MMB #11

3.5K 58 2
                                    

Chapter Eleven
"Midnight Kiss"


Ryle

"Boss oh!" Inabot sakin ni Red ang maskara na pinabili ko sakanya kanina lang. Kinuha ko yun at sinuot na, tumingin ako sa labas at maraming press sa labas. Mga fans din, tsk. Bumaba na si Red at pinagbuksan ako ng pintuan nakastand straight siya na parang bodyguard ko talaga. Pagkalabas ko ng kotse sinara niya ito may isa sa tauhan niya ang pumasok sa loob para idrive ito paalis. Sinabi ko kay red na ikalat ang tauhan niya sa bawat sulok ng bahay kaya dumaan sila sa likod ng bahay. Nakamask din sila.

'Waaaahhhh Si Ryle! Omaighad ang hot niya!'

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


'Waaaahhhh Si Ryle! Omaighad ang hot niya!'

Naririnig kong hiyawan ng mga fans. May fans pala ako di ko napapansin. Naglakad na ako papasok sa bahay nila at nakita ko si Andrew na nagsasalita sa harapan. "Good Evening Ladies and Gentleman, I am Andrew Cayabyab and I am so glad that you came here in my Birthday Celebration. We can now start eating and dance in the middle. Have fun!" Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa pocket ko at naglakad papunta sa isang table na kung saan onti lamang ang nakaupo. Umupo kami dun ni Red nasa pinakadulo kami at tumingin ako sa harap kung saan naupo si Andrew sa isang table. Nakita kong may kasama siyang date. Tinignan ko maigi pero di ko makilala ang mukha nakamask kasi. Di ko nalang pinansin.

"Boss. Si Bianca yun." Tinignan ko ng masama si Red. Wait- si bianca nga ba talaga yun? Well...

"Boss, Balita ko matagal na palang hiwalay si Railey at Andrew kaya ngayon si Bianca ang kasintahan niya!" Kumunot ang noo ko. What?

"Hey!" Nakita kong umupo sa tabi namin si Sunny na nakared gown at red mask. Tinanguan ko nalang siya at mukhang upset padin siya.

"Sunny, mukhang wala naman dito si Railey kaya wag ka ng magalit kay boss." Hindi ko sila pinapansin pero nakita kong napalingon si Sunny kay Red.

"Panong wala?! Edi ba nga, jowa siya ni Andrew?!" Umiling si Red at dun naman lalong nagtaka si Sunny.

"Si Bianca ang bagong jowa, look!" Tinuro ni red yung table nila andrew at tumingin naman si Sunny. Mukhang nawala ang galit sa mukha niya pero naguguluhan siya.

"Matagal na nga talaga tayong walang koneksyon sakanya." Seryosong sabi ni Sunny. Nagmamasid masid lang ako at wala akong balak batiin si Andrew.

Bianca

HOURS LATER

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko ng mapansin kong malapit ng magtwelve. Nawala narin kasi si Andrew sa tabi ko. Inayos ko ang gown at mask ko saka naglakad papunta sa rooftop. Umakyat ako ng hagdan at mukhang mahaba habang akyatan ito. Wowsie.

Pagkaakyat ko sa rooftop madilim ang paligid. Bakit? Dahil walang ilaw dito at tanging ilaw lang ng buwan ang nagbibigay liwanag dito sa taas. Ang sarap sa balat at sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Lumingon lingon ako sa paligid na napaka tahimik, nasan ba si Drew?

Lumapit ako sa may terrace at humawak ako sa hawakan nito lumingon ako sa gilid ko at may nakita akong lalaking nakatayo lang doon at nakatingin sa buwan. Nagtaka ako, si Drew bayun? Di ko maaninag ang kulay ng damit dahil sa sobrang dilim parang lahat ay madilim na kahit sarili ko di ko makita. Wait may naalala ako.

Flashback...

"Magpapalit lang ako ng damit!" Tumayo si Drew sa kinauupuan niya aalis na sana siya ng biglang magsalita ang nanay niya.

"Bat naman anak?"

"Eh mom! Diba binilan niyo ako ng black suit para sa birthday ko? Susuotin ko yun sayang naman." Ay change outfit haha sabagay pagbirthday celebrant nga naman palaging change outfit.

Matapos ang ilang minuto nakaupo lang ako dito at bored na bored na ako naramdaman kong tumabi na ulit sakin si Drew at nakita kong nakasuot na siya in his black suit at black mask. Awe. Sadyang napakagwapo niya kahit anong suotin niya.

End of Flashback...

Biglang nagliwanag ang paligid kahit kaunti dahil sa liwanag ng buwan nakita ko na ang damit ko at nakita ko ang lalaking nakatayo roon ay nakasuot ng black suit. Si drew na nga yun! Nilapitan ko siya ng dahan dahan para gulatin siya sa gift ko.

"Pssst." Sabi ko at agad naman siyang lumingon sakin. Pagkalingon na pagkalingon niya hinila ko kaagad ang leeg niya at tumingkayad ng kaunti para mahalikan ko siya sa lips.

Hinalikan ko siya sa lips at tumugon naman siya sa kiss ko. Naging passionate ang kiss namin. Syempre nakapikit lang ako dahil sobra na akong nagbblush ngayon kinikilig ako at nahihiya akong makita ang reaksyon niya sa ginawa ko. Sana magustuhan niya ang gift ko.

Niyakap ko ang leeg niya habang naghahalikan kami. Niyakap niya rin naman ang bewang ko. Naghalikan kami ng higit isang minuto. Sa gitna ng buwan.

It was so beautiful that I could cry at any moment.

Andrew

"Bakit ba? Anong problema?!" Naiinis ako, bakit? Dahil malapit ng magmidnight pero tong mga tauhan ko hinila ako dahil may sasabihin daw sila sakin.

"Boss di mo ba nakikita? Nasa paligid ang mga tauhan ni Ryle." Lumingon ako sa paligid at mukhang tauhan nga ni Ryle yun. Sumama ang tingin ko. Pumunta nga siya.

"Anong gagawin namin boss?"

"Hayaan mo lang sila!"

"Son!" Nakita ko si Mommy na papalapit dito sa kinatatayuan namin. "Why Mom?" Hinawakan niya ang balikat ko.

"Nasa Airport ngayon si Railey at kailangan niya ng sundo. Gusto ko sanang sunduin mo siya dun ngayon!" Nanlaki ang mata ko. Pero pano si Bianca? "Sige na nak! Sabi niya sakin may mga masasamang tao daw ang humahabol sakanya ngayon." Bakit ngayon ka pa umuwi?! Tsk. Mabilis akong lumabas ng bahay at nagtext kay Bianca. Sumakay na ako ng kotse at nagdrive papunta sa Airport.

Ano nanaman bang ginawa mo, Railey?!

Third Person

Habang busy si Bianca sa rooftop. Biglang may nagtext sa cellphone niya at ang cellphone niya ay nasa loob ng purse niya. At ang purse niya ay naiwan sa table nila kanina nakapatong doon. Iniwan niya.



______________________

VOTE.COMMENT.FOLLOW
M I S S W O R L D W I D E

My Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon