The Restaurant Disaster

46 2 0
                                    

"Cielo, anong mangyayari sa mga customer mo tapos ng transactions?" Slang na tanong ni Alleon

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


"Cielo, anong mangyayari sa mga customer mo tapos ng transactions?" Slang na tanong ni Alleon. Muli ay nagpupunas at nagpapagpag nanaman ito ng mga figurine sa sala kahit hindi iyon kasama sa trabaho nito.

"Wala. Hindi na nila makikita ang website kahit pa magsearch sila ng magsearch. No one can actually find this site... not unless they really need the service." Kibit-balikat na sagot ni Cielo. Tumango-tango si Alleon at ibinaba ang hawak nito.

"Tea or chocolate? So... your doing huh. You don't seem powerful. You look actually weak. I can crush you with my mental abilities." Natural na wika ni Alleon. Kung titingnan nga naman ay mukang mahina talaga si Cielo. Bukod sa computer manipulation ay wala na itong ipinakikitang ibang kakayahan. Naiiisip ni Alleon na iyon ang dahilan kung kaya laging ang iba ang gumagawa ng misyon at hindi ito.

"Looks can be decieving Heines. He can kill you without moving from that spot." Biglang sabad ni Yani na kararating lamang. Tumingin ng masama dito si Alleon hindi lang dahil sa sinabi nito kundi dahil na rin sa napakapormal na pagtawag nito sa kaniya. Biglang bigla ay naging malapot ang hangin sa paligid. Natigilan si Yani at nagtiim bagang naman si Cielo.

Pwede kong subukan para sa iyo... aking munting bulaklak...

Ipinaspas ni Cielo ang kamay na akala mo ay may pinapagpag. Lumapit naman si Alleon dito na hinahanap ang ano mang insekto na pinapagpag ni Cielo. Ngayon ay sigurado na si Yani na siya at si Cielo lamang ang nakakadinig ng tinig na iyon.

"Eh? Is there any bug around Cielo?" Umiikot ang paningin na tanong ni Alleon. Sakto naman na pumasok si Raiyuu at napansin na parang naestatwa si Yani. Inosenteng lumapit ito sa kasamahan na puno ng pag-aalala. Hahawakan na nito sa braso si Yani nang biglang napatayo si Cielo sa upuan. Bumagsak sa sahig ang upuan na nagbigay ng malakas na ingay. Natigilan naman si Raiyuu sa gagawin at napalingon sa leader na mukang nakakita ng nakatatakot dahil namumutla ito.

"Boss?" Inosenteng tanong ni Raiyuu. Agad naman na lumayo dito si Yani nang mapansin kung gaano kalapit sa kaniya ang kamay nito. Puno naman ng pagtataka ang muka nina Miki at Yumi nang pumasok na ang dalawa sa kwarto.

"Anong nangyari?" Sabay na tanong ng dalawa. Bumuntong hininga naman si Cielo at agad na iniba ang ekspresyon ng muka nito.

"Successful ang misyon tama? Let's go out!! But not after you laid to me all that happens."

Tagumpay naman ang pagdistract niya sa mga kasamahan dahil agad na napalitan ng malalapad na ngiti ang muka ng lahat. Maliban kay Yani na nalukot ang muka dahil sa isipin na kasama nanaman niya ang kinaiinisan na si Miki.

"And that's an order..." Utos niya na idinidiin kay Yani na alam niyang balak nang tumakas. Inirapan naman siya nito, bagay na nginitian lamang niya na may halong pang-iinis.

"Fine! Nag spy sina Miki, nakuha nila ang tatlong kasabwat. Nireveal ng suspect ang sarili nya, far too easily I must say and I punish her... by crushing her leg bones and that's it." Napakabilis na kwento ni Yani.

D.K.A (Digital Karma Association)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang