Chapter 4

12 0 0
                                    

Papa...

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko ng makita kong pumasok si papa sa loob at kasunod no'n ay ang pagbagsak ng bahay namin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natutuliro ako at nawawala sa isip.

Sana ay hindi na lang nangyari ito...

Nang humupa ang mausok na bahay namin ay agad hinanap ng mata ko si papa. Meron saking umaasa na makita ko siya doon na naglalakad palabas.

O_O

At ganon na lang ang gulat ko ng makita ko si papa na kakaway-kaway na naglalakad palabas ng pintuan na akala mo ay nangangampanya at hindi alam kung anong nangyari sa bahay namin!

Dali-dali akong lumapit sa kanya at yumakap. Ganon na lang kasaya ang dibdib ko ng makitang wala naman siyang galos.

"Honey! Tingnan mo nakuha ko yung kamay niyo ng mama mo!" Aish! Nakakainis yung mukha ni papa dahil parang wala man lang nangyari samin at mukha pa siyang nanalo sa lotto sa pagkakangiti.

"Ano ka ba naman papa! Ay naku po  ako'y aatakihin sa puso ng bigla kang pumasok sa bahay! Nakakainis ka papa! Aishh!" Maluha-luha kong sabi pero may nasa isip ko na sobrang nagpapasalamat dahil hindi siya namatay.

"Aba ehh! Kinuha ko lamang itong kamay niyo ng mama mo dahil ito na lang ang remembrance niyong dalawa!"

Hindi na 'ko nagsalita dahil mukhang hindi naman ako mananalo sa kanya.

Binalingan ko yung mga kaibigan ko na ang lulungkot ng mga mukha. Meron ding takot pero mas lumalamang talaga yung lungkot nila eh.

"Naku honey! Sorry talaga! Napukpok ko ata ng malakas yung ding-ding niyo kaya nagkaganyan!" ani jigo sabay turo niya sa sira-sirang bahay namin.

"Aish! Anong 'ata' eh halos bugbugin mo nga yung pader namin!" napapailing at biro kong sabi.

Lalo siyang nagulat at nalungkot. Nakakatawa ang itsura niya at hindi makapaniwalang nasira niya ang bahay namin. Syempre joke yon. At dahil kinder pa lang ang napag-aaralan ko sa joke ehh, mukhang di papasa yon sa kaniya. Hehe.

Hindi kami sanay sa mga gantong sitwasyon. Syempre dahil hindi kami sinanay. Kaya hindi alam ang gagawin. O baka makitira na lang kami sa ibang bahay na kakilala ng papa ko.


Haysss Buhaysss...


Maya-maya lang ay dumating na ang mga reporters at media. Kasunod na din ang ambulansya. At pang huli ang mga pulis.

Wow..baliktad.



****



Pagkatapos kaming interview-in ng mga pulis ay may biglang tumawag kay papa.

Krrriiinnnggg!!!Krrriiinnnggg!!!

"Ayy! Naku po!" ani papa.

"Ano ka ba Pa?! Sagutin mo na po ohh!" natatawang utos ko sa kanya.

"Hala! Ayy sige!"

*Toot*

"Hello?!" sagot niya sa tawag.

Hindi ko naririnig yung usapan nila dahil hindi marunong si papa na mag- loud speaker. So eto ako ngayon nakatingin lang sa kanya.




Castor  POV

Nagulat ako nung may biglang nag- vibrate ang silpun ko.

"Hello?!" bati ko pero walang sumasagot.

"Aba'y Hello?!" pag- uulit ko.

"Kyahhhh! Jagiiii!!"

Nailayo ko ang aking tainga dahil sa lakas ng boses. Ano ba naman ito?! Kanina laang eh hindi sumasagot tapos ngayon bang kalakas- lakas ng boses!

"A-ahh!! Hello?!" mas nilakasan ko na yung boses ko.

"Ano ka ba naman honey! Wait lang! A-ahh hello?!" tinig ng isang pamilyar na lalaki na mukhang papalapit sa telepono.

"Oh?! Hello?! Sino po 'to?!" tanong ko.

"Hello Boogy!"

Natulala ako nung marinig ko ang salitang 'boogy' saka ako dahan dahang napangiti!

BESTFRIEND!!!!

"Oyy!! Boogy?! Ikaw ba talaga iyan?!"

"Oo naman boogy! A-ahh nakita kasi namin sa balita yung nangyari sa inyo so naisipan naming dito muna kayo sa amin tumira.." medyo malungkot na sambit niya.

"A-ahh! Nakakahiya naman! Meron naman akong restawrant, pwede naman kami duon muna magtigil!"

"Ano ka ba naman boogy?! Dito na lang muna kayo sa amin habang wala pa kayong matitirhan"

Kahit medyo labag sa loob ko ay wala na akong choice dahil wala na rin naman kaming matitirhan. Siguro ay mag- iipon na lang muna ako at tsaka ako magpapagawa ulit ng bahay.

"O-ohh sige kahit nakakahiya kakapalan ko na ang aking mukha. Tsaka namimiss na rin kita ehh Hahaha! Akalain mong hindi tayo nagkita ng Dalawampung taon?! Hahaha!"

"Hahaha! Oo nga ehh! Pagkatapos kasi ng Graduation natin ay hindi na tayo nagkita! Hahaha! Kaya ka nga namin tinawagan dahil gusto kitang ipakilala sa misis ko at syempre alam mo na?! Ku- kwentuhan mo pa ako ng marami!"

"Oo nga! Hahaha! O-oh sige na. P-pwede bang bukas na kami tumuloy diyan?" nahihiyang tanong ko.

"Oo naman! Kahit nga dito pa kayo matulog ngayon gabi! Eh teka...saan nga pala kayo matutulog ngayon?"

Naku patay na...hindi ko pa alam kung saan kami matutulog ngayon pero baka sa restawrant muna kami.

"Hindi na. Bukas na lang. Text mo na lang ang address mo sakin?"

"Oh sige! Kahit anong oras kayong dumating, Welcome na welcome kayo dito! <Right!>" sigaw ulit nung babae na mukhang asawa niya.

"Oh siya sige na kita na lang tayo bukas! Ba-bye Boogy!"

"Ba-bye to boogy!"


*Toot**Toot**Toot*


Hayyss...Salamat naman at meron na kaming titirhan. Thank you Lord!




It Started with A KissWhere stories live. Discover now