s e b u n t e e n

46 1 0
                                    

Questions

Soonyoung's pov

"Soonyoung-ah~ Soonyoung-ah~" rinig kong tawag saakin ng isang malambing na boses. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko pero agad ko itong tinakpan ng kumot matapos akong masilaw.

Putek. Hindi naman nagbayad ng kuryente si Seokmin a? Bakit may ilaw na? "Soonyoung-ah~" rinig ko nanaman. Nang medyo nahimasmasan na ako, binuksan ko na ulit yung mga mata ko at napanganga ako sa nakita ko.

May nakaupo sa tabi ko na nakatalikod. I can only see his back pero alam ko kung sino sya. His mint green hair didn't change after 15 years. The size of his body isn't like before. He grew taller than the last time I saw him. "Lee?" I uttered.

Hindi nya ako nilingon pero narinig ko ang pagtawa nya. "Kilala mo pa pala ako, Soonyoung?" medyo mahina nyang tanong.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at niyakap sya. Lee. My bestfriend came back! Napakahigpit ng yakap ko sakanya at ayaw ko na syang bitawan. I can feel how he breath heavily. "May problema ba?" I asked.

"Madami. Madaming problema at—" Nagulantang ako sa pagbabago ng liwanag sa kwarto ko. Mula sa maliwanag ay naging madilim ito at nakakapanindig balahibo. Sht. Is this a dream? Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sakanya at pilit ini-adjust ang mata ko sa paligid dahil wala akong makitang kahit ano. "—at isa ka na don, Soonyoung." he shouted at hinarap ako.

Hisl left eye is crying. Not water but blood. Ang kalahating labi nyang nakangiti ay tila hiniwa sa sobrang lagpas nito. Nakikita na ang laman nya at tila nalulusaw ito sa napakabagal na paraan. It took time to load in my mind kung anong itsura nya pero right after I realized it, agad akong napasigaw. "Don't come near me! Lee! Wag na wag mong subukan o papatayin kita!" umiiyak kong sigaw.

Pinilit kong kapain ang nasa paligid pero para lamang akong kumakapa ng pader at kami'y nasa isang kahon lamang. Parehas lamang ng laki nito sa kwarto ko pero alam kong hindi ko to kwarto! "NASAAN AKO?! LEE!" tanging kama lamang ang naririto at kaming dalawa.

I'm at the edge of this room at nanginginig na ako. Hindi sya lumapit pero naririnig ko ang boses nya na paulit-ulit nagsasalita ng hindi ko malamang lenggwahe. Kahit anong takip ko sa tenga ko at sigaw ng napakaraming tama na ay hindi ito tumitigil.

Matinding kaba ang nararamdaman ko nang lumapit sya saakin ng dahan-dahan. I can't speak anymore at para bang may bumabara. Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit na huwag pakinggan ang mga sinasabi nya.

"Shit. Tulong. Seokmin! Zelo! Minghao! Cheol hyung! Agh! Tulungan nyo ako! Itigil nyo na! Please! Tulungan nyo ako!" sigaw ko sa abot ng makakaya ko.

"Tu—ngan—ko—Kwon—appa" huling narinig ko sakanya na tila putol-putol pa.

"HYUNG! SOONYOUNG HYUNG! HOY! GISING NA ABA!"

Dinilat kong muli ang mga mata ko at pinakalma ang sarili ko. Napakabilis ng paghinga ko to the point that Seokmin thought na hinahabol ako ng mga kabayo sa panaginip ko. Pinainom nya ako ng tubig tsaka ako pinitik sa noo.

"Ano bang eme yan hyung?" natatawa nyang tanong.

Teka nga. Bakit parang hindi man lang sya concerned? Hindi nya ba narinig yung mga sigaw ko? O nakita man lang na binabangungot na ako? "Seokmin, si Lee. Yung kinukwento ko sayo. Nakakatakot na sya, Seokmin. Parang—parang ang laki ng galit nya saakin."

"What are you saying, hyung? Para ngang napakasarap ng tulog mo e. Kaya nagtaka ako bat ganyang yang reaction mo."

"What?! Seokmin, I'm telling you. Halos mamatay na ako sa takot sa napaginipan ko. Maniwala ka naman!" I shouted pero agad din nyang tinaas ang dalawang kamay nya tsaka umiling. "Oo nalang, Soonyoung hyung."

Jeez. Ano bang nangyayari? Lee, ano bang gusto mo saakin? Hindi ka pa ba masaya sa buhay mo? I mean, ikaw nga ang may mas better life dahil mayaman ka na't may pamilyang nagmamahal sayo pero bakit? Bakit parang—may pinapahiwatig ka?

"Tu—ngan—ko—Kwon—appa"

Anong ibig mong sabihin? Appa? Si papa o ang papa mo?

Public Scandal || JunHaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon