Chapter 1

140 3 15
                                    

Kimmy's Note: Okay. Okay. Breathe in. Breathe out. WHEW! Ewan pero bakit ba ako kinakabahan sa pagpost ko nitong story na to? HAHA. Yung feeling kasi na meron kang isang bagay na gustong-gustong gawin noon tapos ngayon, heto na. Nagsusulat ka na. Nakakaexcite na masaya na nakakakaba. Haha. Hindi ko alam kung pang-Wattpad ba talaga tong story na to kasi unlike other stories here, maikli lang to. Mala-short story lang. Haha. Joke. Parang novelette lang siya. Another thing is, muntimang talaga yung story. So bakit ko nga ba to pinost? May nangsulsol kasi sa akin. Haha. Pero anyway, ADVANCE THANK YOU SA MGA MAGBABASA. CAPS PARA RAMDAM. Haha. Seriously, dahil unang gawa ko to dito, naliligaw ako. Haha. Pero salamat guys! :)

---

FROILAN

“And what’s the worst to take. From every heart you break. And like a blade you stain. Well, I’ve been holding on tonight…”

Maaga pa pero ganito na agad ang nagsusumigaw sa mga tenga ko mula sa suot kong earphones. Bukod sa dito tumigil pagkatapos kong-ishuffle ang playlist ko, I really needed something to block the memories I had from awhile ago’s encounter. Something loud like Helena.

*flashback*

“Hindi ka umuuwi dito nang dahil sa banda mo!”

“Walang kinalaman ang BaC kung bakit di ako umuuwi dito sa pamamahay mo! Puwede ba, stop blaming innocent people!” balik-sigaw ko kay Papa nang idamay niya na ang Bread and Circuses sa usapan slash sigawan namin, na alam ko nang gagawin niya talaga. Wala na siyang karapatan pa na pakialaman ako ngayon sa kung ano man ang gusto kong gawin sa buhay ko. He knew perfectly why.

“Stop yelling! Tatay mo pa rin ako kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo, so show me some respect. And yes, I blame your stupid band for all these. If only you stop this nonsense and be like – “

“What? Be like Kuya? Huh, siya naman talaga ang paborito mo kahit noon pa diba? So bakit gusto mo pa akong itulad sa kanya ngayon? Mama’s gone diba? So naturally, wala nang makakaintindi pa sa ‘kin dito sa bahay na ‘to.” Binitbit ko na ang mga gamit ko na siya kong binalikan sa bahay na iyon at umalis sa harapan niya palabas ng pinto.

“Yes, she’s gone. You killed her.”

The wooden door closed behind my back. Napahigpit ang hawak ng kanang kamay ko sa paborito kong drum sticks at napatigil ako sa akmang pagbaba sa porch steps. You killed her…

This was the reason why I had to forget about them. This was the reason why I needed to go away…

*end of flashback*

Mama died when she gave birth to me. Simula nun, naramdaman ko na na sinisisi ako ng lahat sa bahay – ni Papa at ni Kuya Philip. Nakalakihan ko na yun, at ang tanging taong nakakaintindi sa akin ay si Yaya Meding, na matagal nang naninilbihan sa Ayala family. Tuwing makikita niya akong umiiyak noon dahil kinagagalitan ni Papa, she would tell me that Mama could’ve understand me if she was alive. Because of that, I ended up talking to Mama every time I was alone. Literally every time.

After college when I took up Culinary Arts (na malayung-malayo sa Law na gusto ni Papa at siyang tinapos naman ni Kuya) I pursued the dream that I really wanted, the passion that I really dreamt of doing – ang tumugtog. Paul, Josef, Clyde and Ernest were my college friends, at kasama sila, nabuo ang Bread and Circuses. Regular ang gig namin sa isang bar na pag-aari ng kapatid ni Paul at dahil dun, may ginagastos ako araw-araw nang mapagpasiyahan kong tumira na lang sa isang exclusive subdivision blocks away from the Ayala mansion. That was 5 years ago and I was still surviving until now. Limang taon na ang nakalilipas nang magsarili ako pero hindi pa rin nila ako naiintindihan.

I'll Carry You HomeWhere stories live. Discover now