Mapahiya ng bongang-bongga sa CRUSH mo?

139 2 2
                                    

Abnormal daw ang taong walang crush. Eh bakit may crush ako? Abnormal naman ako ah. May crush ako 'nong high school pa ako. Tawagin natin yung "NENE DAYS" ng buhay ko. May crush ako na classmate ko for four years. Oo apat na taon akong nagpakatanga sa taong tulad niya. Masasabi kong minahal ko na talaga siya. Akalain mo namang APAT NA TAON ko siyang hinahangaan, at hindi na paghanga ang tawag 'don. PAGMAMAHAL na yun at maraming beses na akong napahiya sa harapan, likod at gilid niya.

SINO BA ANG CRUSH KO? Itago na lang natin siya sa pangalang "Carol" (lalaki crush ko ha?). Si Carol ay hindi tulad ng mga crush niyo na varsity player, talented, cassanova, campus king, genius, gwapo, o kaya sikat. Si Carol? SIMPLE lang siya, nakapagtataka nga kung bakit naging crush ko siya. Hindi naman siya gwapo. LOVE IS BLIND nga talaga.

NARANASAN NIYO NA BA ANG MAPAHIYA NG BONGGANG-BONGGA SA CRUSH MO?

Ako oo. Yung feeling na gusto mong ibaon ang sarili mo sa cemento, ilagay ang sarili mo sa sako't itapon sa Ilog Pasig, lamunin ng lupa, at mawala na lang na parang bola? Naranasan niyo na ba yan? Ayaw ko na sanang maalala yang NENE DAYS ko na yan e pero gusto ko namang i-share sa inyo baka sakaling makarelate kayo nang sa ganun may kakampi naman ako.

Maraming beses na akong napahiya sa harapan ni Carol. Pero may isang beses na masasabi kong pinaka-nakakahiyang karanasan ko sa kanya. Third year high school pa lang ako non. Advance siya dun sa "CAT" ta's pinatawag sila ng mga officers. Marami silang advance student na classsmate ko. Lahat sila pumila na sa malayo habang ako naman ay pinagmamasdan siya. Naiwan yung mga bag nila at nakita kong may polo sa harapan ng bag niya. Naisip ko sa kanya yung bag. Hindi ko alam anong nakain ko non. Obsessed na talaga siguro ako sa kanya. Kasi naman tinupi ko yung polo niya at hindi lang yun! Nag-spray pa ako ng perfume. Hindi parin ako makontento sa ginawa ko sa polo niya, inamoy-amoy ko ito ta's hinimas-himas ko pa. (Nakakadiri yung ginawa ko). Grabe talaga yung pagkahumaling ko sa lalaking yun.  Para akong isang fangirl na nakatanggap ng polo galing sa idol ko at pinagnanasahan na ito. (Ew! -_-) Hindi ko namalayang bumalik na pala yung mga classmates kong advance students.

"Hoy! *insert my real name here* ano yang ginagawa mo?" tanong ng isang classmate ko.

"Ha? Wala ah." kabado kong sagot sa kanya. PAKSHET na talaga! Nakita niya yung ginawa ko. >.<

"Oh? Kaninong polo yan? Uy ha? Kay Carol 'yan no? eeeit! Nako ba't 'di na lang siya yung yakapin mo? Para kang baliw diyan sa ginagawa mo so polo."

"Huh? Wala akong ginagawa ah."  sabi ko habang mabilis na binalik yung polo sa harapan ng bag ni Carol dahil papunta na siya samin at kinuha na niya ang bag. Pero....

O.o

O.O

Bakit 'di niya kinuha yung polo? Kaninong polo yun? What? asdfghjkl.

"WOW! ANG BANGO NG POLO KO AH? SINO NAG-SPRAY NG PABANGO?" sabi ng classmate kong hindi naman masyadong gwapo at hindi ko talaga type.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA XD Sayo yang polo na yan? HAHAHAHA" sabi ng isang classmate kong nakakita sa kung anong ginawa ko sa polo. Tapos kinwento niya to sa isa ko pang classmate sa ni Oching.

NAKAKAHIYA. SANA HINDI SABIHIN NI OCHING SA IBA  YUNG GINAWA KO. PEROO..

"HOY GUYS!! SI *insert my name*---" bago pa niya matapos yung sasabihin niya hinila ko na siya. Pero sana hidi ko na lang pala siya hinila kasi mas lalong nakuha namin 'yung atensyon ng mga classmates ko. Biglang tumakbo si Oching at naghabulan pa kami habang sinisigaw niya na may announcement daw siya. Nakakainis siya!

"Guys! Alam niyo ba si *insert name* HAHAHAHA XD Alam niyo ba? hahaha." sige lang pagtawanan mo na ako. Okay lang sana kung mga classmates ko lang yung makakarinig pero nandoon si CAROL! Ugh!

"ALAM NIYO BA NA NAPAGKAMALAN NI ******* na kay CAROL yung polo ni Butz? Sinout-suot pa niya ito ta's pinagnasahan ng bonggang-bongga! Hindi lang yun inisprayhan pa niya ng perfume at inamoy-amoy! HAHA XD Ew! Kamusta naman 'yung amoy? Mabango ba?"

"HAHAHAHAHAHA" nagtawanan na yung iba buti naman yung iba walang pakialam. Dedma lang. At alam niyo ba kung anong reaksyon ni CAROL? WAAAAH! Tumingin siya sakin. Tumingin din ako sa kanya! May pagtingin na kami sa isa't-isa! Joke! Pero totoo tumingin siya sakin. Yung "nakakainis-yung-ginawa-mo" look. Halatang annoyed siya. Parang galit. Tapos hindi na siya tumingin sakin. Ayaw niya siguro yung mainvolve siya sa mga katangahan ko.

Pagkatapos ng pangyayaring yun nagkunwari akong natatawa din ako sa ginawa ko. Ako na lang mismo yung nagkwento sa iba sa kung anong nangyari dahil mas nakakahiya na kung ibang tao pa yung magkwento at baka maging exaggerated na.

Ito na ang huling pag-reminisce ko sa karanasan kong 'yun.  Ayoko nang maalala pa.

--------------------------------------------------

SALAMAT SA PAGBABASA!

FACT: Crush din ng isang author na close friend  ko si CAROL. Itago na lang natin siya sa pangalang Miss Chararat. XD

VOTE.COMMENT.SHARE.

Thanks and God bless :)

-DeDark

Naranasan Niyo Na Ba Ang...حيث تعيش القصص. اكتشف الآن