Wonderpets In Thailand

1.5K 65 63
                                    

Aba may update pala ngayon?

Isa lang itong pampawala ng stress dahil nabalitaan ko kay aling Nena na nagkakagulo daw ang lahat dahil sa ibinalita ng GMA network na "Bad Direction".

Itong kabanata na toh ay tatakbo sa point of view ni Ange habang sila ay nasa eroplano.

Ange's point of view

"Flight NH750 to Thailand now boarding.", sabi nung nasa Intercom. Sa totoo lang, lagi akong napapaisip kung sino nga ba yung nagsasalita sa mikropono. Kahit sa mall, yung may biglang mag papa-page at sasabihing, "Calling the attention of Mrs. Nimfa Del Rosario, mother of the lost boy wearing blue shirt, demin shorts, and high heels, please proceed to the Customer Service. Thank you."

Naiimagine ko yung babaeng naka company attire na parang sasakmalin ka anumang oras kasi walang makakatalo sa suot niyang Prada. Pero hindi lahat afford and Prada, yung iba Secosana lang okay na.

Pero hindi yun yung ipinupunto ko. Ang ipinupunto ko bakit nagkaroon pa ng sumunod na Opyum war. Hindi ba sila nakuntento na may nauna ng Opyum war? Para sa akin sapat na ang isa. Hindi na dapat sundan.
Ipanukala sana ng gobyerno ang world peace. Pero I doubt na malalaman pa niya ang world peace kung si Napoles eh hindi malaman ang gagawin, magpapaopera ba o hindi? Aamin o hindi? Kawawa naman siya eh di kung ginawa niya lang ang tama, nasa California siya ngayon ang nakikiparty kay Paris Hilton.

Speaking of Paris Hilton, namatay na daw yung Mayari ng Manchester United. 68 years old, bata pa. Pero ganun talaga. Unahan lang yan sa finish line.
Kung ang buhay parang promo lang ng TM na pwedeng mag extend, why not diba?

But life is not a wish granting factory sabi nga ni John Green. Kaya tignan mo, hindi wish granting factory ang mundo kaya naglayas si Margo. Si Q kung saan saan nakarating.

Hindi ko namalayan na nagtake off na pala kami at magiintay nalang kami ng konting oras at nasa Thailand na.
Si Sheem agad na nakatulog, yung ulo niya napasandal sa ulo ko.
Cute kung iisipin pero awkward kung dalawa sila, pati kasi si Nicole bagsak na rin.

Parang ekonomiya ng bansa natin, bagsak na. Pero sa tingin ko, makakatulong ang isinulong na reproductive health law. Masyado nang maraming tao sa pilipinas.
Hindi alam ng iba na sobrang delikado nun.
As if naman kung may pakielam ang mga kabataan ngayon. Balang araw, matutuwa pa nga sila na may RH law. Pero hindi ko sinasabing pro ako sa law na 'yon.
Mahirap magbigay ng opinyon lalo na kung sangkaterbang tao ang nagbabasa nito ngayon.

Lahat tayo may iba't-ibang opinyon at sa tingin ko naman na maiintindihan mo ang sinasabi ko. Yung sapatos na Vans, hindi ko alam kung bakit mahal yun, eh mukha lang namang simple at walang dating.

Madami na nga ang imitation nun sa Greenhills at Divisoria. Bibili ka pa ng kay mahal kung nasa Mall ka. Colonial mentality. Tingin ng nakakarami na mas maganda ang produkto ng ibang bansa.

Pero tanungin mo ang mga factory na gumagawa nun, sasagot nila ang materyales ay mostly nanggaling sa pinas.

Maiba, bakit gwapo si Harry Styles? Noon nung hindi pa sikat ang One Direction, hindi naman uso ang kulot. Infact, pinagtatawanan pa nila kapag kulot ang isang lalaki. Mukha daw ita. Pero nagsisulputang parang kabute ang mga kulot nung sumikat siya.

Nagpasalamat ang mga ita na dumami ang lahi nila.

Pero kung ako ang tatanungin, mas hip ang Converse kesa sa Vans. Para sakin kasi mas tumatatak ang porma mo kung ang suot mong sapatos eh Converse, marahil dahil matagal na rin itong gusto ng masa.

Although, marami narin itong imitation.

Aaminin ko, may Colonial mentality ako.

Siguro ang other life ko eh british. Hindi naman sa pagmamayabang pero magmamayabang narin. Shucks ang korni pakinggan 'wag na nga. By the way, half german daw po ako sabi ng tatay ko.
Hindi naman british ang tawag sa mga tao sa germany kaya hindi ko rin naintindihan ang sinabi ng aking ama.
Sinundan nalang niya ng —shepperd after ng german.

Hindi ko alam kung tatawa ako o hindi. Lumaki akong korni ang tatay ko. Kung may 'How to throw a good joke for dummies' bibili ako at ipang reregalo ko sa ama ko.

Pero kung siya ang papapiliin mas gusto niya ang kumain sa Kangaroo Jack as birthday present.

Wala namang sinabi ang Samsung sa touch experience kung ihahalintulad mo sa iPhone. Iba talaga kapag gawang apple.

Pero pangit lang sa appla yung 'available memory' dahil hanggang ngayon hindi ko alam kung paano mag clear data sa iPhone. Sa android simple lang at hindi komplikado.

Anyway, may kanya kanya talagang experience ang tao. Yung iba nasaktan sa first time pero yung iba nag enjoy. Buti marami parin ang virgin sa panahong ito.

Si Maywether naman walang lakas ng loob na kalabanin si Manny. Kelan kaya siya maubusan ng dahilan? Tignan mo yung katabi niya sa bawat laban, si Justin Bieber.

Maraming belieber sa mundo pero walang tatalo sa directioners. Ang nasa top ng fandom hiarchy. Pero hindi ko sinasabing hindi maganda ang ibang fandom.

Proud 5sosfam-directioner ako at dahil sa kanila mas nakilala ko kung sino ako. Kaya ehto ako ngayon, nakikipag away kung sino mas cute.
Si Cameron dallas ba o si Carter Reynolds.

Kaya ang isinagot ko si Nash Grier. Isang poll sa internet ang sinasagutan ko. Allowed na kasi ang pagiinternet sa loob ng eroplano.

Nagkaturbulance bigla at nagulat si Sheem kaya napatayo sa upuan sabay sigaw ng, "Ilabas mo si Darna, superman! Huwag kang duwag at harapin mo si Batman!"

Malapit na kasi ipalabas ang Batman vs. Superman.

Kung iisipin, si Nash Grier parin ang mas nakakatawa keysa kay Matt Espinosa. Si Matt na kamukha ni Justin Bieber in some point pero yung point na yun eh laging naglalakbay kaya minsan hindi ko alam kung saan napunta.

Penshoppe o bench? Wala akong mapipili. Parehas lang naman sila ng pinagbebentahang market. Pero kung Penshoppe vs. Cotton on or Penguin, dun ka na sa Forever 21.

Tabi tabi lang naman sila ng tindahan sa SM North Edsa. Nanay ko po.
Dun ka magpunta sa Fullybooked sa the block, madami kang mabibili kung may dala kang 1,000 pesos.

Say mo naman sa nakasalubong kong umiinom ng Starbucks.
Pustahan, nagpost yan sa FB with the hashtag #Starbucks.

Nakakayaman kasi kung ginawa mo yun — Sabi ni Kaloy nung one time kaming nagusap habang bumibili ako ng fishball, piso dalawa.

Ngayon nalaman ko na ang tunay niyang budhi.

napakaitim.

mabalahibo.

mahaba.

Sira, baka kung ano na iniisip mo.

Kaya nga kung mamarapatin mo sana, kung may time ka at nabasa mo ito. Pakifollow si @MakulitSiAnge sa twitter para naman dumami followers ko.
Tweet ko kayo kapag nasa Thailand na kami.

3 hours later.

Naglanding na yung eroplano at super excited na kaming bumaba. First time naming mag out of the country.
"Ate Sheema, excited na ko!", sabi ko habang patalon talon.

"Ako rin bae, sana magandang experience ang maranasan natin.", Sagot ni ate sheem.

Unti unting nagsibabaan ang lahat palabas ng eroplano dahil hindi pwedeng lumabas papasok kaya dapat lumabas. Dumaan kami sa airport lobby bago kami napunta sa airport entrance. Maganda yung airport dahil malinis at parang hotel sa ayos. I wonder, bawal kayang magasgasan ang flooring?
"Woah, ganda dito."
—"nakakaspeechless.."
"Oo nga, Abby."
"Uy tara unahan tayo-"

Pero napahinto ako nung tumama ang mukha ko sa pader.

5SOS tagalog ImaginesWhere stories live. Discover now