O.O

"Claire! Kung maka batok lang wagas?"

"Kanina pa kaya ako andito. Ang lalim ng iniisip mo muntik na akong malunod"

"Sorry, pilit naman akong umaahon eh sandyang may humahatak lang"

"Ang lakas siguro ng Humahatak sayo. Kahit Anong pilit ko hindi kita ma ahon. Mas malakas siya kaysa sa akin"

"BWAHAHAHA" Sabay na lang kaming natawa. Lalim ng Hugot eh

"Crazy, so ikaw Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Ka gulat lang kasi na andito siya. I'm sure para puntahan si Ashley pero bakit? Hindi naman siguro sila mag aaway diba

"Ahm may nag papa-bigay kay Ms Ashley. Important daw tapos dapat ako daw mag abot, ang weird nga eh. Pero in fairness nag iimprove na ang pananamit mo, kaya pala and dami ng may crush sayo dito eh. Cutie Adorable gorgeous Nerd yun tawag nila sayo. Pretty pogi ba, mas maganda ka pa kasi sa ibang babae"

"Whe. Ganon ba ka pangit ang fashion ko dati?" Ang simple na lang kasi ng mga suot ko, Hindi na yung parang rainbow kasi makukulay, ngayon white gray or black na lang na plain.

"Hindi naman hahahaha, basta mas cute ka na ngayon pretty pogi ka na talaga"

"Salamat hahahaha, ikaw din ang cu-"

"ARAY" yung totoo bakit lagi na lang akong nasasaktan

-_-"Ops sorry, naka harang ka kasi sa pintuan kung hindi ka ba naman stupid"

Mukang Magaling na ah, nag susungit na naman kasi.

"Hello Ms. May nag papa abot po" Binigay na nito ang bulaklak na naka lagay sa paso. Hindi na nakaka gulat na hindi niya ito pinansin kaya si April na lang ang Kumuha.

"By the way Stupid, Ang pangit mo padin"

"Pangit daw, eh libangan mo nga ang labi ko"

-_-"Excuse me?"

"Wala, sabi ko sobrang ganda niyo hindi tayo bagay at buti naman at okay na kayo ulit. Tara na Claire sabay na tayo bumaba" Hinawakan ko ang kamay ni Claire at hinila pa alis. Bahala siya. Wala na akong pake kung siya ang Boss edi tanggalin niya ako kung gusto niya

"Wait! I'm the Boss kaya ako ang ma uuna! Ayoko kayong kasabay! And No PDA!"

Hindi ko ito pinansin at tuloy tuloy na pumasok sa elevator.

"Uhh! I hate you!" Sungit papasok din pala

"Ahm wait! Claire pwede pa help bilis! Una na kayo Ms Ashley and Kaylin!"

O.O

"What the! April!" Bago kasi mag Sara ang pinto ay hinila niya si Claire palabas. Kaya eto dalawa lang kami ngayon. Kainis nasa 30th floor kami at sa ground ang punta ko

*croo

*crooo

*croooo

-_-

Bakit ang tagal ata ng elevator na to! Nasa 26th floor palang kami!! Kainis ang tahimik naririnig ko na ang tibok ng puso ko

*ting

"Eh ang cute naman kasi talaga ni Kaylin diba? Pag nakita ko siya yayain ko siya lumabas!"

"True! Ngayon ko lang napansin ang pogi niya kaya pala na fall din si Ms Ashle-"

O.O"Maam! So-sorry p-po" Napa hinto sila sa pag chi-chismisan ng ma pansin kami sa loob. Ganon ba kalaki ang pinag bago ko? Parang damit lang eh. May glasses padin naman ako at gulo gulo ang buhok.

I'm not a HETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon