"I'm Dwayne Jason Lopez."

"Raphael Vincent Phallashton at your service."

"Kenshin Ishimiyo Fujiwara."

Oh? The professor a while ago mentioned about a man named Kenshin who's ruling the swordsmanship sect, right?

"Chancellor Kane Oliveros, my lady."

"Maximillian Gabriel Aguirre."

Tumango ako lahat sa kanila kahit na hindi ko din naman talaga matatandaan lahat ng pangalan nila. Kumukuha lang ako ng basehan para matandaan ang pagmumukha nila.

"Magsimula na tayo," ang malamig na boses ni McGregor ay pumailanlang. Napakurap kurap ako at mabilis na umupo pabalik. Ayun na naman iyong tingin niya na tahimik akong pinapatay.

Tahimik ko na lamang silang pinagmasdan at hinintay ang pagsisimula. Nasa gawing harapan ko ang full length wall mirror kaya kahit na nakatalikod sila sa'kin mamaya ay makikita ko pa rin sila sa repleksyon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement dahil makikita kong sasayaw si McGregor.

Hindi nga nagtagal ay nagsimula na sila. Nakapagbihis na sila sa kani-kanilang komportableng suot. Silang lahat ay nakasuot ng sando, iba iba nga lang ang style at kulay. Nakapares din ang mga jagger nila at mga pangmalakasang sapatos. Wow! Puro limited edition.

Alam niyo iyon? Para akong demonyo na pinapalibutan ng mga anghel. Ehe.

Matapos silang makapagset up ay pumunta na sila sa kani-kanilang puwesto. Sandali kong nakalimutan ang kahihiyan ko. Tuwid akong napaupo at taimtim silang tinignan. Umalingawngaw ang isang music at nanlaki ang mata ko. Rhythm Ta ng Ikon! Omg!

Sa una pa lang na mga galaw ay napanganga na ako. Parang nakikita ko sa personal ang dance practice ng Rhythm Ta. Shit talaga. Marupok po ako!

Hindi siya ngumingiti pero sapat na ang aura at cool niyang mga galaw para mapahanga ako ng todo. Ang paraan ng pagsayaw niya ay sumasakto lang talaga sa bawat ng beat ng musika. Madamdamin siyang sumasayaw. At ngayon ay hindi ako makapaniwala na may ganitong talento si McGregor!

Nakadiskubre na naman ako ng isang klaseng pagkatao ng lalaki. At ngayon ko lang napagtanto na estranghero nga pala kami sa isat-isa. Nagpakasal kami na hindi pa kilala ang kapwa para lang sa isang layon.

    Am I judging him the wrong way? Am I overreacting? I mean, it's not easy for me to also adjust in our situation. Maiintidihan niya kaya kung bakit ganito ako?

Wala akong alam sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Napailing na lamang ako at ipinilig ang ulo. Mabuti pa sigurong manood nalang ako at huwag sirain ang magandang view.

Sa bawat paraan na gumagalaw ang mga muscle niya ay napapalunok ako. Dahil unti-unti na silang pinapawisan ay dumidikit sa bandang tiyan nila ang kanilang damit kaya bumabakat ang mga abs nila.

Mahabaging Diyos, ako'y isang babae lamang at mas nagagandahan pa sa view. Napakalamig kanina pero parang nasa tabi ko ang Bulkang Mayon at sinasabayan akong panoorin sila.

Napahawak ako nang mahigpit sa laylayan ng damit ko para mapigilan ang sarili na hindi gumawa ng ingay. Pwera lang kasi sa sapatos nilang tumatama sa sahig at ang music ay wala nang ibang ingay pa ang maririnig.

    Alam niyo iyong sitwasyon na gusto niyong tumili pero hindi niyo magawa? Paimpit ka nalang talagang kakagat sa labi mo para hindi ka masupalpal ng hiya.

Sa sobrang pagkawili ko sa kanila ay nakalimutan ko na lamang na nasa isang practice pa ako. Ni wala akong maling nakita sa galaw nila. Walang nalate at wala ring nauna. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako nang makita ko ang repleksyon ko sa katapat na salamin kaya muli akong bumalik sa pagiging seryoso.

Pagkatapos ng dalawamput-limang minutong sunod sunod na practice nila ay nagpahinga sila. Kapwa silang hinihingal at hinahabol ang hininga. Tagaktak ang pawis sa noo nila at basang basa ang suot na damit kaya ang iba sakanila ay naghuhubad. Titingin pa lang sana ako sa mga katawan nila pero isang kamay ang tumabon sa mata ko.

" Nice! Titignan ko ang video mamaya."

"Ano ba!" naiinis kong sabi at pilit na tinatanggal ang malaking kamay nito.

"You're not allowed to look at another man's body," aniya at napaawang ang labi ko. What?!

"P-pero -"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita kong naghubad siya ng damit niya at saka pinaharap ako sa kaniya. Napatigagal ko at hindi makapaniwalang tinignan siya. Nakarinig din ako ng pagsipol at pagbungisngisan sa kabilang kumpol.

    Talagang nilalamon na ako ng hiya! Ano ba, McGregor!

   
"Is my body not enough to satisfy you?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay.

" A-ano bang pinagsasabi mo? May tinignan lang ako!"

" Anong problema diyan, Iverson?"

   Biglang lumapit si Fujiwara sa amin at naka top less din. Oh, Lord. God is making a way to let me see! Napakurap kurap ako ng mga mata nang makita ang matalim na titig ni McGregor.

" Nanadya ka ba? Umalis ka nga!" pagdabog ni Iverson sa kasama. Tumatawa-tawa na lumayo ang kasama nito at naghalakhakan na naman sila.

   Inutusan naman niya ang mga kasamahan niya na magbihis at saka pa lamang niya ako hinayaan na tumingin sa mga ito. Nakita ko naman ang mga kaibigan niya na napailing at napapangisi.

"Open the bag," utos niya at may isang bag na inilapag sa harap ko. Sumandal siya sa pader habang nagtataas-baba ang dibdib niya, hinahabol ang hininga. His sweats were screaming to me to wipe it. Ano ba! Ayaw ko nga!

"Get a towel and wipe my sweat," muli niyang utos at matalim ko siyang tinignan pero hindi niya ako pinansin.

" Iverson," ilang sandali pa ay hindi ko na siya mapigilang tawagin.

" Hmm?" he hummed. " Do you still want to see my body?"

" Umayos ka nga! Magtatanong lang ako tungkol sa area of specialization sa sports daw. Hindi ko alam na may ganito rito."

" Wala bang ganyan sa Japan?"

" Mayroon naman pero more on historical doon, eh. Swordsmanship at archery lang inintroduce nila. You know that they prefer to still follow the process of the old time."

" Well, here if you want to opt in to other sports that's fine. What did you chose anyway?"

I pouted my lips and looked at him," Swordsmanship pa rin."

" Isn't that too easy for you now? Why don't you try other weapons like guns?" kuryoso niyang tanong.

" It's not like I dont know how to use guns. My patience is shorter than a gold fishes' attention span kaya mas delikado sa akin iyon. Mas madali kasing gamitin ang baril kaya baka..."

   Hindi ko na itinuloy ang litanya ko at nagkibit balikat nalang. Narinig ko siyang humalakhak.

" Whatever you like, baby."

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now