Chapter V

1.5K 68 76
                                    

(Ang tema ng Chapter na to ay Rated SPG, patnubay ng nakakatanda ay kailangan lol, may violence ng konti dito haaaa)

Pagkatapos na pagkatapos gumawa ng Wonderpets ng imagine ay...

*BOOM KRASH*

May malakas na tunog silang nadinig at sumunod ang mga mababagal na yapak na dinig na dinig sa kanilang headquarters na para bang nag-eecho na din.

"Wonderpets... Humanda kayo." Wika ni Sheem.

Napalunok na lang ng sabay sabay ang magkakapatid nang dahil sa kaba.

"Alessa, Abby.Iitakas niyo sina Nanay, Coco, Gerald, at Enchong." Utos ni Sheem.

"Masusunod." Sabi ni Alessa sabay tango. "Halina kayo. Ayaw naming may mapahamak." Binuksan ni Abby ang secret manhole sa kanilang headquarters at kaniya na ngang itinakas ang apat.

Nagbukas na nang dahan-dahan ang pintuan papasok sa 'living room' (anong say niyo? Pulubi pero may living room sa HQ!) at nilantad ang apat na lalaking may dala-dalang mga baril. Ang apat na ito ay walang iba kundi ang tambay sa kanto at tindahan ni Aling Nena na sina Asiong, Lucio, Maykol, at Kaloy.

Tila naging slow motion ang lahat. SHEMAY! ANG POGI NG MGA TUKMOL! JUSKO! LORD! BAKIT?!!?!?! JUSMIYO GARAPONES NEMEN OH!

Itinutok ni Asiong ang kanyang baril kay Sheem sabay sabing, "Ibigay niyo sa amin si Meg at walang masasaktan.

"Ate Sheem!" Sigaw ni Regina habang tumatakbo papalapit kay Sheem, ngunit siya'y napatigil nang itutok ni Maykol ang kaniyang baril sa kanya.

"Hep. Diyan ka lang kung ayaw mong may masamang mangyari." Wika ni Maykol sabay smirk at lumapit kay Regina upang ito'y bantayan.

Sa isip isip naman ni Regina, 'PUSANG GALA NAMAN OH! EH SA SMIRK MO PALANG MASAMA NA AGAD ANG NANGYAYARI SAKIN E! SHEMAY KA! PEKYOOOW'

"Nasaan si Meg?" Tanong ni Kaloy.

"Mukha bang andito si Meg?" Sagot ni MC.

Tinawag ni Kaloy si Lucio at sumenyas na bantayan si MC.

"Tinatanong kayo ng maayos, sumagot kayo ng tino." Sabi ni Kaloy.

"Eh gago ka pala eh!" Sigaw ni Ange sabay turo kay Kaloy. "Kita mo naman na wala talaga ditto si Meg diba?" Dugtong niya.

"Aba aba! Sumasagot ka pa ha!" Dahan dahang lumapit si Kaloy kay Ange.

"Natural! Nagtanong ka diba?!" Sagot ni Ange sabay takbo sa posisyon ni Sheem at sinipa ang kamay ni Ashton (Boom panes! Ano kayo?! Karate kid yang si Ange!)

"Wonderpets! Alisto!" Sigaw ni Ate Sheem.

Tila nagulat ang apat na tukmol kaya kinuha na ng wonderpets ang pagkakataon upang sugudin sila, at nagsimula na nga ang rambol.

Inagaw ni MC ang baril ni Lucio at itinutok ito sa kanya. Walang ibang nagawa si Lucio kundi itaas ang kanyang kamay na wari bang sumusuko na.

Nag-alala si Maykol kay Lucio kaya kanyang hinatak si Regina at ginawang 'hostage'.

"Ibaba mo ang baril mo kung ayaw mong masaktan tong babaeng to!" Sigaw ni Maykol sabay tutok ng baril sa ulo ni Regina.

Bakas na bakas sa mukha ni MC ang takot. Hindi niya alam ang gagawin niya. Ngunit nagpakita si Regina ng tapang at kanyang siniko si Maykol. Nag-agawan sila sa baril ngunit sa katangahan ni Kaloy, may pagsali pa sa agawan. Gumaya na din sina Asiong at Sheem. Sasali na din sana si Ange subalit mali ang kanyang nagawa... Imbis na itulak si Kaloy ay naitulak niya si Regina. Kung kaya't natumba ito at nadaganan si Maykol.

Ang kanilang mga mukha ay halos magkadikit na. Nagkatitigan sila saglit at eto na naman ang malanding si Maykol na may pag-smirk pa.

"Gusto ko tong posisyon natin na to." Wika ni Maykol sabay kindat. At tila humigpit ang hawak niya sa bewang ni Regina.

"Ugh! Poochi ang landi mo! Manyak!" Sa hindi inaasahang pangyayari ay natuhod ni Regina si junjun ni Maykol. Sabay takbo at tago sa likod ni Sheem.

"Argh!" Napasigaw na lamang si Maykol ng malakas habang hawak hawak niya si Junjun.

Ang lahat ay napatingin sa kanya. At dali dali naman siyang pinuntahan ng tatlo niyang kaibigan.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Asiong.

"Mukha ba akong ayos?! Tara na! Tulungan niyo kong tumayo." Utos ni Maykol na sinunod naman nina Lucio at Kaloy.

"Hindi pa ito ang huli nating pagtutuos! Maghihiganti kami para kay Junjun! Tandaan niyo yan!" Wika ni Kaloy sabay alis ng mabilis.

Nang tuluyan nang nakaalis ang mga tukmol. Ang lahat ay napatingin kay Regina.

Nanlaki ang kanyang mga mata at sumigaw ng... "MANIWALA KAYO HINDI KO SINASADYA."

"AY SHET! NAKALIMUTAN KO SIYANG PAINUMIN NG TIKI TIKI!" Sigaw naman ni Ange.

-----

Kayo na ang bahala kung maganda o hindi. :) -R. Hemmo

5SOS tagalog ImaginesWhere stories live. Discover now