Chapter 21 - Anger

Start from the beginning
                                    

Humarap ako sa kanya. Mapagkakatiwalaan ko nga ba talaga si Shane?

"Nakita ko siya.." panimula ko.

"Nakita mo siya?! Kailan? Saan?" tanong niya.

"Hindi ko alam. Basta alam ko na nanggaling siya sa loob ng bahay namin. Hinabol ko siya. Hanggang sa maabutan ko siya sa isang madilim na eskinita. Alam kong nakita niya ako. Alam kong alam niya na hinahabol ko siya." tumingin ako sa bintana ng kwarto ko. "Bakit niya ako tinatakbuhan? Bakit ayaw niyang magpakita sa amin? Ganyan na ganyan ang mga tanong ko. Pero walang kwenta lahat ng mga tanong na yan sa susunod na ginawa niya sa akin."

"Anong ginawa niya?"

"Naramdaman kong may tumusok sa binti ko. Isang maliit na kutsilyo. Alam kong siya ang may gawa 'non." Napapikit ako. Ang sakit.

"Bakit naman gagawin sayo ni Rhianne 'yon?" gulat na tanong niya.

"YUN NGA RIN ANG INIISIP KO. Bakit ginawa sa akin ni Rhianne 'to? Ano bang kasalanan ko?" sigaw ko.

"Hinanap namin siya. Ilang araw kaming nagpunta kung saan saan para mahanap siya. Tapos ganito gagawin niya? Tatakbuhan at sasaktan? Bullsht." tinalikuran ko si Shane. Inis na inis ako. Puno na ng galit ang puso ko.

Naramdaman kong may yumakap sa likod ko. "Shh.. Nandito lang ako."

Napasimangot ako.

"Hindi kita iiwan. Hindi ka namin iiwan."

Tumulo na ang mga luha ko. Ganyan ang sinabi ko noon kay Rhianne. Noong bago siya mawala.

"Wag mo akong iwan." bulong ko. "Please."

=x=x=x LOUISSE x=x=x=

"Okay na ba mga sugat mo? Masakit pa ba?"

Napaismid nalang ako sa mga tanong ni Julia kay Alexander. Siya may kasalanan nito.

"Hindi naman magkakaganyan si Alexander kundi dahil sayo." inis na sabi ko.

"Oo na nga. KASALANAN KO NA NGA." mataray niyang sabi.

"May boyfriend ka naman pala eh, bakit kasi nanggugulo ka pa dito." sabi ko.

"Ew. FYI, hindi ko boyfriend 'yon. Stalker lang talaga 'yon."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Psh. Stalker daw. Feeling maganda." bulong ko.

"Tumahimik nga kayong dalawa." saway ni Alexander. "Lalong sumasakit ulo ko dahil sa niyo eh."

Tumayo siya at nag-unat. "Tara na."

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Babalik na tayo sa ospital." sabi niya.

"Hindi ka man lang ba magpapahinga?" tanong ni Julia.

Lumabas na ng bahay si Alexander dala ang susi ng kotse niya.

------------------

Pagdating namin sa ospital ay nadatnan namin si Ian sa labas ng kwarto ni Maxwell.

"Oh, ba't nasa labas ka?" tanong ko. Tumingala siya at sinara ang binabasa niyang dyaryo. Mukhang inaantok na siya at pagod.

"May bisita si Maxwell eh." sabi niya. "Buti naman at dumating na kayo. Gustong gusto ko nang maligo at matulog."

"Sino bumisita kay Maxwell?" tanong naman ni Alexander.

"Si Shane." matipid na sagot ni Ian.

"Oh? Close pala sila." sabi naman ni Julia at umupo sa tabi ni Ian.

"Guys, uwi na ako ha? Magpapahinga na. Kayo na muna ang bantay kay Maxwell." paalam ni Ian.

"Isama mo na si Julia. Mukhang pagod na rin siya. Kami na muna bahala dito ni Louisse." utos ni Alexander. Tumango si Ian. Tumayo naman agad si Julia at sumunod kay Ian.

Nagkatinginan kami ni Alexander. Close pala si Shane at si Ian? Lumapit ako sa pinto ng kwarto ni Maxwell at unti-unti itong binuksan.

Teka.

Nanlaki ang mata ko. Napasimangot ako.

Bakit nakayakap si Shane sa likod ni Maxwell habang tulog silang dalawa?

"Louisse?" rinig kong tawag sa akin ni Alexander. "Bakit? Anong meron sa loob?"

____________________________________________________________________________

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now