Pasensya na kung marami akong alam. Wala naman sigurong tao ang hindi nakakakilala sa kanila. Kahit sa TV lang namin sila nakikita ay sapat na iyon para makilala namin sila.

Kaya Grabe lang. Para akong hindi makahinga lalo na't malapit lang kami ni Annie sa stage. Last year pa nagkaroon ng concert ang Dadalian pronounce as (Da-dal-yan) at sayang lang dahil hindi kami nakaabot dahil nagkaubusan na ng ticket. TBH, Isa kasi ako sa mga fans nila! Uwahhh. Gusto ko lang maiyak! Kaso dapat kalma lang.

Bumalik lang ako sa aking tamang wesyo ng maramdamang sinasapak ako ni Annie sa balikat ko at ang lakas grabe.

“ARAY!”reklamo ko sakanya.

“SORRY NA BES! KININDATAN KASI AKO NI NATHAN EH! YUNG ASAWA KOO!!UWAHHHH!!NATHANNNNNNN!!” tili n'ya sakin at tumatalon talon pa habang nakataas ang dalawa nyang kamay.

Kaya napangiwi ako ng tumili s'ya. Magkatabi lang naman kami.

“WAG KA NAMANG TUMILI SA TENGA KO, ANN!”

Napailing ako. Si Nathan pala ang bias n'ya na isang visual sa grupong UNI-4.

Hay naku. Pasensya na. Ang ingay kasi ng buong Auditorium. Parang nag coconcert lang kaya't kailangan sumigaw para magkarinigan kami.

Bago pa kami mabingi, nagsalita na ang Principal naming si Sir Sid.

“Good Morning student?!Please take your seats and all ears on me.”

Lahat kami ay natahimik at excited na nakinig. Yung iba naman ay umayos na ng upo kasama na soon si Annie. Lahat ng mga bisita sa stage ay may mga upuan na at nakaupo narin. Tinuon ko na ang aking atensyon kay Sir Sid.

“Today. We have our very very special visitors from Ongaku High to come and visit our school and hindi lang iyon. Narito sila upang ipamahagi sainyo ang kanilang Aktibidad. Ano iyon? Then Please help me welcome Mrs. Nathalie Park!”

Agad nag hiyawan ang mga estudyante. Tumayo ang nasa edad 45+ na babae'ng kulay rosas na damit at above the shoulder na buhok. Ngumiting hinawakan ni Mrs. Nathalie ang microphone.

“Good morning! Since you already know me, i will not introduce myself again hence I will be heading forward or heading straight to the point. We, from Ongaku High will conducting our Grand Audition for the next future Artists and Idols. We gladly invite you all to join and we don't know. Maybe one of you luckily become an Artists or an Idols just like them.”tinuro ni Mrs. Nathalie ang mga Boygroups na kinatili ng mga schoolmates ko maging ang kaibigan kong si Annie.

“But—”natahimik ang lahat at napatingin kay Mrs. Nathalie.“—If one you luckily become and artist or Idol, it means some of you cannot be one of them. Kung sa tingin n'yo impossible'ng maging isang Idol or Artist ang katulad n'yo, why don't you look at them? They are also a students  just like you before. I know all of you dream to become an Artist. Correct me if I'm wrong... So, I suggest that if you really want to be one of them, give the best that you could do..”

Syempre. Lahat gagawin para makamit ang gusto mo. In this case, hindi lang ako fangirl ng Dadalian. Dream ko din maging isang Idol na katulad nila. Imposibble man noon ang pangarap ko, dahil sa Ongaku High alam kung magiging possible ito. Kaya't hinding hindi ko papalampasin ang pagkakataong ito. Matagal ko na itong hinihintay.

Before Mrs. Nathalie end her speech, she say something that keeps on running on my head.

“And do not fall In love.”

+++

“IMPOSIBLE naman siguro ang sinasabi ni Mrs. Nathalie. Don't Fall In Love? Kalokohan. Naiisip ko pa ngalang na pagsuswerterhin tayo sa audition at makapasok, ibig sabihin nun makakasalamuha na natin ang mga bias natin. At habang iniisip ko yun talagang mababaliw na ako. At isa pa, sasali din ang crush kong si Kevin. Jusko maryosep bes... Ewan ko nalang.”

Para akong tae na basta basta nalang nagcollapse sa higaan at nakangiting nakatingin sa postcard na may perma ni Denver na lider ng Dadalian. Nandito pala kami sa kwarto ko. Pagkatapos magsalita ni Mrs. Nathalie, namigay ng invitation card ang bawat membro ng grupo kaya't nagkaroon kami ng pagkakataong magpaautograph at makapagpapicture. Sayang lang kasi nasa bag yung cellphone ko kaya't ginamit ko yung cellphone ni Ann.

“Hoy bruha! Nakikinig ka ba? Hay naku. Mabuti nalang talaga at dala ko yung cellphone ko. Ang saya. Prinofile ko kasi sa fb tong picture namin ni Nathan my labs at biruin mo? Umabot ng 2k yung likes. At 1k  na shares? Di ka ba magpapaautograph kasin bes? Sikat na ako.HAHAHAHA”
Grabe talaga itong si Ann. Walang preno kung masalita.

“Hay naku. Isipin mo nalang kung anong gagawin natin sa Audition. This week na kaya.” Kaya namomoblema ako at kinakabahan. Hindi ko din kasi alam kung anong gahawin ko. Sasayaw ba ako o kakanta. Kaso nga lang may stage fright ako.

“Oo nga noh? Duet kaya tayo bes?”

Sasagot na sana ako kaso may kumatok sa kwarto ko.

“Nak?Annie? Nandito na Mommy mo. Sinusundo ka na.”

“Oh pano ba 'yan bes, una na ako. Kita nalang tayo sa school. ”

Tumango nalang ako at hinatid siya sa baba. Nang makaalis na si Annie, kaagad akong nagtungo sa kwarto ko at kinuha yung gitara ko na nakatago sa kabinet ko. It's been a while...

Ongaku High: Chasing DreamsWhere stories live. Discover now