Chapter 16

45.9K 1.3K 79
                                    


Chapter 16

    Nanatili akong tahimik habang nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi na naman niya ako kinulit tungkol sa relasyon namin ni Iverson.

'Silent Fucker'

   Iyon talaga ang terminong tumatak sa isipan ko. Akala mo ha? Hindi mo ako mauuto diyan sa mga pa sweet mo lalo na't may tumistigo tungkol sayo. Kaya pala talaga mabilis!

   Kaya pala master na master niya ang pang aakit. Dapat pa nga hindi na ako magulat pa. Hindi na bago ito. Napailing na lang ako habang iniisip kung paano ko tutorturin ang lalaking iyon.

    Iyong dahan dahan ba? O 'yung biglaan? Dapat talaga yung malalasap niya ang sakit. Akala niya mahuhulog ako sa patibong niya? May pa wife-wife pa syang tawag sa aking nalalaman? Ha! Ang kapal! May pa piggy back ride pa. Dami niyang alam.

"By the way, I am not saying this dahil sinisiraan ko siya sayo. Ang akin lang ay sayang ang ganda mo tapos mapupunta ka lang sa tulad niyang gago."

"I am saying this as a woman, too. Alam kong baguhan ka palang sa paaralang ito at hindi mo pa kabisado ang akademyang ito."

"At kung pinalalayo kita kay Iverson, lalong lalo na kay Ivronsen. Nakikita ko kasing interesado nga sayo ang gagong din iyon. What he wants, he always gets, 'yan ang motto niya. Siya naman ay kasalungat ni Iverson. If Iverson is a Silent Fucker, then Ivronsen is the loud one. Maraming beses ko na iyong nahuli na may kachukchukan kaya palaging nadedetention 'yun. He is not an exemption of Iverson's rule even if he's his twin."

"Let me warn you also. Tatlong taon na ang nakalipas nang magsimula ang hidwaan sa pagitan nila ni Iverson. And that's when the people of West Cannon was divided. Nabuo ang dalawang patron. Walang nakakaalam kung ano ang dahilan. Basta ay nagising nalang kami isang araw na hindi na sila nagpapansinan. Kumbaga, Cold War."

"Kaya girl, mag ingat ka. Dalawang McGregor means world war III," pahabol pa nito. Napakurapkurap na lamang ako sa mga sinasabi ng sekretarya. Putek, sa sobrang daldal niya ay hindi ko na kailangang magresearch pa.

"Ang mabuting pagpilian na medyo mabait sa kanila ay si Kenshin, Maximillian at Raphael. Iyon lang ang hindi ko pa nakikitang maraming babae. Kung mayroon man ay pumapasok talaga sila sa isang relasyon. Hindi bale nang three months or less ang duration ng relasyon, basta ba hindi ka lang gagawing fling."

    Sa tingin ko nga ay medyo mabait ang mga 'yun base noong una kaming nagkakilala. Pero... hindi ko sila type, eh. Pass.

    Dahil sa labis na pag kaabala ko sa pag iisip ay nakabangga ako. Tumama ako sa matigas na dibdib ng isang lalaki kaya napapikit ako sa sakit. Muntik na akong tumumba kung hindi niya lang nahawakan ang bawang ko at inalalayan ako. Nahulog yung suot na salamin ko at nahulog din ang dala niyang mga libro.

"Im sorry, Ms," hinging paumanhin nito at pinulot ang librong nahulog. Kumabog ang dibdib ko sa kaba nang marinig ang boses niya. Napaatras ako at nanlaki ang matang tinignan ang lalaking nakayuko.

"Ms?" tawag niya nang tuluyan na siyang makatayo at maiayos ang nahulog niyang gamit.

  Nanatili akong gulat habang nakatingin sa mukha ng lalaki, sinusuri ang kabuuan niya na malaki na ang ipinagbago mula nang huli ko syang makita. Ilang taon na ba ang nakalipas mula nang huli ko siyang makita?

