Chapter 32

38.3K 1.1K 13
                                    

Chapter 32

"Alam niyo na ba?"

"Na ano?"

"Dumating si Dean kaninang madaling araw galing Germany!"

"Ano kamo?"

"Oo, nandoon nga sa opisina si McGregor ngayon. Kinakausap tungkol doon sa insidenteng kinasasangkutan ni Montero at pati na rin yata si Ivronsen. Balita ko'y kasama ang grupo niya roon."

"Akala ko ba may gusto iyon kay Montero?"

" Hindi ko alam."

"Oo nga pala. Narinig ko nga ang tungkol doon. Napakarami nila pre tapos may dala pa silang mga katana."

"Nasagap ko pa nga na nadawit ang grupo nina Marga."

"Lintek nang 'yan. Ang grupo ni Marga ang pinakauna sa listahan ng mga magagaling na lumaban sa akademya natin. Pumapangalawa lang ang grupo nina Ishimiyo sa grupo ni Ivronsen."

"Tsk. Ano kayang ginawa ni Montero, 'no?"

"Malay ko. Mangalap nalang tayo ng balita pagkatapos mag-usap nina dean at president."

     Napahinga ako ng malalim nang mawala na ang boses ng magkaibigan. Nagtago kasi ako sa gilid ng locker nang marinig ang usapan nila para maupdate ako sa mga pangyayari. Hindi nagsasabi ang presidenti sa 'kin eh.

     Napalunok ako nang maisip na nandito ang dean. Nandito si Sir Ivoux Jandel McGregor. The name itself screams power.

    Habang naglalakad ako patungo sa classroom namin ay lutang ako. Hindi kasi ako mapakali sa kaalamang nandito ang lolo ni Iverson. Sigurado ako, ilang minuto mula ngayon ay ipapatawag na rin ako.

    I am not yet fully healed pero I need to attend the classes! Malapit na ang quarterly exams, pinabilis dahil sa nalalapit din na duels. Sigurado akong nagsusunog na ng kilay ang mga estudyante ngayon.

   Si Sir Ivoux Jandel McGregor ay isa sa mga pinakamagaling na boss sa underworld. Sa tingin ko ay kaedad siya nina Master Club at Master Asuna. Sa katunayan ay isa siya sa labin dalawang legendary masters. The government often associates themselves with sir Ivoux in his times. He is undeniably an efficient master, though.

   Isa din siya sa mga matagumpay na natapos ang Quest X. Nasa mid 20's siya nang makuha niya lahat ng awards na 'yun. Hindi man ako nakaabot ay ipinasa pasa naman iyong kuwentong iyon na narinig ko sa mga matatanda na na assassin sa organisasyon namin. Isa siya sa mga naging idolo ko dahil hindi abusado.

    Isang malaking karangalan ang makita at makilala man lang siya.

  Para namang hindi siya lolo ni Iverson.
Napakamot nalang ako ng noo ko. Magkadugo nga pala sila.

  Hindi nga ako nagkamali nang biglang lumapit sa akin si Amelynx. Nasa malayo pa man siya ay nakikita ko na ang tingin niyang sa kamay ko ang deretso kaya kumunot ang noo ko at itinago ito.

"Good morning, Montero babes," bati pa niya sa akin pero ang tingin niya ay nakapokus sa kung saan. Sinong niloloko nito?

"Ano?" tanong ko at nagdududang tinignan siya. Sumimangot ang mukha niya at napaatras ako sa gulat nang bigla niyang kunin ang kamay ko na nakatago sa likuran ko.

"The fuck. That psychotic man is not lying. Kasal nga kayo," sabi niya at pumalatak. Hinablot ko ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. Ano naman ngayon? Sinabihan na sila ni Iverson noon, ah?

" Bakit ba?"

" Naku, usap-usapan sa paaralan ngayon kung bakit sunod nang sunod si Iverson sa'yo. They're talking about the ring on Iverson's finger."

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now