Chapter One

1.4K 143 126
                                    


Chapter 1: Invitation

AS the Bell rang, kaagad nagsilabasan sa kaniya kaniyang silid ang mga estudyante pawang mga preso na nakawala sa kanilang kulungan.

Shit!Today is the Day! Hindi ko lubos maisip  na ngayon ang araw ng aking pinakahinihintay. 

Talagang na eexcite na akong lumabas ng room.

Hindi ako dapat mahuli. Mabilis pa sa alas kuwatrong niligpit ko ang mga gamit at patakbong lumabas ng room. Iniwan ko nalang ang bag ko sa room at nakitakbo na.

Shit!

Hindi na nakakagulat ng makitang lahat ng mga estudyante sa ibang mga seksyon ay kanya kanya ring takbo pababa ng hagdanan makapunta lang sa Auditorium. Nagsiksikan pa sila sa hagdan kaya no choice ako kung hindi ay makisiksik narin.

Wait. Kung bakit nagkakaganito kami ay malalaman n'yo mamaya.

***

HINIHINGAL akong nakapasok sa auditorium. Shit. Ang dami ng estudyanteng nakaupo sa unahan. Halos lahat ng mga upuan ay occupied na. Nakakapagtaka lang dahil kahit malaki ang aming Auditorium ay halos mapuno na ang mga upuan at may mga paparating pang iba. Patay, Asan na ako uupo nito? Ayoko pa naman sa likod kasi malayo sa stage. Kung sinuswerte ka nga naman. Far sighted ang lola nyo.

“BES!BES!DITO!”

Napalingon ako sa harapan kung saan may kumakaway sakin at nakita ko ang aking bff na si Annie Andress.

Hay salamat!Nakahinga rin ng maluwag.

Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi n'ya. Magkaiba pala kami ng subject sa umaga kaya't hindi kami magkasama which is sad kasi wala akong ibang kaibigan sa morning class at mabuti na lang ay nauna ito sakin dahilan upang ma reserbahan ako ng upuan sa unahan.

“OMG Sis. Kinakabahan ako at naeexcite na rin! Sasali ka naman diba?” bungad  sakin ni Annie ng makaupo ako.

Di naman halatang excited s'ya guys.

Sa hindi malamang dahilan, pumintig ng malakas ang dibdib ko at nanlamig ang mga kamay ko. Shit, Errie kalma.  Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan sa lagay namin?

Napahugot ako ng malalim na hininga. Iniisip ko palang na tatayo ako sa harap ng tao ay kinakabahan na ako, paano nalang kung nangyari na?jusko. Ako'y iyong tulungan.

“Oo sasali ako. Kaya nga kinakabahan din ako eh. Tsaka alam mo na. May stage fright ako”

Inakbayan ako ni Annie. “Bes, don't worry. Wag mo munang isipin 'yun. I enjoy nalang muna natin 'to. Ok?”

Tipid akong ngumiti. Ang ingay ng buong auditorium ay unti-unting humihina. Natigilan ang lahat sa pag-uusap ng makita kung sino ang mga taong pumapasok ngayon paakyat ng stage. Napalitan ito ng tilian at sigawan ang loob ng buong Auditorium.

***

Hindi ko mapigilang ma starstruck. Jusko!

Shit!Nandito lang naman ang mga Membro ng Sikat na Boygroup na Cloud-9 na may siyam na membro, UNI-4 na may apat na membro at DaDalian na may Pitong Membro. Hindi lang din iyon. Nandito din ang dalawang Manager ng magkaibang Entertainment na sila Mr. Hanzu Nikamoto (HN Entertainment)at Mr. Han Kim (KS Entertaiment). Kasama din nila ang May-ari ng Ongaku High. Si Mrs. Nathalie Park na isang half Korean-Japanese at ang dalawa pang lalaki na sa pagkakaalam ko ay mga Dance Instructor at Producer.

Ongaku High: Chasing DreamsWhere stories live. Discover now