Chapter X For Gail

852 46 40
                                    

Gail's Point of View (Ashton Irwin)

Ampucha ang inet sa pinas!! Tag ulan ba o Tag init part II? Hah. Paki explain mo nga sa akin Mang Tani. Buset!! Ang inet!!

"Hoi, Gail!", Sigaw ng nanay ko. "Tama na nga anh kadada mo diyan at tulungan mo akong maglaba!"

"Mamaya na po!!", sigaw ko. Ay yeka mali. "I mean, Ayan na po! Ayan na po! Ayan na po!", Napatakbo agad ako pababa sa labahan namin. Ayoko ngang mahabol ng magic bakya ng nanay.

"Bilisan mo at mamalengke pa ako.", Sabi niya habang ini-ambang babatuhin ako ng tsinelas niyang bakya. "Kusutin mong mabuti ang mga damit. Gusto ko walamg mantsa, lahat ng madilaw, paputiin mo. Naiintindihan mo ba?"

"Opo, gets ko. Geh larga na kayo sa palengke baka mainis niyo pa ako."

-"ANONG SABI MO?"

"AH wala po! Si Nanay naman. Guniguni niyo lang 'yun. Sige po lalaban ko na po ang mga labahin."

"Ah sige tama yan. Babalik agad ako. Huwag kong malaman na hindi ka naglaba't hampas abot mo.", Sabi ni inay at kinuha ang kanyang wallet at basket.

Mayamaya pa'y narinig ko ang pagsara ng pintuan habang pinupuno ko ng tubig ang batya.

"Ang boring naman.", Sabi ko habang sinasalin ang tubig sa washing machine.

Tapos nung hinanap ko ang Tide. Pero hindi ko natagpuan ang sabon. "Anak ng teteng. Walang tide.", kailangan ko pang pumunta kila aling Nena.

Napabuntong hininga nalang ako at kumuha ng sampung piso sa alkansyang-dukot sa ibabaw ng ref. At lumabas ako ng bahay.

Tondo: paburitong lugar ng mga writer kahit hindi sila taga Tondo. Pansinin niyo, madaming storya ang ginanap sa Tondo. May ano ba sa Tondo?

1. Meron ditong lasing sa umaga.

2. Meron ditong lasing sa hapon.

3. Meron ditong lasing sa gabi.

Huwag niyong alisin sa listahan ng lasing ang apat na tukmol. Ayun nakatambay nanaman sa tindahan ni aling Nena. Isa sa mga kinaiinisan ko sa apat na tukmol nakasandal pa sa pader. Feeling Dao Ming Su (anu ba spelling nun?).

May bandana pa sa ulo.

"Aling Nena pagbilan nga po ng Tide."

-"ng ano?!"

"Pagbilan po ng TIDE."

-"Ah Ariel. Sige sandali lang."

"Hindi po Ariel! Tide po, Aling Nena!", pahabol ko. Pero huli na. Tumayo si Aling Nena sa tumba tumba niya at kumuha ng Champion.

-"Oh ehto Champion."

"Aling Nena, tide po.", Ulit ko.

Diyus miyo marimar, gusto ko ng bumalik sa bahay kasi kung makatingin si feeling Dao Ming Su parang lalamunin ako ng buhay.

"Ah Tide ba, saglit lang, kukunin ko sa loob.", Sagot ni Aling Nena.

Patay... Matagal 'to.

"Hi, Miss...", Naku po si Dao Ming Su nagsalita. "Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kita nakita...", Hindi ako lumingon kasi natatakot ako. Kunwari may tinitignan akong paninda sa loob.

Pero di ko napigilang sumagot, "Hindi mo lang ako napapansin."

Napatingin ang tatlo pang tukmol.

"Woah... I didn't catch your name.", Sabi ni Asiong.

-"Bakit kilala ba kita?", pabalang kong sinagot. Bakit, ang kapal naman ng muka niya. Pa-fall pa kunwari.

"Ms. Wait! Saan ka pupunta?", Tanong ni Asiong. Wait. Huh?

5SOS tagalog ImaginesWhere stories live. Discover now