Chapter 3

8.4K 422 67
                                    

IMPORTANT NOTE (PLEASE READ):

Ang parte na ito at iba pang parte ng kwentong ito ay magiging available lang sa Dreame. Ang Dreame ay isa ring writing platform kung saan pwedeng kumita ang isang manunulat. Tinanggap ko ang kanilang offer at nilagdaan ko na rin ang written agreement. Kung gusto niyong mabasa ng buo ang kwentong ito, kailangan niyong gumawa ng account at mag-log in sa Dreame. I hope for your support guys.

Pareho lang din ang username ko. Iamjaelopez. I upload five chapters per week. Thank you!

Date posted: June 21, 2019

***

NAGISING ako mula sa pagkakaubo. May lumabas na tubig sa bibig ko. Nang imulat ko ang mga mata, mukha ni Senyorito Yvo ang bumungad sa akin. Nakakunot ang kanyang noo pero nandoon ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha.

"Get up already. Uuwi na tayo." Malamig niyang sabi.

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod. Ako naman ay habol ang paghinga dahil sa kakapusan ng hangin. Habang nakatingin sa ulap, bumalik naman sa akin ang nangyari kanina.

Nilapatan ako ni Senyorito Yvo at bigla na lang itinulak sa tubig na naging dahilan upang muntikan na akong malunod. Malapit na akong mawalan ng malay nang makita kong sinagip niya ako. Iyon na ang huling natatandaan ko.

"Ano pang tinanga-tanga mo diyan?! Get up now!" Sigaw pa niya.

Tumayo na ako pero muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa panghihina ng katawan ko. Napahawak ako sa aking tuhod at kinuha muna ang balanse bago sumunod sa salbaheng lalaki.  Gusto ko ng maiyak pero pinipigilan ko na lamang ang sarili. Ang sama niya. Ang sama-sama niya.

Tahimik kaming naglakad pabalik sa truck. Binalot ang paligid namin ng nakakabinging katahimikan lalo nang paandarin na niya ang sasakyan. Tanging ugong lang nito ang maingay.

Napayakap na lamang ako sa sarili at itinutuon ang atensyon sa labas. Kinakagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtakas ng luha sa mga mata ko pero kalauna'y hindi ko na napigilan. Tahimik akong umiyak.

Maya-maya ay nakita ko na ang daan papunta sa amin. Pasimple akong humugot ng hangin para pakalmahin ang sarili. Pinilit kong magsalita.

"I-Ibaba mo na lang ako doon sa kanto S-Senyorito. Uuwi na ako sa amin."

Hindi siya umimik pero inihinto niya ang sasakyan doon sa kantong tinuro ko. Nagpasalamat lang ako sa mahinang boses at mabilis nang bumaba.

Naghihintay ako na humingi siya ng pasensya pero hindi ko iyon narinig hanggang sa paandarin niyang muli ang sasakyan. Doon na bumuhos ang emosyon na kanina ko pa pinipigilan. Napayakap ako sa sarili, umiiyak habang naglalakad.

Inusisa ako ni Aiko kung bakit basang-basa ako nang makarating ng bahay. Nagsinungaling ako at agad na nagpaalam sa kanya na magpapalit ng damit.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pang bumalik ng mansyon bukas matapos ang ginawa sa akin ni Senyorito Yvo. Ginawa niyang biro ang pagtulak sa akin sa batis. Muntikan na akong malunod. Baka sa susunod na gagawin pa niya ay ikamatay ko na talaga.

Pero iniisip ko si nanay. Hindi ako pwedeng umalis. Kailangan ko ang trabahong iyon para makapag-aral. Iiwas na lamang ako kay Senyorito Yvo at sana nga ay magawa ko iyon.

Parang ayaw kong iapak ang mga paa ko papasok sa mansyon. Pakiramdam ko kapag ginawa ko iyon, ilalagay kong muli sa panganib ang buhay ko.

"O Iko, hindi ka ba papasok?" Napapitlag ako nang may nagsalita. Napatingin ako kay Kuya Rigor.

The Heartless Jerk (Dangerous Man Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon