016 • Wanderlust

246 26 14
                                    

PAST
five years ago

"Uy Woo, sama ka? Pupunta kami dun sa bahay nung kambal sa 11 STEM 1 at 3. May acquiantance party sila mamaya since baguhan nga sila dito." Wika ni Jeonghan habang papalabas kami ng campus.

Umiling ako kaagad, "Ayoko sa party."

"Ayaw mo talaga? Malay mo isa pala sa kanila yung secret admirer mo."

Kaagad akong napatingin kay Jeonghan, "Huh? Bakit, ano bang pangalan nila?"

"Mingyu at Minsoo. Does that ring a bell to you? Baka nakausap mo na sila sa madalas na interactive discussions sa iba nating subjects."

That definitely doesn't ring a bell to me. Baguhan na baguhan nga sila kung ganon.

Napataas ang kilay ko, "'Di naman porket M simula ng pangalan nila, siya na yung secret admirer ko." Though, Jeonghan's invitation made me a little bit curious about the two new students in our school.

"Pogi ba?" Tanong ko.

Narinig kong natawa nang mahina si Jeonghan na para bang kinikilig, "Ay nako, panalo bes! Kaya lang mas approachable kausapin si Minsoo. May pagka-anti social yung isa eh, si Mingyu."

"Magkamukhang-magkamukha ba sila?" Tanong ko muli.

"Sobra. Halos pati galaw nila parehas. Pero malalaman mo naman kung sino si Mingyu at Minsoo kapag nagsalita na silang dalawa. Mas gentle kausap si Mingyu, gentleman na gentleman, bes. Sarap kausap."

"Ah." That made me a lot curious about them.

Kahit ayaw ko naman talagang sumama, tumango nalang ako, "Sige na nga, sasama ako."

"Uyy, interesado ka 'no?" Pang-aasar ni Jeonghan at sinundot pa ang bewang ko nang paulit-ulit. Nakangisi pa siya saakin.

Tinulak ko naman siya nang marahan habang pinipigilang ngumiti, "Tumigil ka, Han! Sige, babawiin ko sinabi ko."

"Ay ito na, hindi na, hindi na. Kung sasama ka naman pala, sumabay nalang tayo sa mga ugok na 'yon." Sabay hila saakin.

Nakarating nalang kami sa harap ng tropa nila Hoshi na nagkukumpulan sa tapat ng gate ng campus. Kasama niya sila Seungkwan, Seokmin, Jun at Seungcheol. Some girls named Jinsoul, Haseul and Yves are also present. Bukod sa kanila, may dalawa rin silang kasamang hindi pamilyar sa akin.

When they noticed us, bigla silang napatigil sa pag-uusap at sabay-sabay silang humarap saakin.

"Oh! Jeonghan, Wonwoo, sasama rin ba kayo?" Tanong sa amin ni Seungcheol.

Nakita kong kumaway si Jinsoul sa akin na isa sa mga kaklase namin ni Han. Kumaway ako pabalik at nginitian siya. Pagkatapos ay napatingin ako kay Seungcheol na kinakausap si Han.

"Oo, inaya ako ni Soo at Gyu kanina eh." Sagot ni Jeonghan.

Tumingin naman saakin si Seungcheol, "Ikaw? Sasama ka?"

Tumango ako at medyo nagtago sa likod ni Jeonghan. Mas matangkad ako ng konti sa kanya kaya medyo tanaw ko pa rin naman si Cheol, "Uhm, hinila lang ako ng isang 'to." Sabay turo kay Han.

Nakita kong biglang ngumiti si Hoshi sa isang tabi at tumingin kay Cheol, "Sa pagkakaalam ko, hyung, kinukulit ni Mingyu si Han kanina na isama na rin si Wonwoo."

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa narinig, "H-Huh? Si Mingyu? Ako? Inaaya?" Naguguluhan kong tanong sabay turo sa sarili ko.

I sensed everyone's panic with Hoshi's statement. Kaya pati ako nag-panic na rin kahit wala naman akong maintindihan kung ano bang mali sa nasabi ni Hoshi.

Wanderlust • meanieWhere stories live. Discover now