Deal (IVOSI#2)

291 7 10
                                    

Dedicated to lilseeld hehe <3

Aika

Andito kami ngayon ni Zild sa isang coffee shop, kumakain lang siya ng cake at umiinom ng kape na dapat ay ginagawa ko rin kaso lang hindi ko magawa gawa dahil kanina pa ako inis ng inis kasi nareject ako ni Blaster! Walang hiya yun akala mo pogi!

Pero pogi naman talaga siya. Huhuhu bakit kasi sinabi ko yon sakanya, lumaki tuloy ulo.

"Hoy tama na nga sa kaka rant, Aika! Kanina ka pa diyan eh. Kala mo naman sobrang seryoso ng feelings mo sakanya" sabi niya sakin habang sinisiko ako. Tiningnan ko lang siya.

"Akala niya gwapo siya?!" Sabi ko ulit kay Zild, nakakainis kasi akala mo naman seryoso na gustong gusto ko siya eh sinabi ko lang na nacu cute-an ako sakanya and na ang galing niyang mag gitara! Bwisit na yon! Feeling!

"Hay nako ka, mag boyfriend ka na nga para hindi mo na iniisip ang mga ganyan." Sabi sakin ni Zild, napatigil naman ako sa kakaiyak.

Tama siya, kailangan ko ng boyfriend!!

"Pero?? San ako hahanap? Huhu" sabi ko sakanya sabay simangot ulit. Tiningnan niya lang ako na parang inis na inis siya.

"Hanap ka lang sa gilid gilid! Dami adik diyan baka maadik rin sila sayo" sabi ni Zild kaya piningot ko naman tenga niya. Pinalo niya naman ako bigla.

"Bat nga ba sayo ako nagpapatulong maghanap ng boyfriend? Eh wala ka nga diyang girlfriend! Wala kang experience sa ganito eh!" Sabi ko sakanya at nakita ko namang tinarayan niya ako, nginitian ko naman siya.

"Edi tayo na lang!" Pasigaw na sabi niya na ikinagulat ko naman bigla, hindi ko inexpect ang sasabihin niya. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko at naginit ang mga pisngi ko. Leche.

"Asa ka pa Zild!" Sabi ko sakanya, tinawanan ko siya pero tiningnan niya ako ng seryoso.

"Ganito na lang, why not make a deal?" Seryoso niyang sabi habang nakatingin sakin. Shet. Wag kang tumingin ng ganyan, lumilipat na cuteness ni Blaster sayo.

"Anong deal?"

"In two months, pag hindi pa tayo nakahanap parehas ng boyfriend o girlfriend, eh tayo na lang!" Sabi niya sakin.

Two months? San ako makakakuha ng boyfriend in two months?

"Ayoko nga makipag deal sayo puros ka kalokohan!" Sabi ko sakanya sabay iwas ng tingin.

"Aika, seryoso ako! Pag parehas tayo wala pa edi siguro destined tayo for each other!" Sabi niya naman sakin at tinaas baba ang kilay niya. Wag kang ganyan Zild.

"Sige na nga! Psh, magkaka boyfriend na ako next week bleh!" Sabi ko sakanya para hindi masyado ma awkward.

Pinapakilig ako ngayon ni Zild pero alam kong friendly act lang tong ginagawa niya, syempre we've been friends for so long na.

"Okay, deal? Kapag in two months wala pa tayong seryosong, relationship, edi tayo na lang?" Sabi niya ulit, sakin tumango ako at nakipagkamay sakanya. Bring it on."

IV OF SPADES IMAGINESWhere stories live. Discover now