Chapter 5 (Part Two)

35 1 0
                                    

FROILAN

“Pakiramdam ko naman hindi sila naniwala e.” sabi ni Yang nang lumabas na kami ng Princesses’ Corner. Nakaakbay ako sa kanya samantalang yung apat na ugok e nakasunod sa likod namin. Nahuli ko pa si Clyde na nakangisi sakin. I smirked back.

“Sinong sila? Alam naman nila Paul ang lahat at si Lara lang ang kailangan nating mapaniwala. Did you see her face? She was shocked! Konti pa at maniniwala na talaga yun!”

Sumimagot siya sabay ngiti ulit at tingin sa akin. Lumingon muna siya sa likod bago ako binulungan. “Ang cute ni Paul!” *blushes*

Natawa ako, yung parang ganito - - - > HAHAHA!! “Ilalakad kita sa kanya. Just bear with me on this one. Please?”

Alam ko na yung ngiting ganyan ng isang Arianne Colleen. Pakner ko ata yan. “Deal.”

---

As usual, bukas ang unit ko pag-uwi. I entered and saw her all curled up on one side of my sofa. Yung mga paa niya, nakataas at dahil flowing lagi yung dress niya, natakpan ng dress niya yung mga paa niya tapos nakayakap pa siya sa tuhod niya at nakatingin sa sahig. Shiz! Kung hindi ko lang alam na may kasama ako sa bahay baka inatake na ako sa puso pagkakita sa kanya. Awkward na naman dahil hindi takot ang naramdaman ko nung makita siya. Parang relieved pa ako kasi nandito na siya. Hindi ko na kasi siya nakita nung lumabas kami ng bar. I stepped inside. “Maj!”

Tumingin siya sa akin pero saglit lang, and she lowered her look once again. She, too, wasn’t smiling. Anong problema nito? Kaninang umaga lang ang saya-saya niya ah? O_____O?

“Oy, Maj!” Lumapit ako sa kanya.

She didn’t look. “Totoo ba?”

Anong pinagsasasabi nito? “Ha?”

“Yung sa bar kanina, totoo ba?”

“Alin dun?”

“Yung girlfriend mo…”

“Ahh!” Napangisi ako. So she was there when I did my trick. “Yes! Yang is my girlfriend. We’ve been together for – “

“Sige, uwi na ko.”

“Oy teka lang.” Nakatayo na siya at akmang hahakbang nang tumayo ako sa harap niya sabay abot sa kamay niya. Natigilan ako, pero mas natigilan siya. Anong nangyari? O_____O

Nung napatingin siya sa mga kamay namin, saka ko lang nabawi yung akin. Nagpamulsa ako. “Sorry…” Napatingin ako sa kanya at saktong nakatingin din siya sa akin. Siya ang unang nag-iwas. Spell awkward. >_____<

Katahimikan.

“Hindi totoo yun…”

Napatingin ulit siya sa akin. “Ha?”

“Nagpanggap lang kami…”

“Ha?”

“Kailangan kong pagselosin si Lara, remember?”

“Ha?”

“BAKIT BA PURO KA HA???” Nakakafrustrate!! =____= “Basta, pupunta dito si Yang bukas para ipaliwanag sa’yo.” Ni-lock ko na yung front door. “Dito ka matutulog. Walang aalis.” At lumakad na ko papasok sa kuwarto.

Wait. Ano raw sabi ko? Tae. Kulang ba ‘ko sa tulog?? O_____O

---

Kimmy's Note: Di bale. Mahaba naman yung Part One e. hihi. Saniban nawa ako ng kasipagan. Bow! :D

I'll Carry You HomeWhere stories live. Discover now