   Bakit? Bakit ngayon pa na hindi pa ako handang harapin siya? Agad na uminit ang gilid ng mata ko habang nakatitig sa kaniya.

    Athena also stopped from her tracks. She went to the other side sensing the rising tension.

    Nang tinignan niya ako ay nanlaki rin ang mata niya, sinasalamin ang gulat kong ekspresyon. Umawang ang labi niya at nanginginig ang kamay na itinuro ako. Ilang sandali pa ay naisip kong pilitin ang sarili na mahimasmasan.

   Masyado kong ipinapakita ang emosyon ko sa kaniya kaya inayos ko ang salamin ko at tinignan ito ng malamig. Biglang rumagasa ang nangyari sa akin noong pitong taong gulang pa lang ako. Mga alaalang parte ng madilim kong nakaraan. Napakagat-labi ako nang muling mabuhay ang galit na matagal ko nang ibinaon sa limot.

   I've promised a lot of times to myself back then. Nangako ako na kapag nakita ko sila ay hindi na ang dating Louie ang makikinita nila na ngingiti sa kanilang harap at sasalubungin sila. They made me strong, strong enough for me to finish my missions just because they became my motivation to survive.

   They did me a deep scar that would forever be buried beyond my soul. Being a person with no conscience and moral is not something that I'm proud of. But my hatred of them made me like this.

   They made me realize that being weak and merciful would only do me nothing.

  Nang malapit ko na siyang malampasan ay bigla niyang hinigit nang mahigpit ang braso ko.

"L-louie, paanong-?" ang una niyang tanong sa'kin na hindi niya pa maituloy habang ang ekspresyon sa mata niya ay naghahalo-halo. Kinunutan ko siya ng noo at iwinaklit ang kamay niyang bumabakat na sa braso ko.

"Bakit? Inaasahan mo bang namatay na ako?" sarkastiko kong tanong at sinalubong ang tingin niya.

  Umiling siya pero walang lumalabas na salita sa labi niya.

"Louie..." tawag niya sa akin. Muli ko siyang tiningan nang malamig.

"Hindi kita kilala," wika ko.

   Pero kilalang kilala ko siya. Kilalang kilala at kailanman ay hindi malilimutan.

"Louie, alam kong galit ka. Hindi mo na kailangan pang magkunwari," sa wakas ay nasabi niya. Namuo ang luha sa gilid ng mata ko pero sinikap kong magpakatatag.

"Galit? Ba't naman ako magagalit sayo?Wala namang dahilan diba?" kunyari ay hindi ko alam.

   Kunyari ay hindi ako galit. Humakbang siya palapit sa akin pero agad akong umatras. Ang mga mata ko'y puno ng pagkamuhi habang nakatingin sa kaniya.

"Louie... please," pagmamakaawa niya sa akin habang may namumuo na ring luha sa mata.

   Napasinghap ako para lunukin muli ang luha. Hindi dapat ako umiyak. Hindi dapat. Nangako na ako sa sarili ko dati na hindi na ako kailanman iiyak sa harap nila at magmukhang mahina.

"Louie... I'm sorry. I'm so sorry," saad niya habang unti unting dumadausdos ang luha sa pisngi niya.

  Nanlumo ako nang tuluyan na niya akong nayakap. Lahat ng pangako ko sa sarili ay halos makalimutan ko. Dahil hindi ko maitatanggi sa sarili kong namimiss ko siya at tanging ang mga katagang iyon lang ang gusto kong marinig. I hate myself for loving this feeling.

"Louie, pasensya ka na. Pasensya ka na. Hindi kita nahanap kaagad. Please bumalik kana sa amin. My princess, please come back home," bulong niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

  Tinignan niya ako ng deretso sa mata. Oh, how I missed his hug. How I missed his warmth. How I missed everything of him.

   His eyes that would dearly look at me when he sees me. His arms that would immediately embrace whenever I'm hurt. His warmth which would erase my fear whenever I am terrified.

"Louie, ang tagal kitang hinanap. I'm so sorry for dragging you to this hell."

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now