KABANATA 26

4.3K 150 2
                                    

Agad akong bumitaw sa pagkakahawak ni Lei kaso nagulat ako nang mas lalo niyang higpitan ito. Tumingin ako sa kanya ngunit blangko lang ang kanyang ekspresyon. Humarap kami kay Azi nang magkahawak pa rin ang mga kamay.

Kita ko kung paano nangunot ang noo ni Azi sa mga kamay namin ni Lei na magkahawak.

"Lei! Sunshine! Ano 'yan?" si Mitsuwo.

"Bakit kayo magkasama?" si Zy Men.

"OMG girls kilala siya ng tatlo! Omaygad who's that creature ba?"

"Bakit hawak ni Lei ko ang kamay ng babaeng yan? At bakit kilala siya ni Zy Men at Mitsuwo?"

"I dont know! GAYUMA I think."

"She's so damn creepy!"

Ilan yan sa mga usapan ng mga kaklase ko.

"Sir Pan Ot! Bakit duguan ang mukha mo? Sinong may gawa niyan? Anong nangyayari?" sabi ni Mitsuwo na agad lumapit kay Sir at tinulungan itong tumayo.

"Si Lei siya ang may gawa."

"Ha? Si Lei? Bakit? Paano?" si Zy Men.

"Ginawa mo yun Lei? Ano bang nangyayari? Bakit magkahawak kamay kayo ni Sunshine?" usisa ni Mitsuwo.

Nagkatinginan kami sa mata ni Azi at pakiramdam ko tumibok ng malakas ang puso ko. Ewan ko kung bakit basta naramdaman ko nalang lalo na yung mga mata niyang may halo-halong emosyon. Galit, awa, sakit, at kung ano-ano. Pakiramdam ko naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga titig niyang iyon.

"Si Sunshine.. Naabutan kong muntik nang gahasain ng kalbong iyan." kalmadong tugon ni Lei.

Nanlaki ang mata nila pwera kay Azi na deretso pa ring nakatingin sa akin habang naka-crossed arms. Sa totoo lang hindi mo iisiping badboy siya kapag magkasama kayo, ang maiisip mo ay siya ang Prince Charming na handang iligtas ka sa lahat ng oras pero hindi para sa akin dahil si Lei ang Prince Charming ko. Naawa rin ako kay Azi sa totoo lang dahil mula nung nangyari sa tabi ng dagat ay naging cold na siya at hindi namamansin, nakakapanibago tuloy. Kasalanan ko tong lahat eh, pero kasalanan ko bang si Lei ang gusto ko matagal na? At ngayong napapansin na niya ako ngayon pa ba ako titigil? Pero kailangan ko pa ring humingi ng tawad kay Azi dahil nasaktan ko siya at kung ano man ang maging reaksyon niya pagkatapos ay tatanggapin ko.

"Ano? Muntik nang gahasain? Aba't dapat pinutol mo na ang ulo! Si Sunshine pa talaga? Hayop ka!" lumapit si Mitsuwo at sinapak si ser ng malakas sa mukha.

Napaatras ang lahat at napasigaw lalo pa nang tadyakan niya ito sa mukha.

"Matagal ka nang nirereport hayop ka pero ngayon lang kita pinatulan dahil kilala ko yung tinitira mo!" sigaw ni Mitsuwo na sinapak ulit ng malakas sa mukha si sir. Hindi alintana ni Mitsuwo kahit pa long hair siya dahil patuloy lang siya sa pagsapak.

"Tama na!" pag-aawat ko na kumalas pa sa pagkakahawak ni Lei.

"Sunshine dapat lang yan dahil binastos ka niya!" atungal naman nito.

"May lugar at may tamang tao na magpapatas ng parusa sa kanya, at yun ang mga heada at admins ng University na 'to, ibigay mo nalang sa kanila ang nararapat." sagot ko.

"Sunshine isa kami sa mga stockholders ng paaralan na to kaya alam ko ang gagawin ko!" sumbat naman niya.

Lumapit sa amin si Zy Men. "Mitsuwo, tama siya. Kumalma nalang muna tayo sa ngayon dahil kahit ako ay nagagalit sa taong iyan."

"Ewan ko dre! Nanggigil ako. Buti nalang dumating s Lei!"

"Buti na nga lang eh." si Azi.

dO____ob

Nagkatinginan ulit kaming dalawa. "Buti nalang at dumating si Lei, kase kapag ako 'yan, hahayaan ko lang siya panoorin."

dO_____ob

"Azi.." mahinang sambit ko.

"Anong sabi mo dre?" si Mitsuwo.

"Mali ata ako nang pagkaintindi." si Zy Men.

"Nang dahil sa babaeng 'yan, binugbog niyo ang isang propesor? Katangahan! Sino ba 'yan para ipagtanggol? Wala namang kwenta 'yan eh, sayang pa sa oras."

dO____ob

T_______T

Ang sakit Azi.. Bakit ganito?

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें