Ngayon ay nakasuot na lamang siya ng puting t-shirt at bumakat ang mga muscles niya sa balikat pati na ang abs niya. Ilang sandali akong napatulala bago makabalik sa reyalidad nang pitikin niya ang noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"The way you stare at me makes me wanna think you want to eat me."

   Hambog! Akala mo naman kung sinong gwapo.

"Ang kapal mo! Marami akong nakikitang ganyan sa tinatrabahuan ko!" walang ingat na sabi ko sa kaniya. Muntik ko nang mabatukan ang sarili ko nang makita ang pagdilim ng ekspesyon niya. Nawala ang ngisi sa mukha niya. Peste. Nakakatakot talaga siya kapag gumaganito.

"How many bodies of men did you already see then?" nanghahamong tanong niya at umigting ang kaniyang panga. Magkasalubong na ang makapal nitong kilay at ang mga mata'y parang patalim na gusto akong katayin.

"H-huh? Joke lang. Wala pa!" pagsisinungaling ko pa at hilaw na ngumisi. Sinimulan akong pagpawisan. Nagsimula akong mataranta nang humakbang siya palapit sa akin. Mabilis akong napahakbang paatras.

"Dont make me repeat what I said, Nemesis Louie Montero-McGregor."

   Nangilabot ako nang binanggit nya ang buo kong pangalan na kadugtong ang apelyido nya.

   Hindi pa talaga ako nasasanay na natatakot sa kaniya nang ganito. Sa lahat ng taong nakasalamuha ko sa labing tatlong taon ko sa mundong ito ay ngayon lang ako nakatagpo ng taong nagagawa akong takutin. Ni hindi ako magawang takutin ng mga boss ko nang ganito. Talagang may kung ano lang sa kaniya na hindi ko pa alam kaya natatakot ako.

"U-uh. Hindi ko mabilang," walang kasiguraduhan kong sabi.

   Oo, nakakita na ako nang maraming iba't ibang katawan ng mga lalaki at hindi ko maitatanggi na magaganda nga ang mga 'yun. Pero kasi dahil lang iyon sa dahilan na ang organisasyon namin ay karamihan ay mga lalaki.

   Nakakapasok lamang sa organisasyon namin ang mga babae kapag talagang napatunayan na kaya niyang lampasan ang mga lalaki. May humigit kumulang sampo lamang kaming mga babae sa organisasyong ito. Tatlo kaming mga Class S seraph at ang lima pa ay ang kasali sa labindalawang legendary master sa organisasyon namin.

     Parang gender inequality, ano? But the truth is hindi naman talaga maraming babae ang naghahangad ng ganitong trabaho kaya pili lang ang nakakapasok. Most women are easily distracted by fear, value and conscience.

"Then have you touched them? Have they touched yours too?" tanong niya na nagpalaki sa mata ko.

"Ano?! Wala!" naisigaw ko. Nagdududa niya akong tinignan kaya nag iwas ako ng tingin. Geez. Bakit ba ang tsismoso ng lalaking to?

"Then explain it to me."

   Hindi ko alam kung pipikit ba ako o 'di kaya'y ibaling sa kabilang direkyon ang mukha para makaiwas sa mukha niyang napakalapit.Wala na akong lugar na maatrasan kaya nakasandal na ako sa sasakyan niya habang ang braso niya'y nasa magkabilaang gilid ng aking mukha.

   Sa totoo lang ay kayang-kaya kong patumbahin ang isang 'to kaya lang ay nagdadalawang isip ako dahil sa kaniya nakadepende ang kontrata namin. Lalo na't may sugnay sa kontrata namin na kailangan kong sundin lahat ng utos niya. At kapag lumabag ako ay pwedeng pwede niyang sirain ang usapan.

"K-kasi minsan kapag nasa training k-kami ay naghuhubad sila dahil sa pawis. Puro l-lalaki ang nandoon," nagkakanda utal-utal kong sagot. Ni hindi kumurap ang mga mata niya habang sinasabi ko yun.

"M-minsan, nahahawakan ko ang k-katawan nila kapag nag-s-sparring kami at natatamaan sila pero hanggang doon lang," sinubukan kong dugtungan ang paliwanag ko.

"Hmm," tanging sagot niya na para bang nakontento na siya roon.

    Napahinga ako nang malalim sa kaginhawaang naramdaman pero naasiwa pa rin dahil halos magdikit na ang ilong namin at nararamdaman ko ang hininga niya sa mukha ko.

"L-lumayo kana, ano ba!" sita ko sa kaniya pero hindi siya nakinig.

   Aba! Namimihasa rin ang lintek. Nabigla naman ako nang bigla niyang hinalikan ang gilid ng labi ko.

"Bakit ka ba nakaw nang nakaw ng halik? Bawal na 'yan, ha!"

"Nakakatawang tingnan ang ekspresyon mo eh."

    Tang-i-na. Tumirik ang mata ko sa ibinigay niyang dahilan. Akala ko ay tapos na pero nagpatuloy pa ang lintek.

"Are you bothered by our closeness?" bulong niya habang nanatili ang labi sa gilid ng labi ko. Halos hindi ko na gustong igalaw pa ang mga labi ko para lamang hindi na ito magdikit pa.

"Hindi," pagsisinungaling ko.

"You shouldn't be. Because I'm your husband now. You should be used to our close proximity like this."
  

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin