"Can't I have the right to know my wife's schedule?" inosente nitong tanong na para bang totoo niya talaga akong asawa.

"Tss. Alis na. Papasok na ako," pagtataboy ko pa sa kaniya. Alam ko rin naman na marami pa siyang aasikasuhin sa opisina niya sa SSG lalo na't first day of class.

   Tiniming kasi talaga ng nakatataas namin na i assign ang mission na ito para daw hindi maapektuhan ang pag aaral ako. 

"Okay. I'll go now, take care," paalam niya at biglang yumuko para halikan ako sa noo.

   Napaawang na lamang ang labi ko. Bipolar ba ang lalaking iyon? Matapos niyang maging malamig ay magiging sweet na naman. 'Yung totoo, ano ba talaga? Pansin ko rin na ang clingy niya, ah.

   Kung hindi ko lang alam na babaero 'tong bastardong to, tiwalang-tiwala na ako. Kung hindi ko lang rin asawa 'to, asa pa siya na makakahawak siya sa'kin kahit pa sa kalingkingan ng buhok ko.

   Nang mawala na siya sa mundo este sa paningin ko, ay pumasok na ako. Napahinto ako sa paglalakad nang makitang nakatingin sa akin ang apat na lalaki at nakaawang ang labi na nakatingin sa akin.

"T-tinawanan ka ni President."

  Huh? Ano ngayon? Hindi ba iyon nakakainsulto?

"Kinuha niya yung schedule mo."

   Mabuti't di mo narinig na asawa niya ako.

"Sabi niya 'take care'."

   Oo, hindi ka nga bingi.

"Hinalikan ka niya sa noo."

    Para namang hindi kayo nasanay sa babaero niyong presidenti.

    Napakurap-kurap na lamang ako at wirdo silang tinignan. Di ko alam na tsismoso ang mga tao dito. Kinunutan ko lang sila ng noo at umupo na rin sa dulo.

   Ano bang nakakagulat dun? Hindi pa ba nila nakikita si McGregor na dumadamoves? Masyado ba talagang nakakapanibago para maging ganun ang reaksyon nila? Masyadong OA.

   Base pa sa nakuha naming impormasyon, isa siyang taong malamig, arrogante, maikli ang pasensya at isang putanginang babaero.

    Napairap na lamang ako. Ilang babae na kaya ang naikama nu'n? Malamang baka lampas isang daan na. Pero buti nalang at wala siyang AIDS ayon na rin sa report. Atleast, hindi na madadagdagan 'yung mga dahilan para hindi ko na siya palapitin sa akin.

  Makalipas ang ilang minuto ay napuno na ng mga mag aaral ang classroom. They are chattering and laughing all around. Napaka ingay. Marahil ay dahil unang araw pa lamang ng klase kaya nag ca-catch up pa sa isa't isa.

  Tumingin ako sa paligid at mabilisang pinag aaralan sila, isa- isa. Lahat sila ay malalaman mo talagang anak mayaman sa isang tingin lang. Makinis na kutis, mga eleganteng galaw at magaling magsalita ng Ingles. Nakanosebleed ang kingina.

"Hey, who's that?"

"A newbie?"

"I thought we're not accepting transferees anymore?"

    Napatuwid ako sa pagkakaupo nang mabaling ang atensyon nila sa akin. Lahat sila ay parang sinusuri ako mula sa kaibuturan ng ulo ko hanggang sa kaliit-liitang dumi ng kuko ko. Sino bang may pasimuno?

"Bro, mukhang bago 'yan ni President eh," nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi ng isang lalaki sa kasama niya. Peste! Makakalbo ako nang wala sa oras nito. Ito na nga kasi ang sinasabi ko.

"Huh? Bakit mo nasabi, pre? Sayang naman. Napakaganda pa naman niya."

"Sus, wag na pre. Nakita namin kanina. Hinatid!"

"H-hinatid? At kailan pa naghatid si McGregor ng fling?"

'Fling'

'Fling'

'Fling'

"What? Who saw McGregor with her?"

"Omg! A slut!"

"Bitch!"

   What fling?! What the hell!

   Halos kastiguhin ko ang sarili ko para lang mapigilan ang pagbuga ng apoy. Napapikit ako ng mariin. Kasalanan mo ito, McGregor! Lagot ka sa'kin!

" Silence, please."
  
    A woman in her mid 30's finally entered the room. I heaved a sigh of relief.

" Before I go and start the class, I want the transferee to introduce herself first. Is she around?"

   Here comes the most annoying part! Wala akong choice kung hindi ang tumayo sa harap.

" Hi, I'm Nemesis."

" Last name, Miss?" a young man from the crowd asked.

" Montero."

" May facebook ka ba, Miss?"

    Hilaw akong napangisi at umiling. Gago 'to ah. Sapakan nalang oh.

" Be formal, boys," sita sa kanila ng guro.

" And what's your chosen sports, Miss Montero? Where would you like to be specialized other than med since we are the STEM strand?"

    Sports? Hindi naman sports ang med ah?

" Oh, I'm sorry. You perhaps don't know. We have choices like swordsmanship, guns, archery, combat, programming and med."

    Sounds... interesting...

" I would prefer swordsmanship."
   
    Napuno ng bulungan ang silid sa naging sagot ko. Maski ang guro ay nakitaan ko ng gulat sa mata.

" Oh, I thought you would choose archery. Because not many women can endure holding swords for a long time."

      Ngumiti lamang ako at hindi na nagsalita.

" Okay, then. You would be under Kenshin's wing, Miss Montero. I will tell him after the class and he will probably introduce you to the swordsmanship sec."

" By the way, welcome to crowd Alpha where outstanding and extraordinary students are grouped in."

   

  

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now