Magkarelasyon sa isang bakla?

92 2 5
                                    

April 1, 2013

APRIL FOOLS DAY

Second year college pa lang ako nang may isang baklang nanligaw sa 'kin. Alam ko namang AFD day kaya naman sinagot ko siya. Kaibigan ko ang baklang 'yun kaya alam ko na pinagtitripan niya lang ako. Mahilig din kasi akong gumawa ng trip kaya sinakyan ko na rin yung trip niya. Haha XD Nagsimula lahat sa GM niya..

"Pag niligawan ba kita, papayag ka?"

Natawa ako pagkatapos kong mabasa ang GM niya. Lol :D Anyare kay Bear? Bear nga pala yung endearment namin bilang mag-kumare. Haha. Sigurado ako na gusto niyang makisabay sa mga pranks ngayong araw na ito. Para san pa't April Fools Day nga. Sa walang pagdadalwang isip nireply-an ko siya.

"Syempre bear! Sasagutin pa kita agad! <3"

Hinintay ko yung reply niya. Baka kasi reply-an niya lang ako ng "Happy April Fools Day!". Kung magreply man siya niyan, sasabihin ko rin sa kanya na HAFP at ipapalabas ko na siya ang naloko saming dalawa.

One message received..

From: Bear Joe

"Talaga? Ibig sabihin niyan bear tayo na?"

Aba ang lakas talaga ng trip ng baklang to eh. Okay foyn mapagtripan nga din tong baklang to.

"Oo bear."

"Yes! Thanks bear. Labyo" -J

"Labyo more bear" - Ako

"1 na yung msry natin bear q ah?" -J

"Ok bear"

"Ingat ka lagi bear kasi mamahalin pa kita." -J

HAHAHAHAHA XD Ang sweet naming dalawa. Talo pa niya yung mga tunay na lalaki. Nakakatawa talaga. Lagi niya akong tini-text. Ito yung mga texts niya...

"Hi bear. Eat ka na okay? Mahal kita."

"Anong ginagawa ng pinakamamahal kong bear?"

"Bear ko <3"

Minsan nakakadiri na hindi dahil nandidiri ako sa kanya ngunit dahil pakiramdam ko babae yung karelasyon ko. Diba nga bakla? Edi pusong babae rin yun. Malapit nang mag 12:00 am kaya  matatapos narin yung "RELASYON" namin.

Sa wakas APRIL 2 na! :)

One message received.

"Hi bear! Good morning. I love you." 

WHAT? ANO DAW? TEKA TAPOS NA YUNG APRIL FOOLS DAY AH? Hmm siguro as friends lang yan. Ganyan din naman yung ibang kaibigan ko, sinasabihan nila akong mahal nila ako. Kaya nagreply narin ako kay bear.

"Good morning dn sayo. Grbe yung trip mo kahapon XD" sabi ko sa kanya.

"Anong trip na pinagsasabi mo diyan? Totoo lahat 'yun noh? Kumain ka na. Labyo :*"

ASDFGHJKL -____________-

Ayoko noh? Ayoko ng bakla! Sasagutin ko pa si Enrique Gil! Ayoko pang maging taken kasi sasagutin ko pa si Enrique! </3 Sasagutin ko pa si Enrique Gil!

Hindi ko alam pero sinabayan ko parin siya. Sa tingin ko kasi trip parin lahat ng pinagsasabi niya. Umabot na kami ng almost two weeks. Isang araw bigla siyang tumawag.

"Hello bear?" pagkasagot ko.

"Ahm, hi! gf ka ba ni Joe?" hindi ko kilala yung kausap ko pero naririnig ko yung boses ni bear malapit lang sa kumakausap sakin.

"Ha? Ah. Yuh." mataray kong sagot ta's biglang may sumigaw sa kabilang linya.

"Ay bakla! Lalaki kana talaga! Congrats! Ayiieee! Hahahaha XD grabe ka bakla!"

Maingay yung kabilang linya pero biglang tumahimik ito. Kinuha ata ni bear yung phone tyaka kinausap niya ako.

"Ah bear bye na!" sabi niya.

"Cge"

"Love you bear."

Pinatay ko na yung call hindi ko na kasi gusto yung nangyayari. Sigurado na ba siya? Ano bang nangyayari sa baklang yun? Ugh! -_-

Lumipas ang ilang araw hindi ko na siya nakatext kasi hindi ko na siya nirereply-an. Ayoko nang ipagpatuloy yung ganun. Kahit hindi siya seryoso meron paring "kami" at ayoko ng ganun.

"Sometimes not having a closure is the closure."

Tama yung sinabi ni Sarah G sa movie niya kasama si Coco Martin na "Maybe This Time". Dun nga natapos lahat. Nakalimutan na namin yung nangyari. Isang taon na rin kasi yung nakalipas. Pero masaya ako kasi magkaibigan parin kami ngayon.

------------------------------------------

VOTE.COMMENT.SHARE! :)

Salamat po. :)

Pakibasa rin po yung "AKALA KO AKO, SIYA PALA". Maraming salamat! God bless :)

-DeDark

Naranasan Niyo Na Ba Ang...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon