Break You A Little

Start from the beginning
                                    

“Ineexpect mo ba na sasabihin ko rin sa’yo ang sinabi mo sa akin noon? ‘Then she’s all yours now’, gusto mo bang sabihin ko rin sa’yo iyon?” kunot noong tanong ni Storm.

Kaagad na mapang-asar na natawa si Jack sa sinabi niya.

“And what on Earth made you think that way?” tila nang-iinsultong tanong ni Jack. “I think you’re missing something, man. I just came here to ask for your help in picking a ring.”

“Iyon nga ba ang dahilan o may iba pa? You got Morgan to help you pick a ring. Then why choose me, Jack?”

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Jack.

“After all, my best friend knows me too well.” Bulong niya.

Napa-iling na lang si Storm sa kanya. “Anyway, since special si Summer, ang isusuggest kong singsing sa’yo ay yung mahal. Ganti ko na rin sa’yo ‘yun para sa pananakit mo ng damdamin ko sa ganitong paraan.” Nakangiting saad ni Storm at saka sinimulang lumakad papunta sa may elevator.

“Seriosuly, that is so gay, man.” Kumento naman ni Jack at sumunod  sa kanya.

***

“You’ve gone crazy.” Umiiling na saad ni Storm habang sinasabayan sa paglalakad si Jack papalabas ng building ng company nila.

“What’s wrong in buying an expensive ring for the girl you wanted to marry?” sagot naman ni Jack sa kanya.

“Yeah, man. Expensive ring worth four million dollars! That’s four million dollars. Do you hear me? Four. Million. Dollars.”

Huminto sa paglalakad si Jack at hinarap siya.

“It’s not my fault if I was born a fucking billionaire.” Saad niya kay Storm.

“And you bought that ring for like just thirty seconds?! Hindi mo manlang pinag-isipang maigi kung bibilhin mo ba ‘yun o hindi including the fact that it’s worth four million dollars?!” protesta ni Storm.

“What am I supposed to do if the moment I saw the ring, I already imagined Summer wearing it? Baka kung hindi ko pa bilhin iyon ay may mas mauna pang bumili sa akin.”

“Are you kidding me?! Sino namang bibili ng singsing na worth four million dollars?!”

“Oh c’mon, Storm. It’s just a four million dollars.” Sagot ni Jack sa kanya at nagsimulang maglakad ulit palabas ng building.

Pagkalabas nilang dalawa ay madilim na dahil lumubog na ang araw.

“Wait, wala ka bang ibang sasakyan na pwedeng gamitin? Baka mamaya mahulog ‘yang singsing na ‘yan sa bulsa mo kung magmomotor ka.” Pigil ni Storm sa kanya nang sumakay na siya sa motor niyang ipinarada niya sa harapan ng building ng kumpanya nila.

“You’re starting to get on my nerves, man.” Inis na saad ni Jack.

“Masyado ka naman kasing nagmamadali. Magpropropose ka na kaagad ngayon? Hindi ba aatakihin sa puso si Summer sa pagkagulat?”

“Dude seriously, aren’t you just trying to stop me?”

Napa-iling na lang si Storm sa kanya. “Sasama na lang ako sa’yo. Ako ang nahihilo sa pinaggagagawa mo eh.” Saad niya at saka sumakay rin sa motor ni Jack.

Wala naman nang nagawa pa si Jack sa kakulitan ni Storm kaya mabilis na lang niyang pinaandar ang motor niya papunta kina Summer. Nang malapit-lapit na sila sa bahay nila Summer ay muling nagsalita si Storm.

“Anong naisipan mo at bumili ka ng motor?” tanong nito.

“Because of Summer,” sagot ni Jack habang patuloy sa pagmamaneho. “Hindi ko siya mahatid sa tapat mismo ng bahay nila kapag gamit ko ang sasakyan ko. Masyadong maliit ang daan papunta sa kanila kaya kinailangan kong bumili ng motor.”

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTWhere stories live. Discover now