C10

2 0 0
                                    

Anlamig potah

Kakagaling lang namin sa shop ni mang Tori para bumili nang gamot ko kasi nga diba kahapon pa ako may lagnat , pero buti na lang at sinat na lang sya pagkagising ko kanina.

Yung gamot nila dito ay nakalagay sya sa maliit na botelya ,mga kasing laki lang ng keychain at ang lupet kasi umiilaw sya.

Ano pa nga bang aasahan ko , nasa fyli ek-ek ako eh

By the way libre lang yung gamot na nabili namin sa shop ni mang Tori kasi tropa pala sila non ni Io at ang malupet pa biniyayaan nya ako ng coat dahil pogi daw ako , ibang klase !

Ngayon ay naglalakad kami sa isang mahabang bridge dito at nagyeyelo na ang ilog dito.

Anlamig talaga , kulang ang coat ni mang Tori

Napatingin ako kay Io nakashorts parin ito pero nakacoat na sya ng mahaba , hindi ba sya nilalamig nyan ?

"H-hoy Io ! " shete nauutal pa ako sa lamig , sinulyapan naman ako nito saka binagalan ang lakad para mag sabay kami

Hindi ko pa kasi natatanong sa kanya yung tungkol sa mansyon kanina

" Sabihin mo nga sakin , hindi mo talaga bahay yung tinulugan natin kanina no ? " kanina pa ako kating-kati na tanungin to sa kanya eh

" bahay ko yun " maikling sabi nito pero sa daan parin ang tingin

" Eh bakit kelangan pa nating umalis d-"

" Matagal na kasi akong lumayas sa mansyon na yon , hindi nila ako pwedeng makita" sabi nito sabay hinto nang makatawid na kami sa bridge

" Kahit na anong mangyari manatili kang gising. Maliwanag ? " sabi nito sabay angat nong hood nya. Magtatanong pa sana ako pero di ko na naituloy dahil hinigit nya na agad ang kamay ko

Bakit ba ang hilig netong manghila ?

"Nakalabas na tayo nang bayan ng Armure, delikado ang lugar nato sayo kaya dumikit ka lang sakin" utos nito kaya napatango naman ako

Ilang minuto din kaming dumaan sa kakahuyan hanggang sa mapadpad kami sa isang palengke.

Ibang iba sya sa bayan ng Armure dahil kung gaano katahimik don , ganon naman kaingay dito.

Siksikan dito at malapit nang maging divisoria to eh. May mga Malls , inuman , bars at kung ano ano pa.

Parang nasa earth ka lang , ang kaibahan walang sasakyan dito dahil ang sabi ni Io trabaho daw nang marquess ang bagay nayon. Ang iba may sariling marquess at may mga station naman para sa mga di afford mag hire

Hanep diba ? Iwas traffic

Lumiko kami sa isang makitid na eskinita at puros bar doon. Maraming chix doon at syempre dahil pogi ako ay marami ang nakapansin sa dimples ko hoho. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o totoong hinigpitan ni Io ang hawak sa kamay ko.

Kanina pa pala kami magkaholding hands , yay. Bahala sya pag nafall sya sakin , sya kawawa. Hindi naman sa ayaw ko kay Io pero bet ko talaga yung mahahaba ang buhok-- Teka bat ba ako nagpapaliwanag , pwe !

Umaakyat kami sa hagdan at pumasok sa isang building at hindi ko alam kung ano ang gagawin namin don nyemas

Umakyat kami sa third floor nakakatuwa dahil may elevator sila dito. Pumasok kami sa isang double door at library pala yun. Napakalaking library. Maraming mesa doon at marami ring mga nagbabasa di tulad sa earth na halos mabulok na ang library don.

" Bakit tayo nandito ? " tanong ko kay Io pag ka bitaw nya sa kamay ko

" matutulog " cool na cool na sabi nito dahilan para malaglag ang panga ko

The stars, dreams and it's holesWhere stories live. Discover now