KABANATA 97

3K 81 2
                                    

*KINABUKASAN!*

"Mmh. Ba't ang init?" inis akong nagmulat ng mata nang makaramdam ako ng mainit sa aking nakapa. Babangon pa sana ako kaso nagulat ako nang makita sa may hita ko ang kaibigan ni Ken.

Oo nga pala! Nandito pa kami sa isang lugar na hindi ko alam.

Napalingon ako kay Azi at hinawakan ulit ang kanyang leeg. Halos mapaso ako sa tindi ng kanyang init. "Azi!! Azi!!" inalog-alog ko siya ngunit napaungol lang siya. Nanlalamig siya dahil yakap yakap niya ang kanyang mga braso.

Anong gagawin ko?

d>>_<<b

"Azi teka lang ha?" binaba ko ang kanyang ulo sa may sementong nilatagan ko ng karton. "Hintayin mo 'ko dyan 'wag kang aalis." aligagang sabi ko.

Dali-dali akong naghanap ng gripo at hindi nga ako nabigo. Sa pagkakaalam ko ay nasa isang sabsaban kami na tambayan ng mga trabahador. Dali-dali kong hinablot ang ang aking bimpong nasa likod saka binasa at piniga. Nakakita ako ng tabo at iyon ang ginamit ko saka ako pumunta kay Azi. Sobra siyang nanginginig at nakakapaso ang kanyang init. Agad kong pinunasan ang kanyang mukha't kamay saka inilagay ang bimpo sa noo.

"Bakit ba kase nagpapaulan ka ha? Paano kung magalit ang syota mo? Mukha pa namang dragon 'yun." tapos kinapa ko ulit ang leeg niya. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Wag mo 'kong iwan."

dO____ob

Pagkasabi niyang iyon ay saka siya nakatulog. Ang weird lang dahil kakaiba ang dating sa akin nong sinabi niya iyon. Oo alam kong ayaw niya maiwan mag-isa dito sa may liblib na lugar, ako rin naman 'no. Ang ipinagtataka ko lang ay parang may kakaiba pa siyang nais na iparating, parang ang lalim at may ibang kahulugan.

Sino ba talaga ang lalaking ito sa buhay ko? Anong papel at naging papel niya?

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

Para akong naestatwa sa sinabi niya at hindi ako makakilos. Umupo lang ako sa kanyang tabi at binantayan siya. Nakakaawa siyang tignan dahil nanlalamig siya.

Tumayo ako at humanap ng kahit anong maipapantakip sa kanyang katawan. Hindi nga ako nabigo dahil may nakita akong isang twalya at mga posporo. Dali-dali kong itinalukbong ang tuwalya sa kanya at naglakad-lakad ako sa paligid. Kumuha ako ng mga malilit na kahoy at sinindihan iyon malapit sa kanya para kahit papaano'y uminit ang kanyang pakiramdam. Lumapit ako sa kanya at hinawi ang kanyang buhok. Nagulat naman ako ulit ng hawakan niya ang kamay ko habang nakapikit pa rin siya.

"A-azi??" utal na sambit ko.

"Su-Sunshine, w-wag m-mo akong i-iwan."

dO__ob

Napalunok ako.

"H-hindi ako aalis." ang tanging naging sagot ko. Pinakiramdaman ko nga siyang mabuti at sobrang init niya.

"Azi dadalhin kita sa hospital!" sinubukan kong tumayo kaso pinigilan niya ako. Nanlaki ang mata ko.

"Wag. Dito k-ka l-lang. W-wag m-mo 'kong iwan.." nagmamakaawang tinig na sabi niya. "Ikaw ang k-kailangan ko. W-wag kang aalis. N-nagmamakaawa ako." sa sinabi niyang iyon ay sobra akong na-guilty. Hindi ko naman talaga siya iiwan e. Mas marami pa ngang magbabantay sa kanya sa hospital at mabibigyan siya ng maayos na pangangalaga.

"Si Ken! Tama tatawagin ko si Ken!!"

"Wag." para akong naging robot nang sabihin niya iyon.

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt