Agad na bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong irereact ko sa harap nya. Pakiramdam ko tuloy gusto ko syang yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko.

"Miss??" I blinked my eyes twice ng mapagtantong kinakausap nga pala ako ng taong ito.

"Uhh.. y..yes.." kumuha ako ng isang bote at binigay sa kanya.

"Here.."

"thanks.."medyo nawirdohan ang tingin nya sakin habang inaabot yung shake tapos tumalikod agad sya at tumakbo papunta sa field.

"Uhh wait!!" napatakip ako ng bibig ng bigla itong awtomatikong nagsalita. Ano bang nangyayari sakin!?

"Yes?"

Hindi ko talaga alam kung bakit ko sya tinawag, ano bang sasabihin ko sa kanya?

"Uhh..b..baka hindi na malamig yung nakuha mong shake.." yan nalang ang lumabas sa bibig ko.

"Actually yes.. pero eto kasi yung binigay mo so I don't bother na palitan pa"

Masyado kasi akong natameme sa kanya kanina, bakit kasi kamukha nya si Sean??

Kumuha ako naman ako ng bagong shake na mas malamig sa plastic at pinakita sa kanya.

"Here..sorry for that" lumapit naman sya sakin at inabot yung bagong shake na bigay ko.

Pero biglang kumabog ang puso ko ng ngumiti sya ng maliit sakin. Pakiramdam ko umaawit ang mga anghel.

"thanks.." agad syang tumakbo at bumalik sa field.

Ako naman ay parang hinihika dahil sa kabang nararamdaman ko.

si Sean ba talaga yun? Bakit kamukha nya? At kaboses nya pa!

Napailing ako.

Imposible.. hindi sya pwedeng mapunta dito. At kung sya nga yun... dapat kilala nya ako.

Haist. Siguro nagkataon lang, kamukha nya, kaboses nya.. siguro naman hindi sya yung Sean na sinasabi ni Ruffie.

"SEAN BABY!!!"

Napatingin kaming lahat sa babaeng sumigaw mula sa kung saan man. It's Chelsea, yung kaibigan ni Ruffie.

Teka? Sean ba ang sinigaw nya?

"Chelsea?" bigla syang yumakap dun sa lalaking humingi sakin ng shake kanina na ikinagulat ko.

What the heck?! Seriously?! Sean din ang name nya?!

"Sean?" mahinang bulong ko. Napatulala ako sa kanilang dalawa.

Kamukha nya, kaboses, kapangalan... posible bang sya yun? Pero bakit? Paano? Posible ba talaga yun?

hinalikan nung babae si Sean sa cheeks, si Sean naman hinayaan nya lang.

Pakiramdam ko tuloy may pumipiga sa puso ko. Nagseselos ba ako?

Hindi. Bakit ako magseselos eh hindi ko naman kilala ang taong yan. Baka nagkataon lang ang lahat.

"So what's going on here? hey.."napatingin ako kay Ruffie na kadarating lang. Napakunot ang noo nya ng makita ako.

"Why are you crying?"

"h..huh? uhh.. n..napuwing lang.." pinunasan ko agad ang mukha ko at huminga ng malalim.

Hindi dapat ako magselos, nagkataon lang na kamukha at kapangalan nya si Sean.

Nag break na ang buong soccer team at humingi ng shakes na dala namin.

Nakaupo lang ako sa bench at umiinom ng shake ko. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Sean at sa babaeng kanina pa nakalambitin sa braso nya.

Nagiinit tuloy ang dugo ko sa di ko malamang dahilan.

✔Book ApartWhere stories live. Discover now