Chapter 7

5 1 0
                                    

More xx

Napaliwanag sakin ni Io ang lahat , mula sa fact na nasa mundo ako ng panaginip , hanggang sa caste system nila at ang mga yfantís na dream weaver.

Pero hindi nya masagot ang tanong ko na...

Pano ako napunta dito ?

Magulo

Nakakalito

Nakakamangha

" madalas kang nagtratravel sa panaginip , ilang beses na kitang nakita kaya pala pamilyar ka sakin pero malabong dream traveling ang ginagawa mo ngayon dahil hindi naman ako nanaginip" sabi nito habang naglalakad parin kami sa kakahuyan ng Mt. Blanc

" sabi na nga ba ikaw yung babae na laging epal sa panaginip ko, pero ibig sabihin hindi ko panaginip iyon ?" tanong ko dito at umiling naman ito. Napaisip ako nang mabuti , pano ko kaya nagagawa iyon ?

Umiiling ito saka nagsalita " Astral projection " napahinto ako sa sinabi nito

Huh ?

" you mean , out of the body experience ? " tanong ko , minsan ko nang nabasa ang tungkol jan habang nagbabasa ako tungkol sa lucid dreaming. Magkaibang bagay ang dalawa pero kelangan mo ng parehas na kakayahan. Ang kakayahang gisingin ang sarili kahit kelan mo gusto

Tumango si Io dahilan para mawalan ng dugo ang muka ko.

" baka astral projection ang nagawa mo. Maaring ang kaluluwa mo lang napunta dito at ang tunay mong katawan ay nasa mundo nang mga tao " mahabang paliwanag nito

Astral body projection ? Kung hindi ko magawang gisingin ang sarili ko , hindi kaya ... " patay na ba ako ? "

" maari , pero sa tingin ko ay hindi pa. "

" talaga ? "

Biglang pumasok sa isip ko ang huli kong napanaginipan. Ibig sabihin ang lahat nang yun ay totoo ? 

Pero " bakit ako nandito ? " naguguluhan ko pa ding tanong. Sabi ko kanina , sapat ng malaman ko kung nanaginip ba ako hindi pero di ko na maawat ang bibig ko ngayon.

" nagbukas ako ng dimension point na ipinagbabawal at ikaw naman pumasok sa ipinagbabawal " paliwanag nya,  magsasalita pa sana ako ng bigla akong mahulog sa kinatatayuan ko.

Bumagsak ako sa isang malaking bangin at hindi na mahagilap ng mata ko si Io

Eto ang sinasabi nya sakin kanina na delikado, dahil sa bundok daw na ito hindi lang panaginip ang hinahabi kundi ilusyon at maari akong matrap don.

Tumayo ako sa pagkabagsak ko pero paglingon ko andaming zombie na humabol sakin ngayon at nakakatakot talaga sila

Sus yan lang ba ? Ni hindi man lang ako kinilabutan. Hinayaan kong lapain nila ako kahit na kadiri sila

" panaginip lang to more , kalma "

Hanggang sa napalitan ang scene-- Nasa kwarto ko ako ngayon , naka balik na ako sa earth.

More wag kang tanga !

Hindi ako madadala ng gantong ilusyon, gusto ko naman talagang takasan ang buhay ko sa earth, ayaw ko nang bumalik don. Joke

Lumabas ako sa pinto at nahulog akong muli at this time nasa ilusyon ako na ginawa para kay Io

Tumunog ang isang di pamilyar na classic music at nasa loob ako ng isang magarang kwarto.

May magandang prinsesa sa gitna , natutulog ito ng mahimbing ng biglang may nahulog na bangkay sa kama dahilan para magising ang prinsesa

Bangkay iyon ng isang lalaki at doon naglawa ang dugo ng bangkay at mistulang naging ilog na ng dugo ang kwarto

Sigaw ng sigaw at iyak ng iyak Ang prinsesa. Nabahiran ng dugo ang magandang muka ng prinsesa at parang nababaliw na ito

Nilibot ko ang paningin ko at natagpuan ko si Io nagsusumiksik sa aparador. Nakapikit lang ito at naka takip ang kamay sa tenga tila ayaw nyang marinig ang iyak ng prinsesa.

" Io Kelangan nating gumising " sabi ko dito at napatingin ito sakin

Umiiyak pa ito at umiiling , ngunit gaya ng iyak nya nung nakaraan. Wala paring emosyon at lumuluha. Tanging ang abo nyang mata lang ang nagsasabi ng totoo nyang nararamdaman.

Pinakatitigan ako nito at kalaunan ay tumango ito sakin at saka kami lumabas sa pinto.

Akala ko ay tapos na pero nagulat ako ng mapunta kami sa isang napakataas at napakakitid na lugar.

" holy shit "

Isang mahabang daan lang ang makikita mo papunta sa exit at isang nagbabagang bangin.

Sinilip ko ang baba at kamuntikan na akong mahulog buti na lang ay nasalo ako ni Io.

Tinahak namin ng maingat ang makitid na daan pero parang walang nangyayari.

" More sa tingin ko ay impossible na makarating tayo sa dulo " sabi nito dahilan para lungunin ko sya sa likod ko

" hindi tayo pwedeng basta na lang sumuko , ayon lang ang exit Io " inis Kong sabi dito

" ayun lang ba talaga "

huh ?

Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin nito at nahulog kaming dalawa

" nakalimutan mo na ata , nasa isang ilusyon lang tayo "

Biglang dumilim ang paligid at naramdaman ko na lang na may sumampal sakin

" isang araw ang tinagal natin sa ilusyon na yon , tara na ! "

Isang araw ?

Ganon ka tagal

" kung hindi tayo nagising baka namatay na tayo sa gutom at uhaw" sabi nito sakin sabay hagis ng isang piraso ng tinapay

Maya maya pa ay nakalabas na kami ng Mt. Blanc

At sobrang namangha ako sa nakita ko

As in mapapasabi ka na lang talaga ng " wow , magic "

Ngayon handa na akong harapin ang mga bagong umaga ko sa mundong ito. Iisipin ko na lang mahaba habang fieldtrip to. Goodluck More !

The stars, dreams and it's holesWhere stories live. Discover now