Hinahangaan

63 7 0
                                    

DEDICATED TO chaoswp

Ika'y aking hinahangaan,
loob ko sayo ay magaan,
kahit di tayo magkasintahan,
ikaw ay akin lamang nagustuhan,
di man kita sa buo mong katauhan,
gusto ko pa rin tayo'y magmahalan,
kahit alam kong sobrang layo mangyari,
na ikaw ay magiging aking pag-aari,
Kagustuhan ko iting matupad,
sa panaginip at isipan kong naglalayag.

Minsan nga naisip kong akin ka na,
Ngunit naisip ko muli na ito'y isang nasa isipan lang,
sapagkat maraming hadlang,
ika'y hahangaan pa rin kahit ako'y nasasaktan na.

Tuwing tayo'y nagkakasalubong,
di ko maiwasang kiligin,maging masaya at kabahan ng patungpatong,
nang araw na iyon ay ang una mong pagbati saakin,
di ko malilimutan ang araw na iyong ginawa saakin,
nang ikaw ay tumigil sa aking harapan,
ako ay mas lalong kinabahan,
lalo na ng ika'y saakin ngumiti,
na mas lalong nakapagbighani,
ngumiti ka at sinabi mong 'Magandang umaga aking binibini'.

Ako ay kinilig ng sobra,
di ko alam kung saan ko pa ilalagay ang aking nadarama,
sa sobrang saya ko,
parang ayoko na matapos ang lahat ng ito.

Hinihiling ko na ang sinabi mo na lang ay 'Magandang umaga mahal ko',
ngunit naisip ko muli na hindi pala tayo,
kaya masaya pa rin ako kahit ganun ang sinabi mo,
sana mabati mo muli ako.

------------------👽
I T S E M P R X D | M A D









In my Mind [Editing]Where stories live. Discover now