Chapter 4

8.7K 406 70
                                    

IMPORTANT NOTE (PLEASE READ):

Ang parte na ito at iba pang parte ng kwentong ito ay magiging available lang sa Dreame. Ang Dreame ay isa ring writing platform kung saan pwedeng kumita ang isang manunulat. Tinanggap ko ang kanilang offer at nilagdaan ko na rin ang written agreement. Kung gusto niyong mabasa ng buo ang kwentong ito, kailangan niyong gumawa ng account at mag-log in sa Dreame. I hope for your support guys.

Pareho lang din ang username ko. Iamjaelopez. I upload five chapters per week. Thank you!

Date posted: June 22, 2019. 9:00 PM

***

"PAGPASENSYAHAN mo na ang Senyorito mo, Iko ha? May pagkastrikto kasi iyon pero mabait namang bata." Ani Lola Sima sa akin. Siya ang humihingi ng paumanhin imbes na ang dapat gumagawa ay ang salabahe kong amo.

Sinigawan na naman kasi ako ni Senyorito dahil ang tagal ko raw iakyat ng pagkain niya. Tatlong minuto pa lang naman akong nakababa at inihahanda pa lang ito nang bumaba siya't sinigawan ako sa kusina. Mabuti at si Lola Sima lang ang nandito. Wala si Nanay dahil nasa palengke.

Ikatlong araw ko na sa bagong trabaho at mabuti na lang at nakakayanan ko pa kahit walang oras na hindi ako napapagalitan ni Senyorito. Isinasaisip ko na lamang na kailangan ko ang trabahong ito para sa darating na pasukan ay may pangmatrikula ako. Dalawang buwan lang naman akong magtitiis dahil babalik din ang Senyorito sa Maynila para ipagpapatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.

Ano kaya ang pakiramdam na makapag-aral ng kolehiyo? Sa estado kasi ng buhay namin ay alam kong hindi namin kakayanan iyon kaya nagpupursige talaga akong manguna sa klase. Malaki kasi ang prebilihiyo at may garantiyan na makakapagkolehiyo.

"Okay lang po. Sige po, ihahatid ko na ito sa itaas." Paalam ko kay lola at kinuha na ang tray ng pagkain. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ng matanda pero hindi ko na iyon pinansin pa. Alam kong naaawa siya sa sitwasyon ko at wala siyang magawa kung 'di ang humingi lang sa akin ng pasensya.

Naabutan ko ang Senyorito na prenteng nakahiga sa kanyang kama at nanonood ng sports channel sa telebisyon. Swimming competition ang pinapanood niya. Dito ay napatunayan ko nga na isa siyang swimming athlete.

Tahimik kong nilapag sa mesa sa tabi ng kama niya ang tray. Paniguradong mamaya ay hindi na naman niya mauubos ang pagkain. Ewan ko ba sa kanya kung bakit parati siyang nagpapakuha ng pagkain pero kaunti lang naman ang kinakain niya. Ganoon ba talaga ang mga mayayaman at walang pakialam sa pagkaing nasasayang nila?

Maraming pamilyang Pilipino ang hindi nakakain ng maayos tatlong beses sa isang araw kaya hindi dapat sila nag-aaksaya ng pagkain.

Nang tuluyang mailapag ang tray ay tinungo ko na ang banyo. Hindi pa kasi ako tapos na maglinis doon.

Dalawa hanggang tatlong oras o mahigit pa akong nanatili sa kwarto ng Senyorito dahil sa dami ng ginagawa ko. Sa pagtutupi pa lang ng sabog niyang kabinet ay natatagalan na ako. Dagdagan pa ang mga nagkalat na kagamitan at maruming sahig. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya iyon. Marahil gusto niya lang akong pahirapan. Naalala ko ang sinabi niya sa akin noon na babawian niya ako sa ginawa kong pagtuhod sa kanya.

Hindi na ako naniniwala sa mga sinasabi ni Lola Sima na masinop siya sa kwarto niya at mabait. Wala akong nakikita ganoon sa kanya. Salabahe siyang tao.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng basang dingdig ng shower area nang pumasok siya sa banyo at walang anu-ano'y ibinaba ang harap ng short. Mabilis akong napatalikod dahil sa pagkagulat. Muntik ko ng makita ang hindi dapat makita.

The Heartless Jerk (Dangerous Man Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon