C8

3 0 0
                                    

More xx

" A-Aaa-Aaachooooo ! " kanina pa ako bahing ng bahing habang tinatahak namin ang magandang lugar na ito.

Maganda na sana ang lugar na ito eh ,kung hindi lang pink ang langit eh. Ang sabi ni Io tuwing winter lang naman daw ganito ang langit pero pag spring normal lang ang kulay nito.

" Alam mo kasi may alamat tungkol sa langit ng fylì somnis pag winter eh , nakalimutan ko lang " paliwanag sakin ni Io habang hawak ang sintido nito

" paulit-ulit ka kanina mo pa sinasabi yan " onti na lang iisipin ko nang may sa monggoloid tong babaeng to "Achoooooo !" Ayun tumahol na naman ako. Pusang gala bat ba kasi winter pa ako naligaw dito. Hays wala naman kasing winter sa pinas.

" Dalian mong maglakad baka mamatay ka na dyan oh " sabi ni Io at mas mabilis na lumakad. Nauuna ito sakin at di man lang nagabala na tignan ako

Tss nabubuwisit talaga ako sa dagger sa gilid ng skinny jeans nya. Feeling ko kasi ang sama ng tingin ng dagger nya sakin eh

" Para san ba yung dagger mo ? Hindi ba safe dito ? " tanong ko dito dahilan para mapahinto sya

" walang lugar ng safe para sa tulad natin "

" natin ? " baliw ba sya , naalala nya bang hindi ako somnia

" tulad nating mga kakaiba "

Kakaiba ?

" More tulad mo kakaiba din ang kakayahan ko. Sikreto ang kakayahan ko kaya kung maari wag mong babanggitin ito kahit kanino " tignan mo tong babaeng to , napaka pormal magsalita

Tumango na lang ako at saka kami nagpatuloy sa paglalakad

Ilang oras pa ay nakarating kami sa isang lumang mansyon.

Kinakalawang na ang gate nito at patay sindi na rin ang ilaw

" marunong ka naman sigurong umakyat ng gate ? " tanong sakin nito sabay sampa

Hanep mala spiderman

" wala ka bang Susi ? " nangangamot Kong tanong , ang dulas kaya nung bakal baka mamaya mabangasan pa ako

" Meron --"

" ayun naman pala eh ! "

" Naiwan ko sa loob "

eh

maganda lang to eh , tatanga tanga naman

Wala na akong nagawa kundi sumampa doon sa gate at mag-ala miyembro ng akyat-bahay gang. Kahit naman mahirap ang buhay namin sa pinas di ko naranasang magnakaw dahil marami naman akong sponsor hoho.

malungkot ang mansyon at halatang wala nang nakatira dito. Tuyot na din ang mga halaman sa garden ng mansyon at may sawa na ata sa pool.

Tulad ng ginawa namin sa gate , inakyat din namin ang second floor at muntikan na akong mahulog pero dahil sa pogi ako , tinulungan ako ni Io

Shet bawas angas

Nang makarating kami sa terasa binasag nya yung isa sa salamin don saka sumuot sa bintana

Swabe at nakakamangha

Hindi kaya brusko to dati ? Uso kaya pa sex-change dito ?

Wala pang isang minuto ay bumukas na ang pintuan at pumasok narin ako

Wala na akong oras punain ang bahay dahil biglang nagdilim ang paningin ko

Uy tama lang ang timing

The stars, dreams and it's holesWhere stories live. Discover now