Shoot 59 "End of Internship"

66.8K 3.4K 958
                                    

Twitter hashtag: #Shoot59 and tag me @reynald_20 ire-retweet ko ang inyong tweet and ibo-vote ko.

***

To: RaydinGood luck sa defense mo! :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

To: Raydin
Good luck sa defense mo! :)

Agad kong ni-send sa kanya ang message na iyon pagkatapos kong i-type. Ngayong araw na ang defense ng thesis ni Raydin. Alam ko namang kayang-kaya ni Raydin iyon, but still, sinusuportahan ko siya.

"Hoy 'te! Ano na nga! Paano nga naging kayo ni sir?" Nasa canteen kami nila Cherry  Jessa, at Rose dito sa fourth floor. Kanina pa nila ako iniintriga dahil ngayon lang nila nalaman na kami na ni Raydin.

It's an awkward topic dahil hindi ako sanay na pinag-uusapan ang relationship status ko o kung paano kami nagsimula ni Raydin.

They just saw the picture that I posted in facebook yesterday. "Alam ninyo, kumain na tayo. Rose, anong ulam ang gusto mo?" Tanong ko.

"H'wag mong i-divert ang topic 'te, hot issue sa office ngayon 'yang relationship status ninyo ni sir." Sabi nang madaldal na si Cherry.

I sighed as a forfeit, talagang wala silang balak na tantanan ako hangga't hindi ko naibibigay ang sagot na gusto nilang marinig. "Kami na for almost two months, okay?"

The three of them paused for a second bago nagtitili sa canteen. Sinabihan ko silang 'wag maingay pero ayaw talaga nila tumigil. "Jackpot ka, Dani! Sabi ko na nga ba, magiging kayo ni sir! My ship is sailing!" Sigaw ni Jessa.

Halos isang oras yata kaming kumain dito sa canteen dahil ang daming tsismis nina Cherry. sa gitna nang pagkukwentuhan namin ay biglang napunta ang topic namin sa nalalapit na pagtatapos ng aking internship.

"Dani, let's have a farewell party! Magpapa-reserve na ako sa kakilala kong may-ari ng isang KTV," Sabi ni Rose bago sumubo ng ulam niyang kaldereta.

"Anong farewell ka diyan? After grumaduate ni Dani, paniguradong boss na natin 'yan! Hindi na 'yan papakawalan ni sir." Dugtong pa ni Jessa. Napailing-iling naman ako sa kanyang sinabi.

"Mga baliw." pabiro kong sabi at natawa silang tatlo.

"Pero seryoso, girl, i-celebrate natin 'yan. Sa friday, ha! 'Wag kang mawawala." Ayan na, nakapagplano na agad silang tatlo at hindi man lang hiningi ang aking permiso. I sighed at um-agree ako sa kanilang sinabi.

Pagkatapos talaga nitong OJT, hahabol ako ng level sa SWO. I will spend my whole day sa paglalaro since na-miss ko rin naman. Ang hirap kasi mag-time management kapag may trabaho dahil may mga biglaang paper works na dapat gawin. At isa pa  sa gaming company na ito ay parang under pressure ang lahat sa paggawa ng game.

This is the corporate world, after I graduate ay ganitong mundo na ang gagalawan ko kung kaya dapat ay masanay na ako.

Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa work areas namin para magtrabaho.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon