Series #1

7.5K 28 1
                                    

Naglalakad ako pataas ng third floor. Imbis na gumamit ng elevator ay mas ninais ko pa na maghagdan.

Ayaw ko kasing makisabay sa mga estudyante na parang didikit na ang nga mata sayo.

I hate attentions but don't ignore me.
Isa akong bagong salta sa school kung saan hindi ko alam ang mangyayare sakin dito.

Nandito ako sa isang misyon kung saan pinakamahirap ay hanapin ang taong may hawak ng lahat lahat lahat ng importanteng bagay na matagal nang pinag aagawan at hinahanap sa Academy na ito.

Ang Purple Academy ay hindi lang isang school kundi may mga dormitoryo kung saan nahahati ang mga grupo ng mga gangster, mula sa high class hanggang sa middle class.

Isa lang ang dapat puntahan ko ngayon, ang dean office.

Nang makita ko na sa Third Floor ang kaduluhang office ng dean ay pumasok ako doon.

Nakakatuwang sa Dean's Office ko dapat kunin ang schedule, key of room, at ilang requirements. Hindi ba dapat sa admin na lang?

Kumatok ako bilang paalala na nandito ako.

"Come in!" sabi nya sa isang microphone na maliit sa kanan.

Bumukas ito at bumungad sa akin ang isang babaeng naka croptop sando at highwaisted skirt. Kininditan nya ako pero ngumiwi lang ako.

Kabit ba sya ng dean? That's bullshit.

"This is your key, magkasama tayo sa kwarto, eto rin ang schedule mo, magka sched tayo, at ito naman ang ilang requirements mo na dapat mo ipasa bago mag umpisa ang klase sa susunod na tatlong araw." walang hinga hingang sabi nya.
Sumulyap ako sa Dean na kung saan nakatalikod at nakaupo sa swivel chair nito.

"Mr. D. aalis na po kami." paalam nya. Nanatili akong tahimik.

Nag gesture lang ang Dean bilang paalam. Weird.

"Wag ka na magtaka, hindi nagpapakita ang Dean sa lahat." Anya bago kami pumasok sa isang kwarto kung saan walang saplot na damit ang mga limang babae dito.

MADAMI KAMI SA KWARTO?





Purple Academy Series #1
Calei Ashiteki
Shaia Ty

By: Moreyna_

Calei Ashiteki (Purple Academy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon