Shoot 15 "War at the City"

61.7K 3.6K 752
                                    

Darkshadow: Everyone, position

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Darkshadow: Everyone, position.

Iyan ang sinabi ni Darkshadow sa group chat naming magkaka-party.

Si Thatjerk ang naka-assign sa pagtatanim ng bomba sa dadaanang ruta ng mga rebelde habang sina Lucky, Katana, at BlueQueen ang nakikipaglaban sa mga bandido. Si Darkshadow, nasa itaas ng isang gusali rito. He's a sniper and he's targeting all the bandits leaders.

Ako? Inilagay nila ako sa pinakamadaling gawain na kung saan ako ang mag-e-evacuate sa mga mamamayan ng Isolated town, dadalhin ko sila sa may paaralan sa dulong bahagi ng bayang ito.

Thatjerk: Majesty, ano na?

Majesty: Wait they're all under panic kaya ang hirap nilang pasunurin lahat.

"Dito po tayo pumunta! Ligtas po ang lugar dito!" Malakas kong sigaw sa paligid ngunit para bang walang pakialam ang mga mamamayan dito.

Isang malakas na pagsabog na naman ang aming narinig lahat na yumanig sa buong paligid, kumapit ako sa isang poste just to maintain my balance.

Majesty: Hindi sila nakikinig sa akin.

Darkshadow: just save those people na kailangan iligtas and the rest pabayaan mo na.

Wala ba talagang puso ang taong ito? I mean, oo, naka-program lang ang mga NPC sa larong ito pero yung takot nila... Parang totoo, nararamdaman ko 'yon. "Heartless jerk." Sabi ko na lang sa aking sarili.

Sa misyong ito, we have 3 things to do.

1. Ubusin ang mga bandido.
2. Save those people na may katungkulan sa bayang ito.
3. Kill the mastermind.

And right now, I don't have any idea kung sino ang mastermind pero ang sinasabi nila Thatjerk ay ang mastermind daw ay ang pinuno ng mga bandido.

Tumakbo ako tungo sa simbahan, may lalaking tinutukan ako ng baril nung ipinutok nito ang kanyang baril ay mabilis akong tumalon at gumulong tungo sa isang malaking crate. Kinuha ko ang baril sa magkabilang gun pocket.

Naghintay ako ng perfect timing bago lumabas, pagkatayo ko ay mabilis akong tumatakbo at hinahabol niya ako ng kanyang bala. Kasabay ng pagtakbo ko ay pagpapaulan ko sa kanya ng bala hanggang sa bumalagta ang katawan nito sa kalsada habang naliligo sa masaganang dugo.

Nung una, I am not used in the violent blood of this game. Sobrang realistic niya pero kalaunan ay nasanay na rin ako.

Darkshadow: Thatjerk, stand by. In 2 minutes dadaan sa petal street ang isang grupo ng mga bandido. Prepare your bombs.

Thatjerk: noted, I already set up landmines in that area.

Darkshadow: asshole, what if hindi nila maapakan ang mga landmines na tinanim mo?

Thatjerk: I have backup. :)

Binabasa ko rin ang mga chat sa group chat namin para maka-update sa mga nangyayari. Everyone's working hard just to complete this mission.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon