Chapter 8

52.3K 1.7K 109
                                    

Chapter 8

Iverson

    Katatapos lang ng practice namin at patungo na ako sa dorm ni Nemesis. Hinatid ko na kasi siya dahil naiinis na ako sa mga kasamahan ko na nagsimula nang magkamali ang mga steps sa kakatingin sa kaniya.

    She was looking at us with a straight face but she couldn't hide the glint in her eyes from me. Well, yes. I know how to get your attention, lady. Ito ang gusto mo.

   She was sitting lazily on the benches, secretly gawking. Her long black hair cascaded along her arms. Her pale white skin added more appeal to her chinky eyes. Like a typical Japanese woman.

" Balita ko swordsmanship pinili niya, ah?" Aguirre asked when we were cleaning the mirror room.

" Kaya niya bang buhatin ang katana?"

    Hindi sinasadyang natawa ako sa tanong ni Phallashton. Idiot. One lift of her sword and you'll gonna say goodbye to your dear life.

" Ey, ba't natatawa ka? Ano bang real score niyo?" Lopez curiously asked.

" She's my wife."

" You're kidding me," Oliveros in his shocked state commented. Tinaasan ko siya ng kilay.

" Is that impossible?"

" I could tell that it hasn't been long since you've known each other," Montenegro seriously added.

" Business is business, boys."

" Is that trully for business, though?" Fujiwara suddenly joined in. Napatingin ako sa kaniya at nginisihan lang ako nito, like he had known something.

    Before they could pry further, I left them at an intersection.

    Mabuti nalang at walang tao ngayon kaya malaya akong makakapunta sa dorm nila. We have this rule that no students from other sections and grade levels can enter a certain dorm without the whole section's permission. Well, maybe it's okay to violate the rule sometimes. I was the one who implemented it anyway.

   I walked stealthily towards Nemesis' door. Mayroon akong duplicate key sa dorm niya, ofcourse. Nang mabuksan ko ito ay sumalubong sa akin ang dim lights ng sala. Walang tao kaya marahil ay nasa kwarto niya.

"Karen, sinabihan na kita, diba? I-assign mo ang posisyon ko kay Hades. Hindi mo kakayanin nang ikaw lang," I heard her say. Kaya sa halip na lapitan sya ay pinakinggan ko muna siya.

   Sa totoo lang, napakasekreto ng mga impormasyon ng babaeng 'to na kahit ako, na pinakamagaling na hacker sa organisasyon namin ay nahirapan itong hagilapin. Sa bio nga niya, ang code name niya lang ang naroon. The rest are all files that are not found.

   I've only known the surface of her. She may look like a beauty with an empty mind because of her temper, pero talagang madadali ka ng kasabihang, " Don't judge a book by its cover". May magandang mukha at magandang alindog, pero hindi mo matutukoy agad ang totoong katauhan sa likod ng mga ito.

"Oo. Alam ko, Karen. Masyado ngang delikado na ipasa ko sa kaniya ang posisyon ko bilang CEO sa mga panahon na ganito pero wala akong magagawa. Nasa Pilipinas ako."

"Oo. Kung ang Nogasaka Media ay gagamit ng puwersa, hilahin mo rin ang mga tali natin. Oo, 'wag kang mag aalala, responsibilidad ko lahat 'yun. 'Wag ka nga kasing mag-aalala, kakasabi ko lang. Ako kasi si Batman este kaya ko ang mga tao dun sa media na 'yun. Sabihin mo lang sa akin kapag nagsimula na sila."

"Sige na. Ipasa mo na kay Hades. Ibinibigay ko na kay Hades Immanuel Villaruel ang awtoridad ng pharmaceutical company ko. Sabihin mo, kapag bumaba ang marketing sales natin, papasabugin ko ang bungo niya at ipapalapa ko siya kay Hiro," pahabol niya at narinig ko ang mataas na katahimikan. Marahil ay natapos na ang tawag.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon