Madulas, mahulog at ma-shoot sa canal?

22 1 0
                                    

Pasukan na.

June na.

Tag-ulan na.

Anong meron? Syempre 'yung andyan. Alangan naman maging meron 'yung wala? XD

Tag-ulan na. Hindi talaga natin maiiwasan ang baha pwera nalang kung maayos 'yung drainage system sa lugar 'nyo. May canal ba sa inyo? Kung wala, kawawa naman kayo! :P Sa amin? Marami. Canal dito, canal doon.

Naranasan niyo na ba ang madulas, mahulog at ma-shoot sa canal?

Kung oo, aba apir tayo 'dyan! Di ka nag-iisa te! Myembro ka na sa SNMT (Samahan ng Magagandang Tanga) oh diba sosyal parin 'yung katangahan natin? Nakakahiya diba 'yun? Lalong lalo na kung maraming nakakita sayo.

June 18, 2014. Iyan ang petsa ng pagkakadulas ng isang magandang nilalang na tulad ko sa canal. Haha. Ang swerte ng canal at sa kanya pa talaga ako nadulas. Hoho. Papunta na sana ako ng school 'nun. Bihis na bihis na ako. With my make up, heels and dress. Ganyan ako mag-ayos papunta sa school. Para akong fashion icon. Joke! Naniwala ka naman? Umu-ulan nga 'nun diba? Syempre naka-jeans lang ang bruha. Kahit papano pormang-porma na talaga ako. Paglabas ko pa lang ng bahay agad na akong minalas. Malas nga ba? O sadyang ako'y dakilang tanga? Pagkalabas ko lang ng gate agad na akong nadulas sa canal! Buti sana kung walang nakakita. Pero sa kasamaang palad, marami silang nakakita. Isa na dun ang close friend kong si Ilenn. Pero kebs ko sa kanya. Hindi na ako nahiya sa kanya. Mas nahiya na ako sa ibang tao. Ano sa tingin niyo ang reaksyon nila? Syempre umiyak sila. Sobrang lungkot nila dahil nadulas ako sa canal. Haha. Naniwala ka naman? Okay sana kung ganun. Haha. Joke. Syempre tumawa silang lahat. Kahit 'yung sobrang tahimik na tawa na kahit mga langgam ay mahihirapang marinig ang tawa nila, alam na alam ko na tumawa sila. Sino naman ang hindi tatawa 'dun? Likas na sa ating mga pinoy ang tawanan ang sino man ang nadulas. Lol. Wala akong choice 'nun kundi bumalik sa bahay. Kailangan magbihis ng bruha. Sobrang basa ng pants ko hanggang tuhod. Ganun kalalim 'yung canal. Sobrang bwis*t na bwis*t ako 'nun. May exam kasi ako ta's malapit na akong ma-late. Nagmamadali na sana ako. Ba't ba kasi ako nadulas?

Akala ko talaga 'dun lang natapos ang kamalasan ko. June 19, 2014. Kagabi lang nangyari. Palabas na ako ng college building at kasama ko ulit si Ilenn. Naglakad na kami. Masayang nagkakwentuhan. At sa sobrang daldal ko, hindi ko namalayang may canal pala. Pero wala yung canal na 'yun during the past few days. Sino bang mag-aakala na may naghukay pala ng bagon canal sa harap ng college building namin? At 'tyaka haler? Gabi kaya 'yun syempre di ko nakita. Haaays! Pakiramdam ko tuloy sobrang malas ko pagkasama ko si Ilenn. Haha. (Peace labs! xD)

Ang malas ko talaga! Ewan ko ba kung bakit ako nadulas 'nung wednesday, nahulog kahapon at na-shoot sa canal kanina? Oo kanina. -_- Basta secret na 'yung kanina.

BAKIT KAYA?

Siguro para marealize ko na sa kahit anong pangyayari at panahon, maaari akong mahulog at walang sino mang handang sumalo sakin.

I fell but no one catched me from falling.

-------------------------

Thanks for reading! :))))))

Pasensya na kung di maayos pagkasulat.

God bless you. ^_^

-DeDark 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Naranasan Niyo Na Ba Ang...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon