Babe mo mukha mo!

    Ilang sandali pa ay nasa gilid ko na siya. Umaalingasaw ang bango nito at ang sakit sa ilong ng pabango niya!

"You need me to be your tour guide."

   Sino bang may sabing hindi? Hindi ko siya pinansin at pinauna siyang maglakad.

   Siguro dahil oras na ng klase kaya wala nang kahit sinong naglalakad sa hallway. Napakatahimik ng paligid kaya nagmumukha itong ghost town. Ang hallway lang naman na walang classroom ang tahimik dahil ang kada silid na nalalampasan namin ay tinalo pa ang palengke sa sobrang ingay.

"As the principal of this school lets his grandson rule it, we should follow his orders. Sa katunayan nga ay halos siya na ang namamahala sa akademyang ito," nagsimulang magsalita ang lalaki. Sinulyapan ko siya at nakita kong nakangisi siya sa akin.

   Iyong klase ng ngiti na makakapaglaglag ng panty pero hindi ang akin.

    Lumiko kami sa isang pasilyo. Marami kaming lugar na nalalampasan gaya ng hardin at nakakawili naman talaga. Napakalaki ng West Cannon Garden at maraming ibat-ibang klaseng bulaklak.

"Ang akademyang ito ay binubuo ng tatlong dibisyon. Ang freshmen, sophomores at junior ay ang unang dibisyon. Nandoon ang classrooms nila, dorm at ang battlefield. Ang senior grade 10-12 ay ang ikalawang dibisyon. Ang huli ay ang college division," mahaba niyang paliwanag.

   Akala ko ba, dalawang dibisyon lamang ang mayroon ang paaralang ito? Sa nakalap naming balita ukol dito ay wala naman akong nabasa na may mga freshmen, sophomore at junior pa.

   Pero, totoo nga. Sa mapang ibinigay niya ay may tatlong dibisyon. Ang lugar na ito ay pabilog at ang may pinakamalaking dibisyon ay ang kolehiyo. Sa kada dibisyon ay may border at gate kaya walang sinuman ang lalampas sa kani-kanilang campus.

"Ang battle field ay kung saan nagaganap ang Student's Duel every semester. This school is teaching martial arts and other self defenses. And inorder to test their abilities in whether they improved or not, they will have a duel. If you're in the primary campus, you'll have a duel with either a grade 7, 8 or 9 student and so on and so far. Bubunot ka sa isang box ng pangalan at ang mabubunot mo ang siyang kakalabanin mo."

"Sa duel naman ay magkakaroon ng rank ang mga mag aaral. Their ranks depend on how powerful they are. The higher the rank you are in, the higher the possibility they respect you. And ofcourse, students have their limits in using their power. You can read it in your manual. If the SSG officers caught you violating the rules, you will be placed in a detention room and I promise, you won't like it there."

"And this school has two patrons. The patrons are like two opposing groups of this school. The two patrons are being led by the two McGregors. And later on, you will choose to whether whom you'll sign your patriotism. Beware of whose patron you'll chose. Ang school na ito ay puno ng bullies at kung sino mang malas na taong iyon ang magugustuhan nilang biktimahin ay talagang kawawa. Kaya the patron you chose will either provide you protection or they'll let you be," makahulugan niyang sabi habang matiim akong tinitigan. Tumaas naman ang kilay ko habang sinasalubong ang tingin niya.

   This is just a child's play. I've been with more than this school can give me.

"Ang seryoso mo. Ni hindi kita nakitang ngumiti mula kanina," bigla siyang nag change topic. Putangina 'tong lalaking to. Sinisira ang maganda kong imahinasyon.

   Biglang tumunog ang bell na hudyat ng lunch break. Ni hindi ko man lang namalayan ang paglipas ng oras habang nagpapatuloy kami sa pagtour.

"Honeybabe? Isajace!" isang matinis na boses ang narinig ko bago nakita ang babaeng papalapit.

"Oh, shit!" biglang nataranta si Isajace at hindi alam kung tatago ba o tatakbo.

"Aaalis na ako - " magpapaalam na sana ako pero nabigla ako nang ipulupot niya ang braso niya sa bewang ko. Sa isang iglap ay naramdaman ko ang labi niya sa gilid ng labi ko. Nanlaki ang mata ko at handa na siyang tadyakan sa bayag niya.

"Huwag ka munang aalis. Sandali lang 'to. I will take this as a debt from you and you can tell me whatever you want later," bulong niya at ipinirmi ako. Umakto siyang mas inilapit pa ang katawan niya sa akin na para bang tunay niya talaga akong hinahalikan.

"Please..." pakiusap niya at pagbibigyan ko na sana siya. Okay na sana eh. Ang kaso, nakita ko si McGregor na nakasandal sa isang puno at matalim ang tingin sa akin!

  Para akong isang asawa na nangaliwa at nahuli niya. Nanuyo naman ang bibig at lalamunan ko nang makitang naglakad na siya papalapit. Napabuntong hininga ako sa kawalan ng pag asa. Peste 'tong lalaking to!

Ngayon, patay na patay na talaga ako nito!

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now