Shoot 19 "Math Competition"

66.8K 4.3K 3.3K
                                    

"Go Dani!" Malakas na sigaw ni Jace habang may hawak na banner na may nakalagay na pangalan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Go Dani!" Malakas na sigaw ni Jace habang may hawak na banner na may nakalagay na pangalan ko. He's cheering on me na para bang isang athletic game ang sinasalihan ko. Siraulo talaga.

Nandito rin si Sophia who's also cheering me. Nakakatuwa na nandito ngayon ang dalawa sa malalapit kong kaibigan para sumuporta.

"May seating arrangement ngayon, hindi ka makakakopya." Nawala ang ngiti sa aking labi nung marinig ko ang boses ni Raydin. Here we go again, he's pissing me again for the nth time! Hindi ko na mabilang!

"May bagyo na naman, dumaan na naman si yabang. Tabi nga!" Tinunggo ko siya at naglakad tungo sa seat ko. Pinalabas na ang mga estudyanteng hindi kalahok at naiwan na lang kaming mga magkakalaban sa contest.

"Dani! Go Dani!" Huling sigaw ni Jace bago siya tuluyang lumabasat nakailang saway sa kanya yung nagbabantay. Napailing-iling na lang ako sa baliw kong kaibigan.

Pinagmasdan ko ang paligid at sumatutal ay nasa 30 na estudyante ang nandito mula sa iba't-ibang college. Almost everyone here is wearing an eyeglasses like they are the nerdy Gods of math.

"Ang gwapo nung lalaking 'yon, he's from CS," Narinig kong bulungan nung dalawang katabi kong babae habang nakaturo sila sa isang direksyon. Sinundan ko nang tingin ang kanilang tinuturo-- si Raydin.

I cleared my throat para makuha ang atensyon nilang dalawa. "Alam ninyo, demonyo 'yang lalaki na 'yan. Hindi dapat iniidolo 'yan." Paninira ko. Totoo namang demonyo 'yang si Raydin... Sa perspective ko.

"Then he's a sizzling hot devil kung ganoon." Napairap ako sa ere. Mga ilusyunadang baliw pala 'to.

Dumating na ang teacher na magbabantay sa amin. "Good morning students from different colleges,"

"Good morning." we answered in unison.

"Okay we will start our math competition right away. You have two hours to answer this equations, and pipili kami ng top 5 na estudyante na mananalo sa patimpalak na ito. Do your best and goodluck." Nagsimula nang ipasa ang mga test papers.

Honestly, nung una ay wala naman akong pakialam kung manalo o matalo ako. I mean, it is just a competition. Hindi ako naghahangad ng kahit anong recognition. Pero kasalanan ito ng Raydin na iyon kung bakit ako nagiging competetive e. Papakitaan ko ang mokong na 'yan.

Pagkakita ko pa lang sa first page ng test paper ay alam ko ng hindi madali ang mga equation na nakalagay dito. Pinaghalo-halong math problems ito from different subjects so nakakalito rin kung ano ang formula na dapat gamitin.

Nung may makita akong parang madali ay agad ko itong sinagutan.

Y¹= cos²x cosy
dy/dx= cos²cosy
dy= (cos²x)(cosy)(dx)
cos²xcosydx-dy= 0
cos²xdx-(dy/cosy)= 0
[(1+cos2x/2)-secydy=0]2
1+cos2x-2secydy= c
x+ 2sin2x-2ln| secy+tany| =c

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon