Shoot 63 "Joint Quest"

Start from the beginning
                                    

Majesty: eeew. Bilisan ninyo na lang makapunta rito.

"Anong sabi ng bespren mong mukhang kulangot?" Sabi ni Darkshadow at natawa naman ako sa kung paano niya i-describe ang kaibigan ko. Naiinis daw siya kay Jace sa pagiging clingy nito sa akin, pero anong magagawa niya? Before maging kami ay si ganyan na talaga si Jace.

"Papunta na sila. Ang sama mo kay Jace," sabi ko sa kanya. "Nasa pub daw yung iba. Doon na lang tayo." Sabi ko sa kanya.

Naglakad kami papunta sa Pub at habang naglalakad kami ay may nakakasalubong kami na eatudyante mula sa ibang school. "Isa rin kayo sa mga representatives 'diba?"

Tanong sa amin nung nakasalubong naming player. Mukhang mula siya sa WKA.

Sweetdisguise
Level 53

Tumango ako bilang sagot sa kanya. "Galingan ninyo para sa quest." It makes me happy na nagiging stepping stone itong quest na ito para mawala ang inis ng ibang sa school sa iba pang school.

Pagkapasok namin sa pub ay isang sweet music ang tumutugtog, inilibot ko ang paningin ko at nakita ko naman si Charm na kasama sina Digitalic, MockingJay, Bloodbath. Si Charm at BloodBath ay parehas galing sa WKA samantalang si Digitalic at MockingJay ay sa YRA galing.

"Kanina pa kayo?" Tanong ko kanila Charm.

Umiling ito sa akin. "Kakarating lang din namin. Pinag-uusapan namin kung ano ang mangyayari sa quest mamaya."

"Panigurado naman na magagawa natin ang quest dahil pinaghandaan natin ito. It will be easy for us to bring home the bacon," sabi ko kay Charm at ngumiti sina Digitalic na parang uma-agree sa aking sinabi.

"Idagdag mo pa na sinusuportahan tayo ng lahat ng school so wala tayong choice kun'di mai-success yung quest. The pressure is real." Napatawa naman ako sa sinabi ni BloodBath.

Nakakatuwa lang isipin na naging stepping stone itong quest na uto para magkasundo ang limang school. This is the start, this quest can prove that all schools can be united.

Mayamaya lamang ay dumating na sina ClassicDeath at Grimreaper na kapwa mag-aaral ng Evergreen. "Pasensya na guys kung medyo na-late kami." Medyo malayo kasi ang Evergreen Academy sa bayan ng Talima. Naintindihan naman namin iyon dahil nasa itaas pa ng bundok ang kanilang paaralan.

A couple of minutes later ay dumating na rin sina FirePhoenix at CoolJace. Akmang aangkla sa braso ko si Cooljace ngunit mabilis na tinapik ni Darkshadow ang kanyang kamay.

"Majesty oh! Pagsabihan mo 'yang boyfriend mong pinaglihi sa sama ng loob. Kakapit lang, eh!" Parang batang nagsusumbong na sabi ni Jace at napatawa kaming lahat.

Sama-sama kaming sampu na naglakad papunta sa port. Lahat ng players na aming makasalubong ay napapatingin sa amin. Paano ba naman kasi, nagsama-sama ang lahat ng malalakas na players at kalat-kalat sa buong SWO world ang tungkol sa quest.

Papasok na sana kami sa port ngunit may isang player ang lumapit sa amin.

SWOGuardian
Level 99

Pamilyar ang ganitong username, hindi siya basta-basta isang player lang bagkus ay isa siyang game master. Kumikinang ang lahat ng suot nito na parang mataas na naka-upgrade.

"Maligayang pagdating sa bayan ng Talima! Kayo ba ang representatives ng bawat school para sa magaganap na joint quest?" Tanong niya sa amin. Nagkatinginan muna kaming sampu bago tumango sa kanya. "That's a nice thing to know. Pero dahil hindi basta-basta ang quest na inyong gagawin ay hindi kayo sa barko sasakay,"

School War OnlineWhere stories live. Discover now