Wattpad Original
Te quedan 6 partes más de forma gratuita

PROLOGUE

1.6M 28.2K 4.1K
                                    

WARNING: DON'T READ THIS STORY IF YOU CAN'T HANDLE DEPRESSION OR SENSITIVE TOPICS OR MATURE CONTENT.

PROLOGUE

MALAKAS NA napaigtad habang impit na umiiyak ang batang babaeng nakaluhod sa sahig habang pinapalo ng sinturon ng kanyang ama. Pilit nitong pinipigilan ang hikbi na gustong kumawala sa bibig nito pero hindi nito magawa 'yo.

Ang walang imik nitong pag-iyak ay nauwi sa mahinang hikbi at pagkalipas ng ilang segundo, pumalahaw na sa iyak ang bata dahil hindi na sinturon ang pinalo sa kanya kung 'di mahabang pamalo na gawa sa kawayan.

Bawat hampas ng kawayan sa katawan ng bata ay nagbibigay ng hindi matatawarang sakit. Bawat hampas ay palakas nang palakas hanggang sa nag-umpisang manlabo ang mata ng bata.

"Hindi ba sinabi ko na sa 'yo!" Malakas na pinalo ang bata sa hita gamit ang kawayan. "Huwag na huwag kang lalabas ng bahay! Ilang beses ko bang dapat sabihin 'yon sa 'yo para makinig ka?!"

Nakakuyom ang kamao ng batang umiiyak habang hilam ng luha ang mukha na umiiling. "H-Hindi p-po ako l-lumabas, D-Daddy." Humihikbing sagot niya. "H-Hindi ko po k-kayo s-sinuway—"

Isang malakas na hampas ng kawayan sa mga binti ng bata ang nagpatigil dito sa pagsasalita. "Sinungaling! How many times do I have to tell you not to lie to me, huh?!"

"B-but D-Daddy—"

"Shut up! Shut up!"

Mariin na lang na ipinikit ng bata ang mga mata na hilam ng luha at sakit habang humahampas sa musmos nitong katawan ang kawayan.

Sa hita. Sa paa. Sa likod. At sa mga braso. Nakapagtataka kung bakit nakakaya pa ng bata na mabuhay pagkatapos saktan ng sarili nitong ama.

"S-sorry, Daddy," umiiyak at nangangatal ang boses ng batang humihingi ng tawad. "Sorry, Daddy. S-sorry. S-sorry."

Pero bingi ang ama nito sa paghingi ng tawad ng anak na walang awa nitong sinasaktan. Bulag din ang ama sa mga sugat na natamo ng bata dahil sa kawayan na hinahampas dito. Walang pakialam ang ama sa dugong dumadaloy mula sa mga sugat ng bata na nagmamakaawa rito.

"T-tama na p-po, D-Daddy. T-tama na. T-tama n-na—h-hindi n-na po a-ako uulit. H-hindi k-k-ko n-n-na p-po k-kaya."

Hindi na mabilang ng bata kung ilang beses na itong hinampas ng kawayan at sinturon. Sa sobrang sakit ng nararanasan nito ay namanhid na lang ang katawan at nawalan ng malay.

Humahangos na napabalikwas ng bangon ang dalaga mula sa masamang panaginip na gabi-gabi siyang hindi nilulubayan. Habol ang sariling hininga na pinalibot ang kabuunan ng silid na kinaroroonan, sinusuri ang paligid habang malakas ang kabog ng dibdib.

I'm alone. Calm down. I'm alone.

Nang masigurong walang tao sa kwarto maliban sa kanya, nakahinga siya ng maluwang saka napabaling sa pulsuhan niyang namamanhid sa sakit.

Pulang likido. Nababalot niyon ang pulsuhan niya pero wala siyang pakialam.

Hindi na 'yon bago sa kanya. Hindi na bago na makitang dumudugo ang pulsuhan niya pagkatapos niyang hiwain 'yon. Of course, it's nothing new. Wala ng bago sa ginagawa niya sa sarili. She'd done it a hundred times already, but she was still alive.

Why can't I just die, already?

She could slit her wrist, but she can't seem to kill herself. She tried over and over again, but each time, she wakes up alive in a hospital. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang patayin ang sarili samantalang wala namang dahilan para mabuhay siya. Walang dahilan para gumising pa siya sa umaga at harapan ang bukas.

Desiring HerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora