Pick (IVOSI#3)

228 8 15
                                    

Dedicated to @etherealji

Marga

Pumasok na ako sa classroom namin dahil malapit ng mag time para sa klase, nakakainis, may band practice mamaya sila Badjao, pinsan ko yun, tapos kabanda niya sila Blaster! Yung crush ko.

Nakakainis lang talaga kasi gusto kong manood ng practice nila kaso lang hindi ako pwede mag absent!

Tiningnan ko ang katabi kong upuan, wala talaga, si Blaster dapat nakaupo diyan eh. Kainis.

Hindi kami masyado close ni Blaster kasi ang snob niya! Taray taray pero kahit papano ay namamansin.

Pumasok na prof namin at nagsimulang nang mag lesson, ang boring!!

Nung mag recess ay nagmadali akong pumunta sa band room kung saan nag pra practice sila Blaster. Excited na excited na akong pumunta dun dahil makikita ko silang tumugtog.

Pagdating ko ay agad kong kinawayan si Badjao, pati sila Unique kaso lang si Blaster di man lang tumingin sakin. Kainis naman to.

"Hoy, wala kang klase?" Tanong ni Badjao sakin nang matapos ang isang kantang tinutugtog nila.

"Recess eh, tsaka free time namin mamaya" sabi ko sakanila habang nakaupo sa floor, sanay na silang nanonood ako ng mga practice nila eh.

Nakita kong tinabihan naman ako ni Unique.

"Hoy! Samahan mo daw si Zild bumili ng tubig namin!" Sabi nito at biglaan ko naman siyang tinaasan ng kilay.

"Sino ka?" Sabi ko habang naka cross arms.

"Boss mo kami!" Sabi niya sabay tawa, inirapan ko lang siya at inilahad ang kamay ko.

"Okay, fine bibilhan ko kayo" Nakita ko naman na kinuha ni Unique ang wallet niya. Lalabas na sana siya ng pera ng biglaang magsalita si Zild.

"Pre, ikaw na sumama ki Marga, masakit tiyan ko eh." Sabi ni Zild habang sinisiko si Blaster, napatingin naman siya samin bigla.

Nako, kikiligin na sana ako kaso lang mukhang hindi naman siya sasama at ayaw niya.

Tiningnan ko lang si Badjao, tumango tango siya at tinawanan ako. Alam niya kasing crush ko si Blaster.

Nabigla ako ng biglaang nagsalita si Blaster na nasa pintuan na pala.

"Tara na?!" Pasigaw na sabi niya na mukhang inis na inis. Sampalin sana kita diyan kaso lang crush kita eh.

Lumapit na ako agad sakanya, sabay na kaming lumabas ng band room.

Buong lakad namin papunta ng canteen hindi niya ako pinansin, kainis. Ang taray taray talo pa ang babae.

Pumila na kami sa canteen. Medyo mahaba ang pila kaya medyo matagal kaming magkatabi ni Blaster, hindi parin kami naguusap.

"Hoy, do you have any money?" Tanong ko sakanya, tiningnan niya naman ako at tinaas lang ang isang kilay niya.

"Hello? May kausap ba ako?" Tiningnan lang ako ulit ni Blaster at tinarayan.

"Ay bingi? Nako, bakit nagka kaibigan si Badj ng bingi?" Parinig ko sakanya at mukhang mas nainis siya. Natatawa ako na naiinis sakanya. Di ko na siya crush! Gigil niya ako eh.

IV OF SPADES IMAGINESOù les histoires vivent. Découvrez maintenant