Chapter 1

12.5K 450 42
                                    

IMPORTANT NOTE (PLEASE READ):

Ang parte na ito at iba pang parte ng kwentong ito ay magiging available lang sa Dreame. Ang Dreame ay isa ring writing platform kung saan pwedeng kumita ang isang manunulat. Tinanggap ko ang kanilang offer at nilagdaan ko na rin ang written agreement. Kung gusto niyong mabasa ng buo ang kwentong ito, kailangan niyong gumawa ng account at mag-log in sa Dreame. I hope for your support guys.

Pareho lang din ang username ko. Iamjaelopez. I upload five chapters per week. Thank you!

Date posted: June 19, 2019, 9:00 PM

Chapter 2 will be posted on June 20, 2019 at 9:00 PM

***

HINDI MAGKAMAYAW ang mga mata ko sa paglilibot sa buong paligid ng mansyon ng mga Jontaciergo. Ito ang unang beses na makapasok ako rito. Kahit sa labas pa lang ay sobrang busog na busog na ang mga mata ko sa katitingin sa buong paligid.

Sa harap ko ay nakatayo ang isang matayog na mansyon. Halos puting pintura ang pumuno sa kabuuan nito. Nakapalibot dito ang mga magagandang halaman at mga puno ng pine tree na nakaayos na nakahilera. Sa 'di kalayuan sa kanang bahagi ay may isang fountain. Parang krystal ang tubig nito dahil na rin sa sinag ng araw na tumatama rito.

Walang ibang namutawing pakiramdam sa akin kung 'di ang kagalakan. Kung hindi ako isinama ni nanay ay hindi ako makakapasok rito. Kulang kasi ng tao para sa mansyon kaya nagpresenta ako at hindi na iyon napigilan ni nanay. Kailangan ko rin kasing makapag-ipon para sa susunod na pasukan. Dahil magfo-fourth year na ako ay alam kong maraming requirements. Hindi ko rin gustong dumepende kay nanay dahil marami rin kaming gastusin at ayaw kong maging pabigat sa kanya.

"'Nak halika na, dito tayo dadaan sa likod." Nawala ang pagkatulala ko nang magsalita si nanay. Agad naman akong tumalima at sumunod sa kanya. Sa likod kami dumaan kung saan naroon ang malaking kusina. Hindi ko rin maiwasan ang mamangha dahil mukhang bahay ng maituturing ang kusina. Mas malaki pa sa buong bahay namin.

Maraming mga katulong ang nandoon na nakasuot ng mga uniporme. May isang matandang babae ang sumalubong kay nanay. Agad siyang kinausap nito.

"Mabuti at dumating ka na Linda. Naku, kailangan namin ng tulong mo. Mukhang ang mga luto mo talaga ang gusto ng pamilya ni Don Emilio. Sinabi ko naman sa iyo na mamasukan ka na rito e." Anang matandang babae kay nanay.

"Huwag kayong mag-aalala at mamasukan na ho ako rito." Lumingon naman sa akin si nanay at tinawag ako sa tabi niya. "Ito nga ho pala si Mikko. Ito 'yong sinabi kong anak ko na marunong ding magluto."

Ngumiti ang matanda. Agad naman akong lumapit dito at kinuha ang kamay upang magmano. "Kay bait namang bata. Kumusta ka hijo?"

"Mabuti naman po ako lola." Magalang na sagot ko rito.

Hinawakan nito ang pisngi ko at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"O siya, halina kayo at magtrabaho. Marami tayong lulutuin. Masyadong pihikan ang mga anak ni Donya Helena kaya marami tayong lulutuin."

Kumilos na kami ni Nanay at nagsimulang magluto. Tulong-tulong ang mga katulong sa paghanda ng mga rekados. Hati naman kami sa lulutuin ni nanay upang mabilis matapos. Pagkalipas ng higit isang oras ay natapos kami.

Maya-maya ay narinig ko si lola na gising na raw ang buong pamilya ng Jontaciergo at nasa hapagkainan. Hindi naman nagkakaundagaga ang mga katulong sa pagkilos. Siguro ay ganito na talaga sila kapag kumakain na ang mga amo. Hindi rin kasi kung sinu-sino ang mga ito. Sila ang pinakamayaman sa aming bayan at hawak pa nila ang kabuuan nito dahil Gobernador ang matandang Jontaciergo.

The Heartless Jerk (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now