Sino ka? Anong kailangan mo?

Send.

"May problema ba Alexander?" tanong sa akin ni Louisse. Umiling ako.

"Wala. Sa tingin ko, mas mabuting bumalik muna tayo sa bahay." sabi ko.

"Tama, doon nalang muna tayo mag-isip." sang-ayon ni Maxwell. "Dalhin na rin natin yung wig at itong mga drawing sa pader."

Lumabas na kami ng lumang bahay na iyon. Ilang sandali lang ay nakarating na agad kami sa bahay.

"Naalala ko lang bigla... Diba dati nadatnan nating sira ang mga cctv cams na sinet-up mo?" tanong sa akin ni Louisse.

"Oo." sagot ko.

"Malamang, yung nagpapanggap rin na Rhianne ang gumawa 'non." sabi ni Louisse.

*beep you have one mail beep*

From: 09099999999

Ikaw ang kailangan ko. Pupunta ka o hindi?

Tumingin ako kanila Louisse. Pagod silang nakaupo sa sofa.

Ito na bang katext ko ang kumuha kay Rhianne?

To: 09099999999

Anong oras?

*beep you have one mail beep*

From: 09099999999

12 midnight.

"Alexander," mabilis akong napatingin kay Julia. "Ano nang gagawin natin? I'm tired na."

Huminga ako ng malalim.

"Magpahinga na muna tayo. Bukas, pag-usapan natin nang maayos kung ano na ang susunod nating gagawin." sabi ko. Ngumiti naman si Julia at umakyat na kaagad sa taas.

"Sigurado ka Alexander?" tanong ni Ian. "Baka kasi mahuli tayo. Baka may nangyayari na palang masama kay Rhianne."

"Sigurado ako. Hindi naman siguro papatayin si Rhianne. Nararamdaman kong may kailangan pa siya kay Rhianne." sagot ko. Tumango naman si Ian at sabay sila ni Maxwell na umakyat sa taas.

Si Louisse nalang ang natira. Nakatingin lang siya sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"W-Wala." sabi niya. "Feeling ko lang may pinoproblema ka."

Umupo ako sa tabi niya at inakbayan siya.

"Ang pinoproblema ko ay kung saan natin hahanapin si Rhianne," sagot ko.

"Ang ibig kong sabihin ay feeling ko... may iba ka pang pinoproblema bukod doon," sabi niya.

"Wala nakong iba pang pinoproblema," diretso kong sabi. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

Huminga siya ng malalim. "Sana makita na natin siya. Sana ligtas siya."

"Oo. Para matapos na ang lahat ng ito. Gusto ko nang magpakasaya. Parati nalang tayo napapahamak." sabi ko.

"Tsaka para mapaalis na natin si Julia. Nakakainis. Ang arte arte talaga 'non." naiinis na sabi niya. Tumawa lang ako.

"Sorry kung nagselos ako noon ha. Ang bilis ko lang talaga mainis kapag si Julia talaga ang lumalandi sayo." natatawa niya sabi sabay yakap saken.

Napatingin ako sa oras. 10:00 na pala.

"Wala namang malandi kung walang magpapalandi," sabi ko.

"Alam ko namang hindi ka magpapalandi eh," sabi niya. Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya saken.

"Tara, tulog na tayo," sabi ko. Para makaalis ako mamayang 12:00 nang hindi niya nalalaman. Sumang-ayon siya at sabay na kaming umakyat sa taas. Bago siya pumasok sa kwarto niya ay humarap siya muli sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman ngayon?" tanong niya. "Bakit parang may mangyayaring masama?"

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" natatawa kong sabi. "Walang mangyayaring masama. Kakayanin natin 'to."

Ngumiti siya at tumango. "Wag mokong iwan ha?"

"Oo. Hinding hindi kita iiwan."

=x=x=x THIRD PERSON's POV x=x=x=

12:00.

Dahan-dahang lumabas si Alexander sa bahay nila. Sumakay siya sa kotse at nagdrive papunta sa school nila.

Ilang minuto lang ay nakarating na siya sa school. Pinarada niya ang kotse at naglakad papunta sa likod ng school.

Bumilis bigla ang tibok ng puso niya.

Makikita niya na ba ang kumuha kay Rhianne?

Pagdating niya sa likod ng school ay walang tao. Naglakad siya papunta sa gitna ng bakanteng lote.

'Nasaan na siya?'

Ilalabas niya na dapat ang cellphone niya nang may narinig siyang gumalaw sa likod niya.

"Alexander."

Paglingon niya'y hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. May nakatutok sa kanyang kutsilyo.

"Ikaw ang nagpapunta sa akin dito?!"

_____________________________________________________________________________

Comment po sa baba yung mga taga-laguna diyan :)) See you sa book signing ko sa Canlubang, Laguna! :D sa October 18 na!

- Onneechan

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon