Nasa iyo na

28 4 0
                                    

Sa internet lang tayo nagkakilala,

kahit di pa kita nakikita,

dito sa aking harapan,

kahit di ka katangkaran,

ay gugustuhin pa rin,

sapagkat isa ito sa aking layunin,

ang makita ka at makamit,

nang paulit-ulit.



Sana nga dumating na ang araw na iyon,

ang makapiling at makasama ka na sana ngayon,

kahit sa sandaling panahon,

kahit lamang sa pagtuyo ng mga dahon,

na mahawakan ang iyong mga kamay,

habang ako'y nabubuhay,

malibot ang buong mundo kasama ka,

bago pa ako mawala,

dito sa buhay kong walang takas at kawala,

at mas lalong lumalala.



Nais ko lamang ika'y maramdaman,

dahil dito sa aking nadarama,

dito sa puso kong may dinadamdam,

na di alam ang buong katotohanan,

kung bat ako nagkaganto,

na gusto ko sana huminto ang oras ko,

para ika'y mahintay at makamtan,

makapiling at mahawakan,

sa iyong malalambot na kamay,

di lang kaibigan ang turing ko sayo,

habang ako'y nabubuhay,

kundi pati ako,pati ang puso ko,

ay nasa iyo.


Ang sakit na nararamdaman ko ngayon,

ay di magpapabago ng aking pananaw,

sa araw-araw,

dahil ikaw lamang ang mamahalin,ngayon at sa habang panahon,

kahit di man lang kita masisilayan,

dahil ako'y susuko na ng tuluyan.


-------👽
I T S E M P R X D | M A D

In my Mind [Editing]Where stories live. Discover now