I : Soul

16 1 0
                                    

"Tingnan mo, oh." Nabasag ang tahimik na paglalakad namin na iyon ni Frana.

Tinuro niya ang dalawang anino na nasa sa aming harapan.

Ngumisi ako at hinawakan ang malambot niyang kamay.

"Oo nga. Pati anino natin nagsusumigaw kung gaano tayo ka bagay na bagay."

Oo, tama. Anino naming dalawa ni Frana ang tinuro niyang iyon. Saglit kaming tumigil sa paglalakad sa ilalim ng posteng may ilaw, kung saan tatlumpong metro ang layo mula sa bahay nila.

"Baliw ka talaga, Bryce." Ani'ya.

Bahagya akong natawa at buong pusong tinanggap ang palad niyang humampas sa aking braso".

"Aray! Masakit 'yon, ah. Sige isa pa babawiin ko 'yang librong binili ko sa'yo." Pang-counter ko sa hampas niya.

Napasimangot siya dahil doon kaya kinurot ko ang pisngi niya. Siya naman ngayon ang umaray dahil sa ginawa ko.

Hindi ko na hinintay pang mahampas niya ulit ako ng palad niya. Mabilis kong inabot ang kanyang ulo at maingat na dinala sa aking dibdib.

Noong una may maliliit na murang kumawala sa bibig niya pero noong rumihistro sa kanya ang ayos naming iyon ay napatahimik siya.

Hinayaan niya lang akong yakapin siya. Hinayaan niya lang akong damhin ang bawat pagdampi ng palad ko sa mahabang buhok niya. Hinayaan niya lang yung mamang nagtutulak ng kariton na nagsabing 'Gabi na umuwi na kayo. Mga bata talaga ngayon. Naku.' Hindi niya alintana ang asong tahol ng tahol. Hindi na niya pinuna kung kaninong sa aming dalawa yung pusong malakas na tumatambol. Hindi na namin alintana ang lumalalim na gabing iyon.

Napapikit ako at napabuntong hininga.

"Bryce, bakit?" sa huli ay naibulalas niya.

Kumalas ako sa pagkakayap sa kanya nang pumasok na isip ko kung gaano ka kahiya-hiya iyong ginawa ko.

"I'm sorry."

"Bakit nga?"

Humalaklak ako para itago ang pait na nararamdaman ko.

"Wala wala. Sinubukan ko lang tingnan kung ano kaya magiging kalalabasan ng dalawang anino kapag nagyakapan. Ang pangit pala."

"Sa bagay. Tingnan mo mas maganda kapag hiwalay ang anino natin."

"Tama ka. May mga bagay na mas mainam kung mangkahiwalay katulad ng anino natin."

Wala sa sarili kong sabi pero sa loob ko gusto ko nalang magmura at maglaho sa mundong ito.

Pero hindi ko dapat madaliin ang bagay na 'yon kasi alam kong paparating na iyon panigurado. At alam ko ring hindi ko magugustuhan ang mapait na katapusang iyon.

Kahit sino naman mahihirapang maglagay ng ngiti sa labi kung alam mo na sa pagpikit mong iyon ay ang pagmulat mo sa katotohanang maglalaho ka kasama nalang ang ala-ala niya.

Gayun pa man, gusto kong ipaalala sa sarili ko na ang bawat katapusan ng isang bagay o tao ay tanda ng kanyang pananatili rito sa mundo.

Pansamantalang mananatili at permanente nang mawawala.

"Haynaku, Bryce mabuti pa ihatid mo na 'ko samin. Kung anu-ano na naman naiisip mo."

"Hayaan mo na."

Nagsimula na ulit kami maglakad ng tahimik. May nagtutulak na naman sa akin na hawakan ang kamay niya pero matinding pagpipigil ang ginawa ko. Hindi maaari.

Kapag ginawa ko iyon mas masakit ang balik sakin noon kaya mas mabuting huwag nalang.

"Pasok na ako, ha? Bye, Bryce  salamat sa book. Ingat ka pauwi." Aniya. Nag-wave pa siya sa'kin bago pumasok sa gate ng bahay nila.

One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now